Chapter 22

1.1K 48 3
                                    

Sam

Today is Saturday.
It's been a month since I gave her a letter asking if I can court her .

And guess what ?
She said yes !

Araw-araw ko syang nililigawan , I always put emoji sa locker nya pati chocolates . Tapos magtatago ako para makita anong reaksyon nya . Lagi syang napapangiti , yung ngiting kinikilig tapos namumula pa yung mga pisngi nya . That inspires me to prove my love for her more .

Papunta na ako ngayon sa kwarto nya to visit her kaso pagbukas ko sleeping ugly na naman sya .

Alam kong ang bastos kung gigisingin ko sya pero sorry kase gigisingin ko pa din sya sa ayaw at sa gusto nya .

Niyugyog-yugyog ko sya pero walang talab .

Kiniliti ko ang mga paa nya at gumalaw ng bahagya ang mga ito.

Mukhang wakey wakey na sya nagtutulug-tulugan lang .

Napangisi ako ng may bigla akong naisip gawin .

Dahan-dahan akong pumwesto ng pagkakahiga sa tabi nya saka ko sya niyakap . Ipinatong ko pa ang binti ko sa mga hita nya .

Naghintay ako ng ilang minuto pero di pa din sya umimik .

' Alam kong gising ka na babs , wag ka na magpretend ' bulong ko sa tenga nya

Nag-isip ako ng iba pang paraan paano sya gigisingin .

Itinaas ko ng bahagya ang black T-shirt nya. Medyo nanigagas ako saka ko hinipan ang kakaunting balat na nakaexpose .

Wala pa din ?

Nangiti ako ng nakakaloko ng may maisip na naman ako .

Paano nga ba ginising ng prinsipe si Snow White ?

Grabe ang kabog sa dibdib ko habang dahan-dahan akong lumalapit sa mukha nya .

Kiniss ko sya sa noo , sunod naman sa ilong nya , pati pisngi . Grabe sa lambot ! Nakakagigil .Saka ako napatingin sa lips nya.

Lagot ako nito pag nagising sya .

Isang inch na lang ang pagitan ng lips naming dalawa ng bigla nyang imulat ang mga mata nya .

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya, patay talaga ako nito ngayon .

Tumigil ako sa paglapit , ngunit di ko inilayo ang aking mukha sa kanya . Nanatili ako sa ganoong pwesto , di din naman sya kumilos .

Ilang segundo kaming nagtitigan , pero may kung ano akong urge na halikan sya kaya inilapit ko pa ng kaunti ang aking mga labi sa labi nya ng di inaaalis ang tingin nya sa akin hanggang sa dumampi ito .

Nagwawala ang mga kung anong pwedeng magwala sa sistema ko . Para akong nakajackpot sa lotto ! Kay tagal kong hinintay ang oras na ito .

Napakalambot ng labi nya parang marsh mallow . Hinihintay ko lang syang pigilan ako fortunately mga 1 minute na ng itulak nya ako .

That's my first kiss .

Umupo sya sa gilid ng kama nya , nakatalikod sa akin . Di sya umiimik .

Nabalot ng awkwardness ang kwarto nya . Maya-maya ay tumayo naman ito saka nagpuntang banyo para makapaghilamos at toothbrush .

Ako nama'y nanatiling nakatingin sa banyo , hinihintay ang pagbalik nya .

Ngiting nakakaloko na naman ako ng makita ko syang palabas ng banyo .

Masama naman ang tingin nya sakin habang papalapit sa kinaroroonan ko .

'Letse kang tababoy ka ! First kiss ko yun ninakaw mo ! ' hiyaw nya habang hinahampas hampas ako

'Woah ! woah ! woah ! Anong ninakaw ? FYI nakamulat na ang mga mata mo nung ikiss kita . Tagal nga bago mo ako itulak ! Mukhang nasarapan ka ah ? Tara ituloy na natin mas masarap to promise ? ' pang-aasar ko sa kanya .

Namula naman sya lalo sa pinagsasabi ko .

'Walanghiya ka ! sagot nito

Kiniliti ko naman agad sya dahilan para manghina ang mga tuhod nya at mapahiga sa kama .

'Oy anu ba ! Na.ka.kainis ka naman eh ! Tigilan mo nga ' sabi nya sa pagitan ng pagtawa nya

Tawang-tawa ako dahil pulang pula na ang mukha nya kakatawa . Ng napagod na ako'y tinigilan ko na sya . Saka humiga sa tabi nya .

Ng pareho na kaming nakahinga ng normal saka ko sya tinanong .

' Do you find me attractive ? I ask
saka ko sya tinignan mula sa pagkakatingin sa kisame.

Kumurap kurap naman sya bago sumagot

'Uhm . yes ? walang ano-anong sagot nya

Napangiti ako sa sinagot nya .This time mas lalo akong lumapit .

' Do you want me to kiss you ? nakangiting tanong ko

'Ah ? yes ? 'prangkang sagot ulit

Nangiti lalo ako sa sagot nito . Mas lalo along lumapit sa kanya .

Sobrang lapit na ng mukha naming dalawa.

'Uhm , so . . do you love me ? you know not like friends or bestfriends but lovers ? ' tanong ko ulit sa kanya .

I look at her intently waiting for her answer .

Sya naman nakatingin lang din sakin .

Ilang minuto kaming nagkatitigan ng maramdaman kong mas lalo syang lumalapit sa akin hanggang sa magtama na ang ilong namin.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa hindi ko na napigil ang sarili ko .

Inilapit ko ang labi ko sa labi nya .Noong una'y nakalapat lang ito pero parang I want more of her .

Saka ko lang ginalaw ang lips ko .At first nabigla sya pero habang tumatagal nakakasabay na sya sa paghalik sakin .

It's true na it's my first kiss pero marunong ako kasi nanonood ako ng bold . Puro girl to girl .

Iniyakap ko pa ang aking mga braso sa bewang nya to deepen the kiss we're sharing . Ipinulupot naman nya ang mga braso nya sa batok ko .

Sobrang sarap sa feeling na gusto nya din halikan ako . Mga ilang minuto na siguro kaming naghahalikan ng kumalas sya .

Nahirapan na huminga .Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa habang naghahabol ng hininga .

Ng makarecover ay inilapit ko na naman ang lips ko sa lips nya . Tinulak naman agad nya ako .

'Hey ? Bakit ? angal ko

'Tama na nga . Baka maadik ka ' natatawang sabi nya

' Adik na nga ako oh .Isa pa please ? pagpapacute ko

Umirap naman muna ito bago nya iclose yung gap ng lips namin .

Mga ilang minutes uli yon . Tumigil lang kami ng kumalam na ang mga sikmura namin .

And that's how she said yes !

Kami na . Girlfriend ko na sya ! Finally !

'Thanks for loving me ' i said while we're watching A Very Special Love

'My pleasure ' nakangiting sagot nya

Nginitian ko din sya and continue watching ng ikiss nya ako sa lips . Smack lang

'Your welcome ' sabi nya ng hindi lumilingon sa kinaroroonan ko .

'Ikaw talaga ' napapailing na lang ako na nakangiti saka ko na naman sya kiniliti hanggang sa makatulog kaming dalawa sa pagod.

- Thanks for reading ! -

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon