Chapter 54 - Realization

85 0 0
                                    

Kaye POV

Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong nakahiga ako sa malambot na bagay. Napabalikwas ako at inilibot ang mata sa kabuoan. Nasa bahay na ko? at nandito ako sa kwarto ko. Agad akong bumaba at lumabas ng kwarto, naabutan ko sila mama at papa na kausap si Jerson.

" Gising kana pala Kaye, halika dito anak namiss ka namin"

Huminga ako nang malalim bago bumaba . Umupo ako sa gitna nila mama at papa.

" Butler pala kayo ni Jerson bakit di nyo sinabi sakin?" walang emosyon kong tanong kila mama.

Nagkatinginan naman silang dalawa habang si Jerson ay nanunuod lang sa amin.

" So stockholder ka rin pala ng kumpanya nila Jerson, papa. Tapos may gusto sayo yung mama ni Changbin. Bakit kaya di nyo sinabi lahat yun sa akin? Hinayaan nyong maggrow yung relationship namin kahit na mali ? Why is that?"

Hindi ko namalayan ang luhang pumatak sa mata ko . Nasasaktan ako sa mga nangyayari pinagmukha nila akong tanga kahit maraming beses naman ang nagdaan para sabihin sakin ang totoo.

" Anak..." hinaplos nya ang buhok ko bago humalik sa noo ko. " Hindi namin intensyon ng papa mo na itago sayo lahat. Masaya ka sa piling nya kahit na ganun at isa pa hindi namin idadamay si Changbin sa kasalanang ginawa ng mga magulang nya" paliwanag ni mama.

" Pero bakit hindi nyo sinabi sakin? Imposible nang maging kami ulit ni Changbin dahil sa alitan nyo. Sa tingin nyo po ba hahayaan pa ng Daddy ni Changbin na maging kami? kaya nung una palang ayaw nya na sakin hindi dahil may sakit si Changbin kundi dahil sa past."

Niyakap ako ni papa pagkatapos kong magpaliwanag. " Love can make it possible, Kaye. I know that man loves you so much my princess. I can see myself on him nung mga panahong ipinaglalaban ko ang pagmamahal ko sa mama mo. I never give up kahit na obsess na sakin si Grace, ginawa ko ang lahat lahat." paliwanag naman ni papa habang hinahagod ang likod ko

Gumanti naman ako ng yakap . Kung alam nyo lang ang pagtatalong nagaganap sa kaloob looban ko ngayon. Lalong lumalakas ang hikbi ko .

" Kung kami ang inaalala mo kaya ayaw mong maging sakit nang ulo . Isa lang masasabi ko sayo, Kaye. Walang mabuting anak na nag eexist sa mundo. Isa pa walang kinalaman ang relasyon nyo ni Changbin sa nakaraan namin. Labas kayo dun ." si mama naman ay hinahaplos ang buhok ko.

" I'm actually here Kaye, to say that hindi na itutuloy ang kasal." sabad naman ni Jerson.

Nanlalaki naman ang mga mata kong hilam ng luhang tumitig sa kanya. May emosyon sa mata nyang hindi ko mabasa.

" N-no, you promise that to Kuya r-right?" kagat labi kong sabi.

" Yes, but I also promise to protect you and to make you happy in any ways. So yeah, hindi ako tanga at lalaki ako alam ko kung sino ang laman ng puso mo. Mahirap syang kalabanin , maaaring hindi sya ang first love mo pero ramdam ko na sya ang true love mo. Hindi kita ipipilit sa bagay na ayaw mo, dahil mapilit man kita alam kong hindi ka magiging masaya." puno ng sinsiridad nyang sabi. Malungkot syang ngumiti sakin.

