Samantha
Maaga akong pumasok ngayon dahil sobrang aga kong nagising .
Nasa may bintana na ako ng may nakita akong isang estudyanteng may nilalagay sa upuan ng babs ko .
Nanatili ako sa puwesto ko hanggang sa bumalik na ang babae sa kinauupuan nya .
Naghintay pa ako ng ilang classmate ko na pumasok sa room bago ako tumuloy sa loob .
Saka ko lang nakita kung sinong impakta gumawa . Nagkunwari akong walang alam sakto namang papunta sya sa banyo .
Agad kong tinignan ang upuan ni babs ko . May nakadikit na chewing gum dito .
Kinuha ko ito gamit ang isang papel saka idinikit sa upuan ni impaktang ilusyonada .Can't wait to see her ugly face later !
Jade
5 mins. nalang before time ako nakapasok sa room . Papalapit na ako sa upuan ko ng makita ko ang nakangiting mukha ni Samanthaba sa tabi nito .
Agad kong iniwas ang aking mga mata sa kanya . Di na din ako nag-abala pang tignan sya sa tabi ko .
Nakaupo na ako ng mga oras na yon ng may marinig akong sumigaw .
Argh ! Sino naglagay nito punyeta ?? bulyaw niya
Imbes naman na matakot nagtawanan pa lalo mga kaklase ko sa nangyari sa kanya .
Bigla namang tumayo sa harapan si Samanthaba .
" Ang bilis nga naman ng karma no ? Akalain mo bumalik agad sayo yung kagaguhan mo ? pang-aasar nito kay L.A
Nanatili namang nakatayo sa pagkainis ang isa . Tila walang masabi sa ginawang pagpapahiya ni Sam sa kanya .
" Listen ! Walang wala pa yan sa kaya kong gawin sayo . Kaya kung gusto mong may matira pang pride dyan sa katauhan mo layuan mo sya at huwag na huwag kang gagawa ng ikasasama niya . Kilala mo naman siguro tinutukoy ko hindi ba ? " matapang nyang sabi
Tila nalugmok sa kinatatayuan si LA at hindi na nya nagawa pang magbigkas ni anong salita sa kanyang bibig .
Naupo naman na sa tabi ko si Sam .
Ako nama'y nanatiling gulat sa nangyari . Ngayon ko lang sya nakitang ganyan .
Iniisip ko sino yung tinutukoy nya ng biglang dumating ang teacher namin na si Ms. Cruzado .
Hanggang sa nagsimula na syang maglecture samin .
Wala sa sarili akong naglelettering ng kung ano habang nakahalumbaba sa mesa ng mapansin kong nakatutok din dito itong katabi ko .
Bigla naman nyang inilapit ang kanyang mukha saka bumulong sa aking tainga.
Pinagpapantasyahan mo na pala ako hindi ka manlang nagsasabi . may halong panglalandi nyang bigkas
Huh ? Anong trip ng isang to ?
Nagsalubong na naman kilay ko sa pinagsasabi nitong isa.
Saka ko lang napansing pangalan niya yung sinusulat ko .
Bakit ba naman kasi sa dinami-daming pwedeng isulat ng unconscious kong utak pangalan pa nya ! Nakakainis !
Ang ending nagkunwari nalang akong di pa tapos itong sinusulat ko .
Assuming huh ? Ikaw lang Sam sa mundo ? Hindi pa ako tapos .
Saka ako nagkunwaring itutuloy ko na yung ginagawa ko .
Wala akong ibang maisip na idugtong kaya ginawa ko na lang Samuel .
Ng mabasa ng katabi ko yung sinulat ko bigla nalang siyang humarap sa kabilang banda ng kanyang desk . Bale nakatalikod sya sa akin .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
AcakNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...