Chapter 51 - Walk away

76 0 0
                                    

Third Person POV

Hindi maipinta ang mukha ni Kaye paglabas nya sa sinakyan kotse. Nagngingitngit sya sa galit. Hindi nya akalaing gagawin yun ng lalaking gusto nyang makasama habang buhay. She felt a hole inside her chest, nasasaktan sya ngayon .

Napansin nyang maraming tao sa paligid. Inilibot nya ang mata nya sa kabuoan bago napaawang ang bibig nya. Nagniningning ang mata nyang bumaling sa taas at inaaliw ang mata sa ganda ng lugar.

" Seriously? sa N-namsan Tower?" napabaling sya mga lalaking nakatayo katabi nya na seryoso ang mukha.

" Halika na , pumasok na tayo" malamig nitong sabi.

Tinanggal ng mga ito ang pagkakatali sa kamay nya sa likuran at hinawakan sya sa braso , nagpagaya nalang si Kaye. Nawala ang kislap ng mata nya ng matauhan sya kung bakit sya nandito. Sa tanang buhay nya gustong gusto nyang makapunta sa lugar na ito.

Napabaling sya sa Love padlocks . Kinagat nya ang pang ibabang labi at may takas na luhang lumaglag sa mata nya . Sa tuwing maalala nya si Changbin nakakaramdam sya ng matinding galit . Gusto nyang kutusan ang sarili dahil sa iba ang idinidikta ng puso nya . Gusto nyang gawin ang mga karaniwang ginagawa ng mga magkasintahan sa Love padlocks pero di na yun mangyayari. Simula ngayon kasusuklaman ko na sya. Malaya nyang pinunasan ang luha na humihilam sa mata nya.

Nang makapasok sila sa loob medyo marami ding tao . Talagang mapapaawang ka nalang sa ganda ng loob ng Namsan Tower . Pinatigas nya ang puso kailangan manatili ang walang emosyon nyang mukha hanggang sa magkita sila. Agad silang sumakay sa elevator, she was composing script on her head . Bigla nyang ipinilig ang ulo dapat maging impromptu ang speech nya , lahat ng gustong sabihin ng isip nya iyon lang ang sasabihin nya.

Sakto naman ang pagtunog ng elevator. Bumukas ito isang magandang tanawin ang bumungad sa kanya . Kitang kita ang ganda ng Seoul pero sigurado syang hindi pa ito ang pinakatuktok. Napailing sya at pinanatili ang walang emosyon nyang mukha.

Wala na syang nakikitang turista dito. Malamang binayaran nya na lahat dito. Tumaas ang sulok ng labi nya, masyado nang nag aalab ang galit sa katawan nya. Binuksan nang isang lalaki ang pinto at pinapasok sya. Bumungad sa kanya ang malamig na hangin masarap ito sa pakiramdam at tinatangay nito ang mahaba nyang buhok ngunit kapag nagtagal sya rito ay siguradong maninigas sya. Napakatahimik at tanging hangin lang ang naririnig nya. Naisip nyang baka nagkakamali lang ang mga lalaki sa pinagdalhan sa kanya dahil wala naman dito si Changbin pero hindi naman siguro sila tanga.

Napapikit si Kaye at hinayaan lang ang sarili na ma-relax masyadong naging stressful ang nagdaang araw para sa kanya. Napapagod na ang utak at puso nya. Wala pa sya sa kalagitnaan ng pagrerelax ay may matitipunong braso na ang yumakap sa kanya mula sa likod.

Agad sumikdo ang puso nya nang makilala ang pabango nitong kinaka adikan nya araw araw kapag nagtatalik sila. Hindi sya maaaring magkamali, isa lang ang lalaking ang puso nya mismo ang nakakakilala. Sa kabilang banda gusto nya itong ihulog sa Namsan Tower sa galit nya pero ang puso nya ay gustong tugunin ang mga yapos nito. Hindi sya makapaniwalang kanina lang ay ipinararamdam nito ang langit sa kanya tapos ganito na sila ngayon. Masyadong naging mabilis ang oras.

" Did you like my surprise?" malambing nitong bulong sa tenga nya.

Kahit mahirap kinalaban nya ang puso nya . Pinatigas nya ang boses nya at binura lahat ng emosyon sa mukha at nananatili parin sila sa ganung posisyon.

" Surprise ? Alin dun yung nalaman kong greatest rival kayo ng mga magulang ko ? "

Marahas nyang binaklas nya ang mga brasong nakapalibot sa bewang nya at pinihit ang katawan paharap sa kasintahan. Nanatiling walang emosyon ang mukha nya at nang tuluyan ng makaharap halos lumabas ang tumatalong puso nya sa saya. Napakagwapo ng binata sa suot nito black jacket at sa loob ay polo na navy blue at slacks . Naiinis sya sa reaksyon ng puso nya pero nanatili parin ang walang emosyon nyang mukha.

" Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang lahat lahat tungkol sayo"

Sinalubong nya ang walang emosyon nitong mata " Kasama ka sa nagplano ng pagpatay sa kuya ko diba?"

Sa halip na sagutin sya nito hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong sa balikat nya.

" I know this is one of your favorite places but I wont tolerate you to enjoy the mid air here. Masyadong malamig baka ginawin ka."

Agad nyang hinubad ang jacket na isinuot sa kanya at inihampas yun sa kasintahan.

" WAG MO NGA AKONG GINAGAGO! TINATANONG KITA!" singhal nya dito " AT IKAW PA MAY GANANG MAGALIT NGAYON?! DAHIL NILOLOKO KITA ! YOU BITCH !" malakas nya itong sinuntok sa dibdib.

Napasabunot sya sa sariling buhok at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang namumuong luha sa mga mata nya hindi dapat makita ng binata na mahina sya.

" She killed my mother. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin, Kaye? Kulang pa nga yun e dapat pinahirapan ko muna sya bago pinatay." Napakalamig nang boses nito.

Hindi sya makapaniwalang tinitigan ito. Hindi ito ang lalaking minahal nya, gayong nauunawan nya ang dahilan nito.

" Alam mo rin bang balak akong patayin ng nanay mo hah? Wala kong alam sa pag ibig nya sa tatay ko pero ako na walang kamalay malay madadamay? Kaya pinatay ng kuya ko ang nanay mo para ipagtanggol ako! Tama lang ang ginawa nya!" galit na sigaw nya rito.

Marahas na sinapo ng binata ang baba nya at isinandal sya sa pintuan bago nilamukos ng halik. Nanggigigil ang galaw ng labi nito kaya hindi na sya magtataka kung magkakasugat sya sa labi. Pinakawalan sya nito habang nakapinid ang mga kamay nya sa taas ng ulo nya.

" Alam mong nagagalit ako ngayon?! It can't change the fact that he still killed my mom ! Bilang isang anak tungkulin kong ipaghiganti ang magulang ko. Buhay kapalit ng buhay , he's not aware that he just killed the queen of Achiotres. Anak ka rin Kaye, dapat alam mo ang tungkulin nang mga anak sa sandaling may pumatay sa mga magulang nila"

Natulala sya sa kawalan ng maalala nya ang sinabi ng lalaking pumatay sa Kuya nya.

"Mafia doings Kaye, buhay kapalit ng buhay"

"Mafia doings Kaye, buhay kapalit ng buhay"

" Sa tingin ko hanggang dito nalang tayo . Before he died he arranged me and Jerson to a marriage. Hiningi nya yung pabor kay Jerson . Tama na tong kapusukan natin siguro nga hindi tayo para sa isa't isa"

Nakatiim bagang ito sa kanya habang madiing hawak ang mga kamay nya. " B-bitawan mo ko , nasasaktan ako Changbin"

" Me too."

Marahas nitong binitawan ang mga kamay nya . Bago sya tinalikuran , kinagat naman nya ang pang ibabang labi para pigilan ang hikbi na kumakawala sa labi nya. Bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo si Changbin pa ang minahal nya. Mahirap pero siguro nga hanggang dito nalang sila. Hindi sya pwedeng makipagrelasyon sa lalaking kaaway ng mga magulang nya.

" I'm leaving" pinanatili nyang walang emosyon ang mukha napunasan nya na ang mga luhang lumaglag sa mata nya.

I like to say we gave it a try
I like to blame it all in life
Maybe we just weren't right
But that's a lie , that's a lie.

Pinihit nya na ang pinto kasabay ng unti unting pagkadurog ng puso nya.

And we can deny it as much as we want
But in time our feelings will show
Cause sooner or later
I wonder why we gave up
The truth is everyone knows

Bawat hakbang mas lalong sumisigid ang sakit na nararamdaman nya. That must be the last time na magkikita sila.

Almost , Almost is never enough
So close to being inlove
If I would have known that you wanted me the way I wanted you
Then maybe we wouldn't be two worlds apart
But right here in each others arms
And we almost, we almost knew what love was
But almost is never enough.

Palabas na sya nang marinig nya ang ingay ng helicopter sa pinanggalingan nila. Hindi na nya ito pinansin at dali daling lumabas dala dala ang hinagpis ng puso nya.

–––—

Almost is never enough - Ariana Grande ft. Nathan Sykes

No more ChangKaye😭 road to epilogue na this.

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now