Sam
It's been a month ng sagutin ako ni baboy . Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwalang girlfriend ko na sya at legal pa kaming dalawa .
Sa panahon kasi ngayon iilan lang sa milyong tao sa mundo ang kayang tanggapin ang ganitong klaseng relasyon .
Palagi ko ngang nakikita ang mga taong wagas kung makatingin sa amin . Palibhasa ang papangit nila .Mga insekyora !
I stopped being clingy to Jade in public these days para iwas sa judgemental people .Para din di sya mailang though we're both proud of ourselves .
Tapos na ako sa pag'aayos at dali-daling bumaba .Dinampot ko ang tatlong pirasong pulang rosas pati ang cadburry na chocolate saka sinambot ang susi ng kotse ni Mom .
'Thanks Mom ! ' sigaw ko
'You're welcome Sammy ! Ingat sa pagdadrive ' mommy ko
Dali-dali akong nagpunta sa kotse ni Mom saka pinaandar sa tapat ng bahay ni Jade which is katabi lang ng bahay namin .
Lumabas ako saka sumandal sa kotse habang hinihintay ang paglabas ng girlfriend ko .
Maya-maya lang ay lumabas na ito lulan ang napakasimpleng ayos ngunit napakagandang mukha nya .
Ngiting-ngiti naman ako saka ko napansing namumula sya .
Tinignan ko kasi mula ulo hanggang paa .
'Ano lalarga ba tayo o tititigan mo lang ako ? ' kunwari'y nagtataray kong girlfriend
'Sorry naman ! ganda mo naman kasi ! natulala tuloy ako ? By the way ! Happy monthsary baboy ko ! ' masaya kong bati sa kanya
'Leche monthsary mo mukha mo ! Baboy pala ah ! ' pagtataray uli nito
Napanguso naman ako sa sinabi nya .
Tatalikod na sana ako ng biglang yakapin nya ako.'Happy monthsary tabachoy ' bulong nya sabay kiss sa pisngi ko
Awww ! ang sweet pala nitong babaeng to !
'O kinilig ka naman ! Tara na !'
sabay pasok sa front seat ng kotse .Iniwan akong nakatulala mula sa pagkakalambing nya .May pagkawalang-hiya din talaga to minsan .
Habang nagdadrive ako pinakuha ko sa kanya yung chocolates at roses sa back seat .
Kinilig naman sya at panay ang blush .Marunong talaga sya mag-appreciate ng mga bagay-bagay .
Mga ilang minutes lang din ng makarating kami sa mall .Igagala ko muna itong isa .Mukhang matagal-tagal na din ng huling punta nya dito .
Pinatingin tingin ko muna sya sa paligid saka nagmadaling pumunta sa isang jewelry store .Naghanap ako ng magandang kwintas na babagay sa kanya .
Ng papalapit na sya ay agad kong itinago ang kwintas sa bulsa ko .
Saka sya niyaya maggala-gala .Napadpad naman kami sa quantum . May mga nagsasayaw sa just dance sa harap nito . Nakita kong aliw na aliw naman itong katabi ko .
Maya-maya ay nagpunta kami sa loob saka bumili ng token .
Naghulog kami sa may basketball ring saka naglaro .Panay ang sala nung sa akin samantalang si babs parang sanay na sanay pa din .
'Yung totoo ? Kelan pa huling punta mo dito ?' natatawang tanong ko
'Nung last na punta natin dito nila tita' sagot nya ng di inaalis ang tingin at atensyon sa pagshushoot .
Di nalang ako umimik saka naman ako natamaan ng bola sa kabilang ring .
Tawa lang kami ng tawa habang naglalaro hanggang sa matapos .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...