Kahit ayaw ko dun sa guy pilit kaming pinagsusundo ni Sam .
Lagi nya sinasama kung san kami magpunta . Lagi na nga lang ako tahimik eh . Tapos pag natahimik ako tatanungin nilang dalawa . " OKAY KA LANG ?? "
Tingin ko konting konti na lang sasabog na ko .
Medyo nakakahalata na ako . Pag tinatanong ko naman sya ano nya yung maliit na lalaking yun lagi nyang sinasabi TROPA nya lang . Nakababatang kapatid .
As in lagi yun ang sagot nya .
Minsan na lang syang pumunta sa bahay tapos madalas hawak pa nya phone nya . One time naiwan nya phone nya , nagpunta sya sa banyo para jumebs . Dahil walang password ang phone nya agad ko itong nabuksan .
Nagtingin agad ako sa messages pero wala . Burado . Yung akin lang ang natira . Tinry kong buksan ang messenger nya pero may password .
Di naman naglalagay ng password si tabs .
Come to think of it yung mga di nya ginagawa dati ginagawa nya ngayon .
I don't know what made her do that pero as a girlfriend masyado akong nababother .
Bihira nalang din sya pumunta sa bahay . Di na din nagtetext or chat .
Ehem speaking bigla umilaw screen ng phone ko . Chineck ko agad kung ano yung nag notif and to my surprise
may message si kupal este tabs .May party kami mamaya ng mga co dancer ko
Gusto ko nga replayan ng oh tapos ? anong pake ko ?
Naiinis na talaga ako promise .
Nagreply nalang ako ng K .
After that natulog na ako .
Kinabukasan dumaan ako kila Sam para sabay kami pumasok pero sabi ni tita di daw sya umuwi .
I tried to search one of her co dancer para imessage . Luckily nagrespond naman agad ito .
Kasama nyo ba si Sam ? i asked
Hindi eh . Saglit lang sya dito kagabi then umalis na sila ni Nelson . Ihahatid na daw nya pauwi . replied Mico
With that biglang tumulo yung luha ko . Bigla akong nanlumo at napaluhod sa tapat ng bahay nila Sam.
I was in pain . Hindi ko alam anong nangyayari pero may kung anong pumasok sa kokote ko dahilan para maramdaman ko tong sakit na to .
Ang sakit . Ang sakit sakit ! Buong lakas akong tumayo saka bumalik sa bahay . Di ako makakapasok ngayon . Not now .
Pagpasok sa kwarto dun ako humagulgol ng iyak .Di na ako makahinga sa sobrang iyak at paghikbi . Hanggang sa unti unti ng dumidilim yung paningin ko at tuluyan na kong nawawalan ng malay .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
AcakNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...