Chapter 25

978 44 3
                                    

Jade Anne

Araw , linggo , buwan .
Ilang buwan na din ang lumipas ng maging kami ni Samantha .

Mula din ng araw na iyon mas lalo akong naging grateful dahil may taong nagmamahal sa akin at napaka'caring .

Ilang buwan ng kulitan , asaran , tampuhan , selosan di mawawala yan . Pero ang pinakagusto kong part ay ang di pinapatapos ang araw na may tampuhan or magkagalit .

Pauwi na kami at naglalakad patungong bahay ng tumawag ang isa nyang co'dancer .

'Oh ? Sige sige . Papunta na ako .Ge ge .' tanging narinig ko mula sa katabi ko

'Babs may ipapakilala sa aking bagong member ng grupo ,pupunta ba ako ?' tanong nito

Nawalan ako bigla ng gana sa narinig ko . Ayaw ko namang maging selfish pero di na kasi ako talaga sanay na walang maingay o nangungulit sa tabi ko .

'Ang sabi mo papunta ka na di ba ? ' paglinaw tanong ko

'Sinabi ko lang yun para matapos na yung usapan . Alam ko namang di ako titigilan ng mga yun e .' pagpapaliwanag nito

'Paano kung sabihin kong ayaw ko ?' tanong ko

'Hmmmm ? 'nag'iisip kunwaring si Sam

'Edi hindi pupunta! ' nakangiting sagot nito

'Sige na pumunta ka na .Di ka naman siguro matatagalan doon hindi ba ?' tanong ko kay Sam

'Hindi ko sure babs e . Pero itetext at tatawagan kita para alam mo okay ?'pag'aassure nya

'Sure ka okay lang sayo ?' habol tanong pa nito .

Saktong nasa tapat na kami ng gate ng bahay .

Saka lang ako ngumiti . Yung plastik na ngiti .

'Oo naman . Sige na lumarga ka na para makauwi ka din agad .'

'Okay po babs ko ! Iingat ako para sayo ha ? I LOVE YOUUUU ! sigaw nito habang papalayo ngunit maya-maya'y lumingon ito saka patakbong lumapit papunta sa akin . Tinaasan ko naman ito ng kilay .

'May . naka limutan ako ' wika nya habang habol hininga .

Di pa ako nakakapagtanong kung ano iyong naiwan nya ng halikan nya ang noo ko . Medyo matagal din . Yung parang pinarating nya through kiss na saglit lang sya at wag ako mag'alala .

Mamula -mula namang tinitigan ko sya saka ko sya niyakap ng mahigpit .Pagkatapos kong kumalas ay dire'diretso akong pumasok sa gate saka nagsara nito ng hindi manlang lumilingon .

Medyo oa pero nalulungkot ako .Mamimiss ko lang kakulitan nya .

Pagbukas ng kwarto ay sumalampak agad ako sa kama ko saka tumulala hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Sam

Nandito na ako sa bahay nila Mico,pagdating ko sa rooftop nila ay nakita ko ang isang babaeng maputi na mahaba at straight ang buhok at singkit . Chinita

' Samuel ! Oh may bagong chixx tayo ! 'pagbibiro ni Joshua

'Loko loko ! Taken na ako . ' sagot ko

Saka ako umupo sa harap ni Chinita .

'Catherine nga pala ' sabay lahad nito ng kamay nya .

Tinanguan ko lang sya na sya namang ikinabigla nito .Para syang mahinhin na dalagang pilipina na parang bata sa paningin ko .

'So , anong balak nyo '? tanong ko sa mga ito .

'Ikaw magtrain sa kanya !' sabi ni Mico

'Ano !? Bakit ako !! Bakit di nalang kayo mga ulol ?? ' pasigaw na tanong ko

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon