Kaye POVIsang nakakabagot na umaga na naman. Wala ang mga magulang ko sa bahay kaya ngayon ay natuto akong maging independent. Nakakapagtaka man pero iniisip ko nalang ay para ito sa kanilang trabaho. Napabuga ako ng hangin at dumukmo muna sa desk walang silbi kung iistress ko sarili ko.
Napaigtad ako ng makarinig ng tilian sa mga katabi ko. Punyeta guys! Wala kong tulog pagpahingahin nyo muna ako bulong ko sa sarili na alam kong walang makakarinig , nagpalinga linga ako ng makita ang lalong nagpakulo ng dugo ko. They're here Stray Kids . Masaya man na makita sila ay nag uumapaw parin ang galit sakin dahil sa mga nililihim nila sakin. May mga galos sila sa mukha na halatang nakipag away.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng makita ko si Changbin na may band aid sa taas ng kilay. Seryoso lang ang mukha nilang pumasok sa loob ng room. Ano na naman kayang nangyari? Napairap nalang ako sa hangin dahil dapat ay naiinis ako sa kanila ngayon. Paninindigan ko ito.
"Omooooo! Nandito na pala kayo, Bakit hindi kayo pumasok kahapon? " Nag aalalang tanong ni Ashley.
Hindi sya pinansin ng mga ito at nanatiling nakatitig sa harap. May itim ang ilalim ng kanilang mata at pagod ang kanilang mukha. Nakaramdam ako ng pag aalala sa pagkakataong ito. Ano nga ba kasing ginawa nila? .
" Aien ! Mag usap nga tayo !" Bulyaw ni Rhoannie. Sumunod naman agad si Aien sa kanya palabas. Anong meron? Sila na ba? Di ko rin ata alam yun ah? Naikuyom ko ang kamao ko ng wala sa oras , pinipigilan ko ang sarili ko bago ako sumabog ayoko ng gulo.
"Seung..." Lumapit si Ajmei kay Minie . Hindi ko alam pero nasaktan ako sa part na to. Niyakap sya ni Seungmin "magpapaliwanag ako" maikling tugon ni Minie kay Ajmei.
Tanggapin mo na Kaye , hindi talaga kayo ng childhood friend mo. It's ok past na yun ibaon mo nalang sa nakaraan . Pangaral ko sa sarili at mariing ipinikit ang mata ko. Hanggang ngayon namimiss ko parin si Minie namimiss ko lahat ng memories namin. Pakiramdam ko tutulo nalang ang luha ko basta basta sa mga emosyong nararamdaman ko ngayon ipinilig ko ang ulo para mapatingin sa ibang direksyon.
" Ako ba Kaye? Hindi mo papagalitan?"
Hinanap ng mata ko kung sino ang nagsalita . Sounds familiar but... Hindi yun si Changbin, that's Lee know. Babaero parin pala tong krass ko na to. Napangiti ako sa isip ng maalala ko lahat ng kabaliwan ko kay Lee Know panandalian kong nakalimutan si Minie sa tulong nya.
Nahalata ko naman na parang gumagawa sya ng prank at sinesenyasan nya kong sumakay nalang. Napatango naman ako at agad naintindihan yun.
"Saan ka naman ! Nagpupupunta Mr. Lee?" Nakapamewang ako at tumayo para mas magmukhang makatotohanan. Wala sa huwisyong napatingin ako sa direksyon ni Changbin. Bakas ang galit sa mata habang salitan ang titig sa amin ni Lee Know. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig, baliw na ba ko dahil natutuwa ako pag nagseselos sya?
" Babe I'm sorry magpapaliwanag ako" lumapit sya sakin. Pagdating sa ganito si Lee Know talaga ang kakampi ko . Ang gwapo nya parin wala rin syang pinagbago .
Hinawakan nya ang kamay ko at nakipag titigan sakin. Bago ako tuluyang inakbayan.
"Woaaah, Galawang Ahas talaga! " sigaw ni Han napasmirk pa ito.
"Tumigil kana Lee Know kung ayaw mo magka World War II " naiiling na pahayag ni Chan
Nakaramdam ulit ako ng galit . Talagang magkakaroon ng gulo ngayon nagsikreto kayong lahat sakin. Ikinuyom ko ang kamao ko at matalim silang tinitigan isa isa.
"Wala bang may balak na magpaliwanag kung saan kayo nagpunta nitong mga nakaraan na araw at kung anong ginawa nyo?" Maotoridad kong sabi.
"Mas mabuti nang wala kang alam Kaye, makakabuti yun sayo" malamig na sagot ni Hyunjin.
"Mga gago pala kayo e ! Wala kayong silbi para saan pa na naging kaibigan ko kayong lahat kung pinagmumukha nyo kong tanga na naghihintay at nag alala sa inyo!" Binuhat ko ang isang bakal na bangko at ibinato ko sa bintana dahilan para mabasag ito hindi ko alam kung paano ko iyun nagawa. Pero ramdam ko ang adrenal gland ko na tumulong para makapagproduce ng lakas sa katawan ko.
Nagsilabasan ang mga kaklase ko malamang lahat sila ay natakot inilock naman agad ni Felix ang pinto ng room. Nagpupuyos parin ako sa galit at hindi ako nagpapaawat.
"Kaye.. Tama na pinapagod mo lang ang sarili mo" nag aalalang tugon ni Lee Know na ngayon ay nasa likod ko na.
"Ganito ba kayo makipagkaibigan? . Wala kayong kwenta" tumulo na ang mainit na likido sa kaliwang mata ko na kanina ko pa pinipigilan.
Naramdaman ko ang bisig ni Lee Know na yumakap mula sa likod, pinapakalma nya ako at hinahaplos ang buhok ko.
"Ssshhh, tahan na Kaye"
Narinig ko ang malakas na kalabog na umalingawngaw sa room. Changbin punch the blackboard, yep dahilan para mabutas ito. Matiim lang akong nakatitig sa kanya habang ang kamay nya ay nasa butas parin na ginawa nya at nakayuko.
" Bitiwan mo ang babaeng yan . Lee Know kung gusto mo pang sikatan ng araw" saad nito sa isang napakalamig na boses na may halong pagbabanta. Nakita ko ang takot at gulat sa mga mata ng iba pang members, naramdaman kong nanginginig na inialis ni Lee Know ang pagkakayakap sakin. Maging ako ay kinakabahan na rin sa kanya.
"G-ginawa ko lang ang dapat" takot na saad ni Lee Know.
Ilang saglit pa ay inisang hakbang nya ang pagitan sa amin at malakas na lumagapak ang likod ni Lee Know sa haligi ng room gawa ng pinakawalang suntok ni Changbin. Napaubo ito ng dugo. Napahalukipkip ako sa kinatatayuan ko . Hindi ito ang Changbin na katabi ko sa pagtulog , hindi sya ang lalaking nagugustuhan ko ...
Tumingin sya sa aking dako gamit ang walang emosyon nyang mga mata. He grab my wrist makes me yell in pain and he pinned me in the closest wall.
Napangiwi ako ng mapalakas ang pagtulak nya sakin sa pader. Nararamdaman ko ang higpit ng hawak nya sa dalawa kong braso.
"Bi-binnie, nasasaktan ako.." Maluha luha kong saad habang tinitiis ang sakit
" Me too Kaye, gusto mong malaman kung anong nangyari samin? Pumunta kami sa St. Angelo at pumatay ng tao. I'M A FUTURE MAFIA BOSS SOON TO BE THE OWNER OF SEO CORPORATION AND YOU ! , KIELLE ANDREA . YOU ARE MINE NOW !"
Pagkatapos nun ay binitawan nya ang mga braso ko at inilapat ang labi nya sa labi ko. Napapikit ako ng maramdamang basa ang mga pisngi nya gawa ng luha. THE MAFIA BOSS ARE CRYING, BECAUSE OF ME.
---
Jealous :)

YOU ARE READING
ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )
FanfictionYou must enter the school named "KIRKWOOD UNIVERSITY" and have fun with the 9 handsome mafia named "Stray Kids"