Chapter 27 - Clue

115 0 0
                                    


Kaye POV

Matagal tagal na rin simula nung magkamabutihan kami ni Binnie. Sa hindi inaasahang pagkakataon nangyari sa buhay ko to. Ang mapalapit sa kinatatakutang grupo ng mga kalalakihan sa Unibersidad at ang nagpapatili sa mga babaeng estudyante. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko ang umpisa ng lahat. Kung paano ko sila nakilala, nasaksihan ang mga kagaguhan nila sa school. Pagkatapos nung araw na nakitulog si Changbin sa bahay nagpaalam na rin ito kila mama kung pwede daw ba akong ligawan, wala naman naging problema dahil mukhang boto pa nga ito sa kanya.

Natagpuan ko ang sarili na nakaupo sa loob ng classroom habang nakatingin sa kawalan. Ngayong araw na ito ay hindi ako late, napangiti ako sa nasabi ko sa sarili . Maaga akong pumasok dahil palapit na ng palapit ang pagtatapos ng klase ngayong taon. Aminin ko man sa hindi ay mamimiss ko ang taong ito , estudyante parin ako kaya bawat oras at sandali ng pamamalagi ko rito ay itinatanim ko sa puso ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock na nasa harap sa taas ng blackboard 8:40 am. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago luminga linga. Damn late na naman ba sila? Lagi naman e. Napailing ako at dumukmo, magmula nung umalis si Changbin sa bahay ay hindi na ko makatulog ng maayos isang kahibangan pero hinahanap ng katawan ko ang presensya nya.

" Megs! Alam mo ba kung bakit di pumasok ang Stray Kids?" Dinig kong tanong ni Ashley kay Megan. Hanggang ngayon isa parin syang chismosa. Nanatiling bukas ang tenga ko para makarinig ng impormasyon. Sa tingin ko ay kailangan ko tong marinig.

" Sabi ng boyfriend kong si Tyler ay nakita nya raw ang Stray Kids sa school nila netong nakaraang araw. Nagperform daw sila dun tapos..." Iniangat ko ang ulo ko ng bahagya mula sa pagkakadukmo para makita ang dalawa kong kaklaseng nag uusap. Nakita ko si Megan na nakahawak sa baba nya na naningkit pa ang mata na iniisip ang sasabihin, samantalang si Ashley naman ay nakaawang ang bibig at nakabilog ang mata na naghihintay ng sagot kay Megan.

"Tapos ano?!" Halata ang excitement at inis sa mukha ni Ashley.

"Pagkatapos raw nun ay pinapunta sila nung dalawang myembro sa Olympic hall at pinanuod sila ng soccer."

Napatango naman si Ashley. Dalawang myembro? .

" E nasaan daw yung mga boys ngayon? "

" Wala na kong balita sa kanila ngayon, sabi kasi ni Tyler pagkatapos daw silang papuntahin sa Olympic hall, nilock daw ang lahat ng pintuan sa loob at labas ng hall. You know naman naka soundproof yun kaya tanging mga sigawan lang at ingay sa loob ang maririnig mo"

Binali ng bahagya ni Ashley ang kanyang leeg na parang may napagtanto.

" Hmm. Parang lumalabas lang na pinasaya nila yung mga tao dun sa St . Angelo , kung iisipin mo ang ganda ng ginawa nila dahil totoo namang maganda. Kaya lang parang may mali e"

"Alam mo ikaw Ashley ang dami mong alam mabuti pa , labas muna tayo at bumili ng makakain di pa ko nag aagahan e."

"Aiiiissssh, di mo ba naisip megs kung bakit nila ginawa yun? Malamang may dahilan kung bakit nila ginawa yun" tama si Ashley.

"Naisip ko na rin yan Ash, kaya lang wag kang mamroblema sa iba lalo na sa mga taong wala namang pake sayo."

Nagbago ang expression sa mukha ni Ashley at halatang nainis ito sa sinabi ni Megan.

"Alam mo ikaw babae, Ang lakas mong mambara ng ganyan palibhasa may boyfriend ka e!" Sigaw ni Ashley na gumulantang sa buong klase dahilan para makaagaw sila ng eksena pero hindi nagpatinag ang nag aapoy sa galit na si Ash.

"Edi mag jowa ka rin ! For pete's sake naman Ash, eto na naman ba ang pag aawayan natin . Alam mo namang mula't sapol wala kang pag asa sa kanila hindi ikaw si Kaye . Ok? Kaya hindi ka nila magugustuhan." Napailing pa ito habang sinesermunan ang kaibigan.

Dahil sa tinuran nito ay napatingin ang buong klase sakin. Pati na si Ashley, matalim ang tingin nito sakin na rason para mapaigtad ako sa kinauupuan ko. Wala naman akong kasalanan e. Di nagtagal bumalik ang matalim nyang titig kay Megan.

" Di na kita kilala Megan, hindi ko alam kung kaibigan ba kita o ano?!" Padaskol nitong kinuha ang bag at lumabas ng classroom. Si megan naman at humugot ng mabigat na hininga habang malungkot na nakatingin sa taas.

St. Angelo Academy. Doon nag aaral si Kylene . Pero bakit sila nandoon anung ginagawa nila sa eskwelahang iyon? Balak na ba nilang lumipat ng school? Imposible dahil malaki ang share nila sa eskwelahang ito. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko habang iniisip ang mga nalaman kanina. Tahimik ang classroom namin ngayon at mukhang walang balak na pumasok ang subject teacher namin. Nakapalumbaba ako at pilit na pinagtatagpi tagpi ang mga impormasyon kong nakuha.

"Huwag mo silang alalahanin, ligtas naman sila" napaigtad ako ng may biglang magsalita sa tabi ko. Si megan yun nagpalinga linga pa ako kung ako ba ang kausap nya o ang nasa likod ko ng mapagtantong walang tao sa likod ko pinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya.

"May alam ka pa ba? Sabihin mo sakin Megan" matiim akong nakatitig sa mga mata nya.

"Ikaw, bakit wala kang alam gayong malapit ka sa kanila" malamig nyang tugon.

Parang may bumara sa lalamunan ko at naramdamang namamanhid ang puso ko. Gusto kong umiyak ngayon mismo, ako na malapit sa kanila ay walang alam. Nakakatawa hindi ba?. Ako na araw araw nilang kasama na pinagmumukha nilang tanga. Nakaramdam ako ng galit dahilan para kumuyom ang kamao ko parang isang palaso ang mga binitawan nyang salita na tumutusok sa bawat ugat ng puso ko at dahilan para magpuyos ako sa galit.

Sumeryoso ang mukha ko na sinalubong ang malamig nyang titig " Kung ano man ang nalalaman mo ay isiwalat mo na, hindi mo gugustuhing makaaway ako Megan" may pagbabanta kong saad

She smirked makes me more furious. "Ayokong madamay pa Kaye, isa lang ang masasabi ko. Hindi sila mababang uri ng tao kaya ikalma mo ang sarili mo kung gusto mong may malaman pa. Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para malaman yun. Bibigyan kita ng clue hindi lang sila basta MAFIA sa paaralan na to kundi ganoon din sa labas" humalakhak sya ng nakatakot at iniwan akong nakatitig sa kawalan .

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo, naguguluhan man subalit mas nagingibabaw ang galit na nararamdaman ko ngayon. Mafia? Sila yung walang awang pumapaslang ng mga tao hindi ba?

---

Oof. Revealing nAaAa

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now