Third Person POV
" Try to smile, Kaye. Mas maganda ka kung naka smile" Ngumiti sakin si Jerson habang hawak nya ang kamay ko. Ang mga bagahe namin ay bitbit ng mga alipores nya.
Huminga akong malalim bago ngumiti. You should smile everyday Kaye, be a tough person like your Kuya Aries. Pangaral ko yan sa sarili lagi, hindi sya nag aksaya ng buhay nya para sa wala. Lalaban ako, hanggang sa wala na kong armas at hanggang sa huling hininga di ako susuko.
Marahan akong napatango. Nandito na kami ngayon sa airport at medyo nahihilo ako. Hayss jetlag
" Uuwi ka na ba sa inyo, Kaye?" malambing na tanong ni Jerson
Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Wala ko sa mood makipag usap ngayon medyo masakit ulo ko.
Palabas na kami ng airport nang mahagip ng mata ko si Kylene.
" Kaye! " humahangos ito papunta sakin.
" Anong problema?" tanong ko bago hinawakan ang kamay nya para pakalmahin.
Walang nagbago , ganun parin kaganda si Ky . Siguro ay may immersion sila kaya sya naka uniform ng Flight Attendant. Bago nya ko sagutin ay lumipat ang mata nya kay Jerson. Nagtatanong ang mga matang nyang tumitig sakin. Mukhang napansin naman ni Jerson iyon kaya sya na ang nagpakilala.
" Hello, Beautiful. My name is Jerson Isles Perigrine"
Kinuha naman ni Jerson ang isang kamay ni Kylene at inilapat don ang labi nya.
Nanlalaki naman ang mga matang kinuha ni Kylene ang kamay nya mula kay Jerson.
" J-jerson? The last mafia boss? B-bakit kasama mo ang kaibigan ko?!" bigla nalang tumalim ang mata ni Kylene sa binata.
" We're getting married. Ms Boulstridge" seryoso naman ang mukha ni Jerson.
" What?! Getting married? di porke may alitan si Kaye at Binnie ay susulutin mo na ang kaibigan ko sa kanya! Teka paano mo ko nakilala" nakakunot ang noo ngayon ni Kylene.
Habang si Kaye ay palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
" Ikaw paano mo ko nakilala?" balik na tanong ni Jerson
Gumihit naman ang iritasyon sa mukha ni Kylene. " Dahil sa future husband ko ! Layuan mo na ang kaibigan ko . He told me na masama kang tao."
" Really? Ako ba talaga ang masama? o baka gusto lang nila akong pabagsakin dahil hadlang ako sa pagtatagumpay nila. Bakit hindi mo itanong yan sa future husband mo" sarkastikong sabi ni Jerson.
Mas lalong tumalim ang mata ni Kylene . She even clenched her fist , getting ready to attack her prey.
Hinawakan naman ni Kaye sa balikat si Jerson . " I'm going to talk her, okay?"
Tumango naman agad si Jerson at hinila palayo si Kylene. Kailangan na nyang maawat ang dalawa dahil sya ang nahihiya at pinagtitinginan na sila. Nang makalayo sila ay agad syang nagsalita.
" Kumalma ka nga Ky!..." niyugyog nya pa ang balikat ng kaibigan.
" Bakit kasama mo yun?! he's not a good person for you!"
" How did you know ? huh? walang kasalanan si Jerson okay? Kaya nila gustong patumbahin si Jers, dahil gusto nila na mas katakutan sila sa buong mundo at magagawa nila yun sa oras na mapabagsak nila ang prinsipe."
" P-prinsipe?" naguguluhang tanong ni Kylene.
" Si Changbin at Jerson ay magpinsan. Magkapatid ang tatay nilang dalawa. They both royalty from a royal family, pero nung namatay yung lolo ni Jerson . Binigay nya lahat sa panganay nyang anak Seo Jong In na tatay ni Jerson pati yung family house nila yung Seo Palace . Syempre bilang bunsong anak si Soo Man he finds it unfair kahit na iyon ang tradisyon sa pamilya nila dun na nagsimulang maging Mafia at pinagkasundo syang ipakasal sa Queen of Achiotres Palace from Greece which is si Grace na nanay nila Changbin at Ericka"
Kumorteng 'oh' ang labi ni Kylene at napatango tango. " Pero di kalaunan namatay si Seo Jong In sa hindi malamang kadahilanan. Hanggang ngayon nananatiling misteryo ang pagkamatay nya"
Bahagyang lumungkot ang mukha ni Kylene. Kahit naman nagalit sya kanina hindi parin maaalis ang malambot nitong puso.
" Pero totoo bang magpapakasal kayo?" tanong ni Ky sa kanya na ngayon ay nakahawak sa baba ang daliri .
" Its a favor from my Kuya Aries. He told Jerson na bantayan ako at sandaling tumungtong sa tamang edad ay papakasalan nya ako. Hindi nya ko nabantayan this past years dahil daw sa naghahanap sya nag hustisya sa pagkamatay ng ama nya."
" Mahal ka ni Changbin, Kaye. Alam kong nangyayari to sayo ngayon dahil may gusto kang ipaghiganti . Marami kayong pinagsamahan at alam kong hindi mo mabubura ang pagmamahal mo sa kanya agad."
Napahinga naman ng malalim si Kaye. Oo mahal nya nga ang binata pero hindi sapat ang pagmamahal na yun para mapagtakpan ang kasalanan sa kanya ng pamilya nito.
" Hindi sapat ang pagmamahal para mawala ang kasalanang ginawa. Alam mo rin bang balak akong patayin nung nanay ni Changbin? Ngayon alam ko na kung bakit ayaw sakin ng tatay nya dahil hindi talaga kami pwede para sa isa't isa."
Napaawang naman ang bibig ni Kylene. Nanlalaki rin ang mata nito, nang makabawi ay niyakap nito si Kaye at hinagod ang likod.
" Nandito lang ako para sayo, Kaye. Marami ka nang pinagdadaanan at hindi ko yun nararamdaman kaya naman kung ano man ang huling desisyon mo ay susuportahan ko..." huminto ito sa pagsasalita bago bumulong sa kanya.
" Nasa ospital si Changbin . St. Claire's Private Hospital nadinig kong dito raw sya ooperahan pero nagpadala ang tatay nya ng maraming magagaling na doktor mula sa iba't ibang bansa. Nung nagkita kayo sa Namsan Tower inutusan sya nang tatay nyang patayin ka pero alam kong di nya yun magagawa may tiwala ako sa kanya. Na sayo yan kung pupuntahan mo sya o hindi"
Kumalas nang yakap si Kaye at di makapaniwalang nakatitig sya sa mga mata ni Kylene. Nag uunahan na rin ang luha sa mga mata nya. Sa oras na mag umpisa ang operasyon maaaring hindi nya kayanin o maaari ring makasurvive sya. Naramdaman nyang may bumara sa lalamunan nya dahilan para di makapagsalita ng maayos gayundin ang pagkirot ng puso nya. He badly needs her.
Pero kaaway mo sya anang nang isip nya. Nagdadalawang isip sya nagtatalo ang puso at isip nya hanggang sa nagsalita si Ky.
" Naiipit lang si Changbin sa gulo na to, Kaye dapat ikaw ang unang nakapansin nun"
Para syang binuhusan ng tubig sa narinig. Bakit ba lagi nyang iniisip na si Changbin lahat ang may kagagawan? gayong ang mga magulang nito lang ang gumagawa ng masama.
" U-uuwi muna ako, Ky"
Ngumiti naman si Kylene sa kanya bago syang niyakap muli. Nagpaalam na sya kay Kylene bago inaya si Jerson na umuwi habang nasa biyahe ay nag iisip sya ng malalim.
Kailangan nyang mag isip nang mabuti para sa magandang desisyon . Hindi sya kailangan magpadalos dalos lang dahil mapapahamak sya.
'Naiipit lang si Changbin sa gulo na to, Kaye.'
Sa sobrang pag iisip at pagod at kinain sya ng antok .
YOU ARE READING
ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )
FanficYou must enter the school named "KIRKWOOD UNIVERSITY" and have fun with the 9 handsome mafia named "Stray Kids"