Jade
Nagising ako ng 6 o'clock ng umaga . Dali dali akong naghilamos saka nagtungo sa kusina . Naabutan ko si mama na kumakain ng breakfast .
" Si kuya ma ?" Bungad ko
Umupo na din ako saka naghain ng fried rice at hotdog na paborito ko .
"Nauna na . Check mo daw pala yung phone mo . " Sabi ni mama
Tinapos ko muna yung almusal ko saka nagtungo sa kwarto ko .
Pagbuklat ko ng phone nakita kong may 7 messages ako from kuya .
"Take your time " basta parang mga ganun tapos nagsorry din sya dahil nangialam sya .
Naiintindihan ko naman si Kuya bakit naging ganyan sya ka overprotective sa akin . Mahal lang talaga nya ako .
Sana all mahal 😅
Speaking of Mahal ! Nag text yung girlfriend ko . Kami pa ba ? Mag usap daw kami . Nagreply nalang ako ng like sign .
Sinabi nya sakin saan kami magkikita and then nag ayos na ako . Yung simple lang ha ? T-shirt at jersey short . Nakakainis lang medyo halatang umiyak ako .
Nandun na ako sa place at kasalukuyang naghihintay ng may mag abot ng ice cream mula sa likod ko .
Alam nyo na siguro kung sino yon .
"Hi " sabay tabi nya sakin .
Naiilang tuloy ako sa sitwasyon namin ngayon . Saglit kong tinignan ito sa mata at nakitang may kakaiba sa way ng pagtingin nya sakin .
Pinagsawalang bahala ko nalang ito at saka nilantakan yung ice cream .
Mga ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala ni isa sa amin ang nagsasalita .
Napabuntong hininga nalang ako saka naglakas loob magsalita .
"Ano palang sasabihin mo ? " I tried not be sensitive kahit na parang papatulo na yung luha sa mata ko .
Napatingin naman ito sa malayo saka sumagot .
"I'm sorry " . Tanging sambit nito
"Sorry para saan ? " Tanong ko
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...