Third Person POVIlang linggo na rin ang lumipas magmula nung mangyari ang insidente sa One Cafe. Magmula nun ay mas lalong naging mapagmatyag ang grupo nila Changbin, nababahala ang binata sa mga kung anu pang pwedeng mangyari, hindi sya natatakot para sa sarili nya kundi para kay Kaye. Ang dalagang nagparanas sa kanya kung paano magpahalaga ng ibang tao ang bumago sa kanyang katauhan . Gusto nya itong protektahan anuman ang mangyari.
Nakaupo ang binata sa swivel chair nakasandal ito habang naninigarilyo bakas sa mukha nito ang takot na mapahamak ang minamahal. Sinisisi nya ang sarili dahil sa nangyari kung hindi sana nya pinakawalan pa si Kaye ay naiwasan ang pangyayari.
Pansamantalang nakabakasyon ang mga members dahil summer vacation na ngayon. Ilang linggo lamang ay babalik na rin sila , hindi sila pwedeng magpakampante kahit pa malakas ang organisasyong kinabibilangan nila. Ininatanim ito ni Changbin sa isip nya, na maging handa o alerto sa mga pangyayari sa paligid.
" Binnie"
Isang malambing at mahinahon na boses ang gumulat at nagpasikdo sa puso nya. Wala sa sariling napatitig ito sa pinto na pinanggalingan niyon. Pakiramdam nya ay nagayuma na sya ng dalaga.
Dahan dahan nagbukas ang pinto at iniluwal nito ang kasintahang may dalang pagkain at may ngiti sa labi. Nahawa nalang sya bigla at napangiti rin abot tainga. Fxck. Mahinang mura ng binata.
Nang makalapit ito ay inilipag nya ang tray na may pagkain sa table ni Changbin at umupo sa pang isahang sofa kaharap nya. Naka croptop ito at plain maong short na maikli. Kitang kita ang ganda at puti ng kutis nya hindi pa ito nakuntento ang dalaga ay nag dekwatro ng upo para mas lalong ma expose ang ganda ng hubog nang katawan.
Habang ang binata ay titig na titig sa kanya , paminsan minsan ay lumulunok pa. Pagnanasa ang bumabalot sa mata nito.
" Enjoying the view?" She said with seductive voice.
Napalunok muli ang binata at kumurap kurap. " I want to eat you" he smirked
Kaye chuckled and she crossed her arms under her breast " Binnie ! I told you na matulog ka diba?! Look at you, mas mukha ka ng panda kaysa sakin" bulyaw nito na kinaigtad ng binata. Umirap pa ang dalaga at inilipat ang tingin sa ibang dako ng silid.
" Natutulog naman ako baby. I'm just prioritizing your safety" he said sincerely.
Hindi alam ni Kaye kung paano pipigilan ang kilig na nararamdaman. Nararamdaman nya ang pagmamahal ng kasintahan sa pamamagitan ng pagprotekta sa kanya. Maswerte sya dito dahil wala itong ibang inisip kundi sya at ang kanyang kaligtasan. Nagsisisi si Kaye nung mga panahong nainis sya rito dahil sa tunay na pagkatao nito. Mafia Boss. Isang mapanganib na trabaho pero dapat ay natanggap nya na dati pa. Nakaramdam sya ng guilt, dapat sya ang unang nakakaintindi rito dahil sya ang kasintahan nito. Pero baliktad ang ginawa ni Kaye pinagtabuyan nya at kinamuhian ito, samantalang walang ginawa ang binata sa kanya para magalit sya.
Naglakad si Kaye palapit sa binata. Gusto nyang humingi ng tawad sa binata pero hindi nya alam kung paano. Dumukwang sya sa binata at sinadyang kahibla nalang ang layo ng mukha nila. Naramdaman nito ang gulat sa kaharap at pagtigil ng paghinga nito. Sa di maipaliwanag na dahilan nakikipagkarerahan ang puso nya sa bilis.
