Jades'Natapos ang araw ng aming pagsusulit na as expected is wala sya . Baka nga multo lang sya .
Nasa hallway na ako ng mapansin kong may kumpulang nagaganap . Saka ko lang naalalang ngayon pala result ng exams .
Walang gana kong hinanap ang pangalan ko isang metro ang layo sa bulletin board .
Walang gana din akong lilisan ng may marinig akong di ko inaasahan .
" Diba ilang weeks na syang wala ? Paanong nasa unahan pa din sya ? " ani jeron
isa sa mga classmate ko .
Agad kong sinilip ulit ang results ngunit kasabay nito ay panlalaki ng aking mga mata .
Nangunguna pa din si Sarmiento pero ilang weeks na syang wala dito . Wala nga din sya nung exam paanong nangunguna na naman yan . Tsk tsk
Ako pangatlo lang . Badtrip ! Lumalabas na pagiging siraulo ko . Bago pa tuluyang masira ang ulo ko dali dali akong pumasok sa room namin saka naupo .
Ilang minuto lang din saka dumating si Ms Reyes .
" Announcement ! Guys makinig kayo . Kamusta ang results ng exams nyo ? "
Kanya kanyang sagot ang mga classmate ko pero sabay sabay naman sila kaya di rin naintindihan ni ma'am .
" By the way , Si Sarmiento nga pala ay advance na nagtake ng exam dahil may event syang pupuntahan abroad . Hindi ko pa alam kailan ang balik nya pero maybe next year na . Sa mga mababa ang nakuhang score sa exams magreview kayo ! Si Sarmiento pa din nanguna mas mahaba time nyo para magreview . Sya sige magpahinga muna mga utak nyo at may meeting pa kami " dire-diretsong sabi ni ma'am
Naghiyawan naman sila dahil nga may meeting si ma'am .
Tahimik lang ako dahil may iniisip ako. Anong event naman kaya yon ? At bakit hanggang ngayon di pa din sya nagpaparamdam ?
Napapailing nalang ako sa pinag-iisip ko . Kahit pala sabihin kong galit ako sa kanya hindi pa rin maalis sa akin ang mag-alala at umasang may makukuha akong sagot sa mga tanong tungkol sa kanya .
Minsan na nga lang ako magtiwala lagi pang ganto .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...