Chapter 30 - Decision

105 0 0
                                    


Kaye POV

As the time flies I felt empty, half of mine already dead. Pagkatapos nang lahat ng nangyari sa amin ni Changbin, I choose to leave. Kahit masakit kailangan kayanin dahil alam kong makakamove on din ako. MAKAKALIMUTAN KO RIN SYA. Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin sa ceiling ng kwarto. Bakit hindi nya ko pinigilan nung umalis na ko? Nakahanap na ba sya ng iba? Hindi nya na ba ko mahal? Nagsawa na ba sya sakin? Galit kaya sya kase kinamumuhian ko sya?. Mga tanong na araw araw gumugulo sa isip ko malaking porsyento ng pagkatao ang nakakaramdam ng galit dahil isa parin syang Mafia at hindi yun mawawala sa kanya. Mga mamamatay tao na pumatay sa kapatid ko... Naramdaman kong bigla nalang tumulo ang luha sa mata ko kasabay nun ang parang may tumusok na kung ano sa dibdib ko. Hindi naman deserve ni kuya na mamamatay . Bata pa sya...

Flashback

Kasama ko si Kuya ngayon sa park habang nagduduyan kami sa palaruan. Mukhang tanga man ay masaya kami kasabay ng pagdila sa ice cream naming hawak.

"Kaye, ang bagal mo naman kumain! Ubusin mo na yan para makapaglaro na tayo" singhal nito sakin.

"Palibhasa matakaw ka e !" Pasigaw na tugon ko sa kanya.

Nakatitig sya sa langit at pasimpleng ngumiti.

"Hoy ! Anung iniisip mo dyan kuya? Balak mo na naman ba kong pagtripan?" Tanong ko

Umiling ito at masuyong ngumiti at humarap sakin. "Kaligtasan mo lang ang tanging hangad ko, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko"

"Hah?" Naguguluhang sagot ko.

Pinanatili nya ang ngiti ng maging pilyo ito. Sinundot nya gamit ang daliri ang ice cream na malapit ko ng maubos at ipinunas sa pisngi ko. " Kaye na uhugin ! Habulin mo ko." Tumakbo ito palayo habang nagtatatawa.

Inubos ko ang ice cream at hinabol si kuya. I was 14 years old that time and he was 18 years old. Matured enough, pero para kaming bata na walang ginawa kundi magharutan at magkasatan sa park. Samahan mo pa ng asaran at tawanan. Nakauwi kaming naghahagikgikan at pagod dala ng pamamasyal....

--* after a few days

May narinig kaming kalabog mula sa pinto napabangon kami ni Kuya sa pagkakahiga. Binuksan ko ang pinto at bigla syang sumulpot sa unahan ko at itinago ako sa likod nya.

"Kuya bakit?" Tanong ko ng may pagtataka

"Stay at my back" walang emosyon nyang sagot . Naglakad kami pababa at nakita sila mama na kinakausap ang mga lalaking nakabonet ng black.

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now