Chapter 19 - Tears

132 0 0
                                    


[Kim Seungmin Chapter]

Ajmei POV [AJMEI - PRONOUNCE AS EYMI ]

I was sitting on the long sofa , when I see his childhood pictures. Nakakaaliw ang bawat litratong natatapatan ng mata ko. Walang pinagbago ang mukha nya, ganun parin Still Handsome.

Napatulala ako when a familiar voice came out. I'm wrong malaki na pala ang pinagbago nya. Mas naging manly ang boses and more prone in seducing girls. Ilang babae na ba napaiyak nito?

"Mei? May kailangan ka ba?"

"Ahm... Pinapunta ako ni tita dito. So I keep waiting here"

"Oh I see . But umalis si Mommy e , may pupuntahan daw urgent narinig ko sa mga katulong"

"Ahh. Ganun ba? Ah sige una na ko ah?" Nakakahiya but pinilit ko ang sarili ko na umalis tutal si Tita lang naman ang pinunta ko dito e.

When I was about to walk away. He speak " Mei, kain ka muna . Ako ang incharge sayo ngayon since wala si Mommy ibinilin ka nya sakin" he said casually.

E? Binilin? I thought di nya nakausap ang mommy nya at nakichismis lang dun sa mga katulong. Pero bakit ganun bigla akong napangiti ng wala sa oras , siguro kase papakainin nya na ko dahil medyo matagal din akong naghintay sa nanay nyang inindian ako. I don't think so.

"Salamat, pero baka may gagawin ka pa. Sa bahay nalang ako kakain" playing humble again, para mapatagal usapan . Ganyan ako kumilos hehe.

"Nope. I'm not that busy , c'mon sasamahan kitang kumain" Then he smile so gentle. Hinawakan nya ang braso ko at pumunta kami sa kusina.

I feel some butterflies on my stomach. Maybe gutom lang bakit ba kase hindi ako kumain sa amin bago ako pumunta dito . Hayss

"Ahmm.. Manang may makakain po ba dyan?"

"Opo sir . Meron pong mainit na tasty bread at nutella tapos may cake din po sir marami pa po dito ...." Sabay lapag ni Manang selia ang lahat ng meryenda sa table.

Si manang selia ang mayordoma nila dito sa korea. Bukod sa filipina sya mapagkakatiwalaan pa. Hindi nila ineengage masyado ang culture sa korea, kase pag nasa loob sila ng bahay the language is ENGLISH and TAGALOG.

"Sige maam , sir iwan ko po muna kayo sandali at marami pa po akong gagawin . Pakabusog kayo" Nagbow muna si Manang bago umalis.

Kami naman ang naiwan ni Seungmin sa kusina habang nilalantakan ang lahat ng pagkain sa lamesa na inihain ni Manang. Magkatapat ang pwesto namin ngayon kaya it looks like a date even not

Sunod sunod kong isinusubo ang lahat ng makuha ng kamay ko. Masyado na ata akong patay gutom.

"Dahan dahan naman Mei, baka mabulunan ka" yan hirap sayo e. Magaling ka lang magpakilig di mo alam nalalaglagan na ko ng panty dito.

Tuloy tuloy lang ako sa pagkain. I'm enjoying every second na kasama sya pati yung pagkain hehe. Mas masarap kasing kumain pag masarap din yung kausap mo bwahahahs.

"I heard may inaway ka daw dun sa room nyo"

Napatigil ako sa pag nguya at tumitig sa kanya. Those brown and monolid eyes , his perfect pointed nose and his pinkish lips . Di nya alam na sya yung dahilan kung bakit ako nakipag away hehe. May gusto kase sa kanya yung kaklase kong isa kaya ayun pinaglaban kong akin lang si Seungmin. Possesive ako when it comes to him . Although he never knew about my feelings, masaya na ko dun . Masaya na kong naipaparamdam ko ang love ko for him. Kaya nagseselos talaga ako dun sa childhood friend nya ! That 'MICKIE' sya ang dahilan kung bakit ayaw pa magkalovelife ni Baby Snail hahanapin nya pa daw yung babaeng yun ! At ano ? Pag nahanap nya na magsasama na sila ? Hindi yun pwede ! Hindi ko hahayaang mangyari ang hindi naman dapat. In the first place tapos na ang lahat sa kanila at alaala nalang yun. Ako na ang babaeng para sa kanya ngayon.

He snap his finger infront of me. "Wag mo kong titigan , I'm talking to you"

Bumalik ako sa huwisyo , masyado ko na ba syang natitigan sorry na

"Ahh wala yun maybe she's just a immature"

"Warfreak ka pala " then he laugh.

"Ganun talaga pag kulang sa aruga " bawi ko naman .

"Maybe may reason yung parents mo kaya di ka nagagabayan , you know business matters"

"Edi iyon nalang gabayan nila yung business nila" Napairap ako ng wala sa oras. Nakakainis mukhang pinagtatanggol nya pa yung mga magulang ko kahit sila naman tong nagkulang.

"Sorry na, I didn't mean that. Akala ko kasi maiintindihan mo yung side nila e" He said sincerely.

"I know. Pero kahit kailan wala kong nakitang tama sa side nila. Tss" . I bit my lower lip para pigilan ang luhang namumuo sa mata ko. Ayoko talagang nakikipagdebate about my parents. Ang nakikita lang kasi nila rebelde ako , sutil na anak. Ni hindi man lang nila tinatanong kung bakit ako nagkakaganito

"Alam ko yang pinaglalaban mo, You need attention love and care. Ganyan din ako dati e sinusumbat ko sa kanila yung mga pagkukulang nila bilang magulang. Pero isang araw narealize ko nalang na paulit ulit nalang pala nangyayari lahat, kung paulit ulit mong isusumbat sa kanila lahat ikaw lang rin ang mapapagod at masasaktan. Every person deserves to be happy, tsaka para sayo din naman yun e. Ginagawa nila yun para sa kinabukasan mo, para may ipamamana sayo, para sa magiging pamilya mo. You must be thankful na kahit papaano, kahit minsan nandyan sila sa tabi mo. Dahil sa oras na mawala sila. Isang malaking pagsisisi ang mararamdaman mo"

I'm so weak when it comes to this topic and basically I cried. Pumatak na yung luha na kanina ko pa pinipigilan . Pumatak yun dahil sa mga sinabi nya na every words of his, tinatamaan ako. Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong advise . Talagang nagmatured na sya. Gusto ko tuloy tumakbo kila Mommy and Daddy para yakapin sila at magsorry sa lahat ng katarantaduhang ginawa ko. I regret all of my mess, yung pagod na sila pasasakitin ko pa yung ulo nila. Ngayon ko lang narealize na ang dami ko talagang nagawang mali. Kaya ngayon gusto kong bumawi.

"I-I'm so sorry..." Only words na lumabas sa bibig ko habang nakikipaglaban sa hikbing kumakalabas sakin.

Lumapit sya at umupo sa tabi ko. Inakbayan nya ako at tinatanggal ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

Idinikit nya ang labi nya sa tenga ko then he whispered those words "Cry can reduce the pain that's why you can cry all you can. I'm here for you"

---

One shot for Seungmin

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now