Sisinghot singhot kong inabot ang kamay nya at pinisil iyon. " You know what Jerson, simula ng makasama kita nakalimutan ko na ang katagang ' Don't trust the strangers ' . Kase kahit kailan hindi ka naging istranghero para sakin. Lagi mong ipinapadama ang kahalagahan ko sa mundo. Thank you for your existence, sana matagal na kitang nakilala"

Ngumiti ako sa kanya yung ngiting pinaparamdam mo sa kanyang naiintindihan ko sya. Jerson Isles Perigrine, sya yung lalaking araw araw pinaparamdam sakin na isa akong prinsesa hindi nya hahayaang makita kang malungkot at nag iisa agad yang lalapit sayo para pagaanin ang loob mo sa kahit anung paraan. I treat him as my boy bestfriend kase ganun talaga sya gumanap sa buhay ko and I will treasure that forever.

Tumayo sya at lumapit sakin bago yumuko para magpantay ang mukha namin.

" Seo Changbin, he's my cousin. He's cold blooded but a caring person hindi ko sya kailanman kinalaban dahil alam kong sinusunod nya lang si Tito. Mahal nya ang pamilya nya kaya tinalikuran nya ang iba nyang kaibigan ..." Malungkot nyang sinalubong ang mata ko bago pinunasan ang luha ko.

" Pero ikaw? alam kong gumagawa sya nang paraan kung paano ka tatanggapin ni Tito o di naman kaya ay ipaglalaban ka nya sa pamilya nya. To be honest sya rin ang dahilan kung bakit kita nilayuan..." nakayuko nyang pag amin.

Nanlaki ang mata ko at nakaawang ang mga labi. " A-ano? pero paano?"

" Way back when we are in elementary days . Magkaklase kami nun , close din kami pero lahat yun palihim dahil nga kay Tito. Nawalan kami ng communications at di na kami muling nagkausap nung nag high school kami kase pinaasikaso na sa kanya lahat ni Tito at ipinlano din ni Tito na ipapatay ako para sa sarili nyang dahilan. Nasa black list na rin ako kung saan kasama ang mga mafia bosses na ipinapatay nya sa buong Asia. Pero hindi nya ko pinatay , Kaye. He said that he'll treasure the friendship and bond that we build together. Kaya di nya susundin ang tatay nya. Kasama ka rin sa pinag usapan namin, na sya na ang magpoprotekta sayo. Tumango ako dahil nakikita kong masaya ka sa kanya" mahaba nyang paliwanag.

So that time nag aaral na ko dito sa Kirkwood nun at minamanmanan na ko ni Jerson. Kaya pala minsan hindi ako kumportableng umuwi dahil parang laging may nakasunod. Ngayon malinaw na ang lahat , walang ginawang kahayupan si Binnie tanging ang ama nya lang talaga ang puno't dulo nito.

" The operation will start at 6:00 pm, ako na bahala kay Tito. Sasamahan kita sa ospital you should talk to him. Palakasin mo ang loob nya para maka survive sya sa operasyon. Tito Soo Man also manipulate the details about his condition , pinalabas nyang may taning ang buhay ni Binnie at sinabihan nya rin ang anak nyang umarte sa ganung paraan para sa kaligtasan nya and he tried. Pero ngayon pagkatapos nang operasyon di na sya magpapamanipula sa tatay nya. He has disease , his heart is weak pero alam nyang madadala pa yun sa operasyon"

Kumuyom ang kamao ko. Masyado nang maraming ginawa ang tatay nya na hindi ko nagugustuhan . Hindi ko to lahat palalampasin.

" He loves his father kaya sumusunod lang sya Kaye, pero ngayon nasusuway nya na ang tatay nya dahil sayo. Because of his love for you" pagpapatuloy pa ni Jerson.

Hindi ko alam na close pala talaga sila ni Changbin. Marami syang nalalaman na hindi ko alam nakakainis sana dati ko pa to lahat nalaman.

Tinignan ko ang wall clock . 9:00 am palang, marami pa kong oras dito para malaman ang lahat . Alas kwatro nalang ako pupunta ng ospital.

" Pupunta ako sa ospital with your help, Jerson. Masyado akong nagpadala sa galit at takbo ng isip ko. Masyado akong naniwalang iyon ang mabuti . This time I need to obey what my heart wants"

–––

Patapos na talaga sya mamimiss ko si Changbin at Kaye :(

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now