Chapter 4

2.2K 83 0
                                    

Sumunod na araw naging  busy sila dahil sa group activities na pinapagawa sa kanila .

Ni wala silang lingunan o kaya nama'y kamustahan man lamang .

Tila ba nagkakahiyaan ang dalawa at parehas naghihintay na pansinin ang isa't-isa .

Ilang minuto ang nakaraan ay oras na para ipresenta ang kanilang mga pinagpaguran .

Reporting ang style na ipinakita nila L.A sa klase . Di maitatanggi na talagang may angking talino at talento ang magandang dalaga .

Samantalang si Jade ay halatang sobrang interesado sa pinapakita ng dalaga o di kaya nama'y sa mismong dalaga ?

Mataas ang ibinigay na grado sa kanila ng guro kaya nama'y labis ang kanilang mga ngiti sa labi .

Makailang minuto'y si Jade na ang nasa harapan . Labis ang kaba nya sa dibdib ngunit dahil alam nya sa sariling matalino sya ay gagawin nya ang kanyang makakaya .

Tula ang napunta kila Jade . Dahil walang nagpresenta , sya na lamang ang piniling tumula mag-isa sa harapan .

Noong una'y tila di magkamayaw ang puso nya sa pagtibok ng mabilis ngunit ng makita ang mukha ng isang L.A na nakangiting nakatingin sa kanya ay tila nabigyan sya nito ng sapat na lakas ng loob dahilan para mapatayo ang kanilang guro sa pinakitang galing sa pagtula .

Pagkatapos ay masayang naupo ang isang Jade sabay lingon sa babaeng mananayaw saka ito binigyan ng isang matamis na ngiti .

Yung ngiting hindi pilit . Ngumiti naman ang mananayaw sabay thumbs up sa dalaga .

Dumating ang lunch break at sabay na napatayo ang dalawa . Nagtagpo ang kanilang mga mata sabay na ngumiti at sabay na naglakabay papunta sa kanilang sariling cafeteria .

Mini Garden - -

Layne Alexis'

Nakarating na kami ni Jade sa mini . Basta mini nalang tatawag ko dito sa garden . Di ko mapigilang ngumiti dahil talagang gumising ako ng maaga para magluto nitong mga to .

Sinigang na baboy at Kare-kare .

Sana lang talaga magustuhan nya mga to . Nailabas ko na lahat ng pagkain sa bag at napansing kumikislap ang mga mata ng aking kasama .

Nagutom yata sa ginawang activity kanina . Kaya inaya ko na sya kumain para naman mabusog na kami .

" Ang ganda mo kanina ah ! " panimula ko sa kumakaing si Jade

Nakalimutan kong puno ang bibig nya kaya nabilaukan sya sa nasabi ko . Agad ko syang pinainom ng rootbeer hanggang sa makalma na sya .

" anong sinabi mo ? ulit ?" wika nya

" ano ! sabi ko ang galing mo kanina ! " pag-iiba ko ng usapan

Nakita ko namang namula ang mga pisngi nya sa nasabi ko ngunit pinigilan nya iyon at sinabing

" wala yon . nahihiya nga ako sa lahat e . di talaga ako sanay humarap sa maraming tao pero nakita ko nakasmile ka haha "

Ngumiti naman ako sa narinig ko sa kanya at papasubo na sana ng bigla kong naramdamang may malambot na dumampi sa aking mga pisngi

" salamat ha ? " sunod pa nya

Nabigla ako sa nangyari at naramdaman ko na lamang ang pag-init ng aking pisngi .

Sa tanang buhay ko ! Sa pangalawang pagkakataon , sya ang unang babaeng nakahalik sa pisngi ko bukod sa magulang ko .

At masaya ako doon .

- -

Jades'

Sobrang tuwa ko sa kanya ay nahalikan ko tuloy sya sa pisngi .

Agad akong natauhan at humingi ng tawad sa aking nagawa .

Sinabi naman nyang okay lang daw iyon basta't kung may susunod ay magpapaalam na muna para di sya nagugulat .

Ako yata ang nagulat sa sinabi nya ?

- -

Naghari ang katahimikan habang sila'y nananghalian hanggang sa nagpasalamat na sila sa mga pagkaing pinagsaluhan nila .

A W K W A R D . best word to describe their situation right now.

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon