Tumagal ng ilang weeks na hindi sila nagkakausap . Hindi na din pumapasok si Jade sa school . On the other hand napapadalas ang pagkikita at pagsasama ni Samantha at Nelson .
Sobrang nasaktan si Samantha sa ginawang pagtataboy ng kuya ni Jade sa kanya . Kaya napapadalas din ang pagpunta nya ng Kawit , para kahit papaano makalimutan nya ng panandalian ang dinadamdam nya .
In a short amount of time sobrang naging komportable sya kay Nel . Maybe because sobrang kulit nito at hindi umaalis sa tabi nya when she needed a shoulder to cry on .
Samantala nanatiling nakakulong sa kwarto si Jade ng ilang araw . One time sinabi ng mama at kuya nya na lilipat na sila ng Manila doon sa pinatayong bahay ng kuya nya . She wasn't able to have her phone since tinago ito ng kuya nya .
She's in deep pain these days . Alam nyang di pa sila nagkakabati dahil sa tinoyo nya nung isang araw tapos biglang dating naman ng kuya nya . Lalong masakit ng malamang malalayo na sya sa girlfriend nya .
Wala sa sariling nagtungo sa pinto.ng kwarto ng kuya nya si Jade .
"Kuya , pwede ka makausap ? " Tanong nito pagkatapos nyang kumatok
Wala syang narinig na sagot kundi ang pagbukas ng pinto ng kwarto nito .
"Pasok ka " Maotoridad na sabi nito
"Pwede ko po ba makuha yung phone ko ? Please ! Kakausapin ko lang sya . Sasabihin ko lang na lilipat na tayo ng bahay " Nagmamakaawang sabi ni Jade
"Bakit Jade nung umalis ba sya nagpaalam ba sya sayo ? Nagsabi man lang ba sya ng kahit na ano bago sya umalis ha ? " Aries na halata mong may galit kay Sam
Natahimik bigla si Jade .
"Kuya wala akong balak itigil kung ano mang relasyon ang meron kami ni Sam." Dire diretsong sabi ni Jade
Napaawang naman ang labi ni Aries sa sinabi nito .
"Sige . Sigurado naman akong di magwowork yung relasyon nyo e ." Sabay abot nung phone ni Jade saka nagtungo sa kusina .
Lumabas na agad si Jade pagkakuha ng phone saka ito chineck .
Wala ni isang message galing kay Sam . May password naman ito . Imposibleng mahulaan ito ng kuya nya at burahin lahat ng message nito .
Nagpunta sya sa bahay nila Sam . Doon nya nadatnan ang mommy nito .
Wala daw ito doon ngunit ang paalam daw nito ay pumunta ito ng kawit .
Dali daling sumakay si Jade sa isang baby bus patungo sa kinaroroonan ng kasintahan nya .
Pagbaba nito ay hinanap agad ng paningin nya si Sam .
May nakita syang grupo ng mga kabataang tulad nya sa bandang gitna ng damuhan . Paikot silang umupo at bumuo ng hugis bilog .
Dahan dahan syang lumapit doon at nakitang may umiikot na bote sa gitna .
Tumapat ito sa isang lalaki at nakita nyang papalapit ito sa isang babaeng nakashirt na itim saka ito hinalikan sa lips ng mga 10 segundo siguro .
Ng tuluyan na syang makalapit ay nanlaki nalang ang mata nya sa nakita nya dahilan para magmadali syang umalis sa lugar na iyon .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...