Chapter 32 - Threats

102 0 0
                                    


Kaye POV

Ilang araw na kong puyat dahil sa kakaisip kung may kinalaman nga ba sila Mama sa pagkamatay ni Kuya. Pero kaunti palang ang nalalaman ko, natuklasan kong kasali pala sa Mafia Organization sila Mama pati rin si Kuya Aries ang hindi ko lang alam kung magkasama ba sila sa organisasyon na yun. Pangalawa hindi ko pala talaga kadugo si Kuya , nalaman kong inampon lang sya ni Papa dahil sa isang kasunduan at hindi ko alam kung anung kasunduan na yun.

Kaya pala nung mga panahong nabaril si Kuya ay ako lang ang naghihinagpis though nakita ko rin ang lungkot sa mukha nila pero dahil alam pala nilang hindi nila yun kadugo hindi na nila gaanong iniyakan. Hindi ko alam kung ginagawa ba kong katawa tawa ng mga magulang ko o ano? Wala talaga silang balak sabihin sakin ang lahat ng mga kagaguhang pinaggagagawa nila noon hanggang ngayon. Nakakaramdam man ng galit mas minabuti ko nalang na ako na , sariling sikap ko na ang pag iimbestiga.

Nagbihis ako ng croptop at high waist with low cut shoes. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin nagpulbos ng konti at naglagay ng tamang dami ng liptint sa labi. I look pretty. Napasmirk ako sa salamin The game is all about to start. Bulong ko sa sarili

Pagkatapos ay lumabas na ko sa kwarto at tinahak ang daan palabas ng bahay.

" San ka pupunta Kaye?"

Hindi ako humarap. Nandito na pala sila?

" May gagawin lang importante" walang buhay kong sagot.

" Mas importante pa ba yan kaysa sa pamilya mo? " may halong pagdududa ang boses nito.

Pinihit ko ang katawan at humarap sa kanya. Nakataas ang kilay nito na may pagdududa sa mata. I can feel her mafia side .

" Kayo? Tinanong ko ba kayo kung saan kayo pumunta? Bigla na nga lang kayong umaalis at iniiwan akong mag isa" nag iwas agad ako ng tingin ng maramdamang nangingilid na ang luha ko.

She sighed. Sign of her concede. " We're doing this, to keep you safe. Ikaw lang ang meron kami Kaye. Intindihin mo nalang."

Nakatungo lang ako kung saan . Pilit na pinapatigas ang loob " I'm fully aware on what's happening in my family. Don't worry "

Tumalikod na ako at akmang lalabas na nang...

" There's a danger outside. Wag ka nang tumuloy"

" Hindi ako natatakot. Ang anak ng mga Mafia ay hindi marunong matakot" I smirked.

Hindi na ito nagsalita at nagtuloy tuloy na ko ng labas. Pumara ng taxi at pumunta sa patutunguhan. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa loob ng taxi kaya nagpa sound muna ako. As usual Exo songs again , hayss I miss them pagkatapos ng lahat ng problema ko pupunta ako sa concert nila. Napatigil ako sa pag iimagine ng huminto na ang taxi. Inabot ko ang bayad at lumabas na .

Huminga muna akong malalim bago tumingala sa taas One Cafe . Pagmamay-ari ng pamilya nila Han. Yes si Han ang kakatagpuin ko dito, seems date right? Pero hindi, kahit naman hindi ko na nakakasama si Changbin mahal na mahal ko parin sya. Simula nung malaman kong may dugo akong mafia natunaw na ang galit ko sa kanya. Namimiss ko na sya , kumusta na kaya sya?

Pumasok na ako sa loob ng Cafe at naghanap ng bakanteng upuan . Umupo ako at tinext si Han.

'Where are you god damnit? Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae . Moron'

Sinend ko agad para dama. Napahinga ako ng malalim ng may narinig akong boses.

" Ako kaya ang naghintay dito"

Inangat ko ang tingin ko ng magtagpo ang mata namin. Nakataas ang dalawang kilay nya na parang hinihintay ang sasabihin ko. Napailing nalang ako nang umupo na sya.

"How's the case?" Paunang tanong ko.

" Hindi ka ba muna oorder? Chill ka lang. Ako bahala"

Sumenyas sya sa isang waiter dahilan para lumapit ito sa amin. "Yes sir?" Tanong nito.

"Anong gusto mo?" Tanong nya at mataman na nakatitig sakin.

" Hmmm. Chocolate Shake tsaka Cake" sagot ko "libre mo ba han?"

He chuckled. "Oh sige na nga. Tutal maganda ka naman ililibre na kita.. Isang San Mig Light tsaka yung order nya"

Napairap ako sa kawalan . Umagang umaga alak. Mafia things -.-

Tumikhim muna ako bago nagsalita " So , How's the case?"

" Sigurado ka ba sa gusto mong malaman? Pasensya kana Kaye pero para sa kaligtasan mo dapat talagang manatiling sikreto" napailing pa ito.

Naningkit ang mata ko at tumalim " Napag usapan na natin to . Mr Han don't you dare na hindi mo ikakanta sakin yang nalalaman mo, I'm a Mafia's daughter kaya wala kayong magagawa dahil everything happens for a reason."

Sumandal ako sa sofa at pinag krus ang braso ko sa ilalim ng dibdib ko. Nagpapakabayani na naman sya umisip ka ng paraan Kaye kung paano nya sasabihin ang nalalamam nya. Nalipat ang tingin ko ng dumating na ang order. Sumipsip agad ako sa Shake para medyo kumalma ako.

Napahinga ito ng malalim. " Aries is also a part of Mafia Organization where your Mom and Dad joined. Magaling silang allies kaya naman nagtagal sila sa Organisasyon. Ang grupo nila ay katulad ng sa amin Sicilian Mafia type known for heroine smuggling and arms dealing. Isa sila sa pinakamatatag na Mafia group sa Asia. Every 8 years ang comeback nila. Malalakas sila kase hanggang ngayon ay matatag parin sila..." Huminto muna ito at tumungga ng beer " Kaya siguro ngayon active ulit sila dahil may sumasabotahe na naman sa kanila. Hindi namin sila kalaban , sa pagkakaalam ko ay medyo kadugo nila binnie yung leader ng parents mo tapos..." Tumitig ito sa akin na parang sinasabing tama na.

Marami akong nalaman pero hindi sapat yun. " Han..." Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil " Please let me know this . Pangakong hindi ko hahayaan ang sarili kong mapahamak lalo na ngayong alam kong may dugo akong mafia"

Nakarinig kami ng pagkabasag ng salamin. Fxck ! Shot guns. Nanginginig ang katawan kong tinitigan ang mga gumawa noon . They're mafia and maybe the enemies .

Hinablot agad ni Han ang kamay ko at dinala ako sa likod ng Cafe. Lumabas kami sa parang basement at nagtago . Sya naman ay nakayakap sakin hindi ko alam kung maiilang ako o ano? Inilabas nya ang Glock 40 nyang baril at kinasa ito.

" Nakikita mo yung van na yun sa parking lot? Kailangan nating makapunta doon ng hindi nababaril, I won't let you hurt don't worry." Kumindat pa ito at hinila ako habang tumatakbo kami ramdam ko ang kaba nakikipagbarilan si Han habang nakayakap sakin. Napahanga ako sa galing nya sa pakikipagbarilan . Agad naman kaming nakarating sa Van sumakay agad ako sa passenger seat at kinalma ang sarili. Si han naman ay nasa driver's seat.

Dapat ay sanayin ko na ang sarili ko sa ganito. Habol hininga ako napatingin sa tabi ko nang maramdamang naubos lahat ng hangin sa baga ko. Changbin. Kumurap kurap ako para malaman kung totoo ba to lahat? Binuksan nya ang pinto ng bahagya at nakikipagbarilan parin. Bat ang gwapo nya makipagbarilan? Nakatitig lang ako sa kanya ng mapatingin sya sa gawi ko nagtagpo ang mga mata namin dahilan sa mabilisang tibok ng puso ko.

" Are you ok? Nasaktan ka ba?" Bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Tumikhim ako bago sumagot  " Ayos lang ako , Thanks for Han" tumingin ako sa kanya at bigla naman itong kumindat. "You're always welcome"

Naramdaman kong gumalaw na ang van senyales na tapos na ang barilan at aalis na kami dito. Humarap ulit ako kay Changbin at nakita ko ang iritasyon sa mukha nito.

" Don't do that again Han, I'm warning you . Muntik na talaga kitang mabaril kanina" Madiin nitong sabi.

Nakagat ko ang labi ko para maitago ang kilig. " and you , Kaye pagbabayaran mo ang kataksilan mong ginawa kanina"

Hinila nya ang batok ko at siniil ako ng halik. Passionate Kiss. Then he whispered " I miss you . My Panda"

---

Comeback :)

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now