" Binnie, breath"
Huminga naman ang binata at tumama ang mabango nitong hininga sa mukha nya. Napapikit sya at agad nagmulat , umangat ang kamay nya at hinaplos ang mukha ng binata. Nararamdaman ni Kaye na nangingilid ang luha nya, alam nya kasing delikado at limitado ang relasyon nila ni Changbin pero mas pinili nilang lumaban. Tinatanong nya minsan ang sarili hanggang kailan ba dapat lumaban?
" I'm so sorry , Changbin. Ni minsan hindi ko pa naipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal patawarin mo ako"
Lumayo bahagya ang mukha nya at nag umpisa ng humagulgol ginamit nya ang dalawa nyang kamay para itago ang mukha. Tumayo ang binata sa swivel chair at niyakap sya nito mula sa likod. Hinawi ang buhok sa likod at hinalikan ang batok. Naramdaman ni Kaye ang kuryenteng nanalaytay sa katawan nya ng magkalapit ang katawan nila lalo na ang paghalik nito. Nakatalikod si Kaye kay Changbin habang ang binata ay nakayakap sa bewang nya at ipinatong ang baba nito sa balikat nya kasabay ng isang bulong.
" Naiparamdam mo yun Kaye, yung pagtitiwala mo sakin. I was honor to make love with you in the first place. Lalo na nung sinabi mong ako ang una mo? Gusto kong umiyak at barilin ang sarili sa sobrang tuwa"
Natawa naman sya sa huling sinabi nito. Ang binata lang talaga ang pumapawi sa lahat ng problema nya. Ayaw na ni Kaye mawala ang binata , kaya hangga't maaari gusto nyang umiwas, pigilang mahulog sa kanya ng sobra, pero natatalo sya ng puso nya.
Humarap sya sa binata at ipinatong mga kamay sa magkabilang balikat nito.
" Alam kong mahirap , Changbin. Pero diba kakayanin natin? Hindi tayo maghihiwalay kase mahal natin ang isa't isa ." Wala sa sariling napayakap si Kaye sa binata ng mahigpit habang tumatagal kinakabahan na sya sa mga maaaring mangyari. " Please, stay. Don't leave me"
Kumalas ito sa yakap at pinakatitigan ang binata. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito na parang nasasaktan sa sinasabi nya. Mas lalo syang nakaramdam ng kaba nung bumuntong hininga ito. " Kung kinakailangan magsakripisyo para sa kaligtasan mo, gagawin ko. Mahal kita e, hindi lahat ng paglisan nangangahulugan na hindi mo na mahal ang isang tao. Mas mabuti nang mawala ako kaysa makita kitang pinahihirapan sa harapan ko"
Tumulo ang luha sa kaliwang mata ni Kaye. Hindi man nya naiintindihan ang sinasabi ng binata , ramdam sa mga sinasabi nito na darating ang pagkakataon na iiwan sya nito. Hindi alam ni Kaye kung kakayanin ba nya yun? Kung papaano sya mabubuhay pag nawala si Changbin. Nanginginig na yumuko si Kaye. Masyado na syang nasasaktan , tama nga lang siguro yung desisyon nyang lumayo dito . Dapat nag iisip muna sya bago ginagamit ang puso nya.
Naramdaman nya ang matitipunong bisig na humila sa katawan nya para mas lalo pa silang magdikit. Iniangat ni Changbin ang mukha ni Kaye at hinalikan ng banayad pero mabilis lang. " May ibibigay ako sayo" ngumiti ito ng malapad at may kinuha sa drawer .
Lumapit sya sa dalaga at iniabot ang kahon na hindi kalakihan . Nakalagay ito sa magandang kahon na mamahalin. Inilingkis nya muli ang braso sa dalaga habang hinihintay ang reaksyon nito.
" Ano ba to?"
" Malalaman mo pag binuksan mo, Happy 1 year anniversarry My Panda" sabay halik nito sa noo nya
Hindi na pinansin iyon ni Kaye dahil busy sya sa pagbukas ng regalo. Nang mabuksan ay napatitig sya sa laman nito at bumuhos muli ang luha nya. Her boyfriend is supportive.
"ELYXION TICKET"
---
Sana ol

YOU ARE READING
ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )
FanficYou must enter the school named "KIRKWOOD UNIVERSITY" and have fun with the 9 handsome mafia named "Stray Kids"