Kabanata II: Zyfford Academy

2.9K 110 23
                                    

Zanaya

SA PAGGISING ko'y hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isang malapalasyong istruktura ang nasa harapan ko.

Bakit kaya hindi ko ito napansin kagabi?

Sobrang lawak at ganda nito. Gothic style ang mga gusali rito. Those intricate designs wouldn't go unnoticed as they were really eye catching. Nilibot ko pa ang paningin ko at nadako ang aking mga mata sa napakataas na gate nito na yari sa makapal na bakal.

My eyes blinked several times to confirm that I am not just in some sort of a dream, but the scenario never changed. Nandito pa rin ako sa tapat ng gate ng gusali. Sa sobrang pagkamangha ko'y hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ng isang babae.

"Hindi ka pa ba papasok?"

Huh? Ako? Papasok diyan?

Napatingin ako sa kanya. Maputi siya at malapad ang mga ngiti na para bang ipinagmamayabang niya ang mga ngipin niyang kasing puti ng papel.

"Sa tingin ko'y isa ka ring freshman gaya ko. Ako nga pala si Arya. Arya Santos," sabi niya at ngumiti ulit, saka iniabot ang kamay nito sa akin, ngunit tinapunan ko lamang ito ng tingin at nanatiling tikom ang aking bibig.

Akala ko ay ma-o-offend siya sa aking ginawa ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Alam mo bang pangarap ko talagang makapasok sa akademiyang iyan."

Akademiya ang malapalasyong istrukturang nasa harapan namin? Ngayon ay nakuha na nito ang interes ko.

"Pangarap ko kasing maging isang detective. Alam mo iyong mga napapanood sa TV? Parang si detective Conan," dagdag niya pa at kita ko ang kislap sa kanyang mga mata na animo'y ito nga talaga ang pinaka-inaasam niya. I'm definitely aware of the works of a detective not just because I watched them on television or read about them on books, but this woman seemed to be just dreaming to become one of them without a careful thought. Well, who am I to judge?

Nginitian na naman niya ako bago ulit magsalita, "Ang tahimik mo naman. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa babaeng ito ang pangalan ko. Baka isa itong patibong para matunton ako ng mga humahabol sa akin. Kaya naman pinili kong huwag siyang pansinin at nag-atubiling kinuha ang bag ko at tinungo ang akademiyang tinutukoy niya.

"Teka! Hintayin mo naman ako. Ang dami kong dala oh."

Wala sa sariling napahinto ako at nagawi muli ang tingin sa kanya. Talaga nga sigurong mag-aaral siya sa akademiyang iyon. May dala pa siyang malaking maleta at isang bag pack.

"Bakit isang bag pack lang ang dala mo?" tanong niyang muli nang makalapit sa akin.

Ang kulit. Hindi ko ulit siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating namin ang harap ng gate. Sa itaas nito'y may malaking arko at may nakasulat dito.

ZYFFORD ACADEMY

Sa pader naman na nakapalibot dito ay may nakapaskil na tarpaulin.

WE CAN MAKE YOUR DREAMS COME TRUE HERE AT ZYFFORD ACADEMY. REACH FOR THE STARS AND FLY LIKE THE EAGLES. THE TRUTH WILL SET US FREE. JOIN THE TEAM IN TEASING OUT THE TRUTH.
WELCOME FRESHMEN!

Isa nga itong paaralan. Ngayon ay problema ko kung paano ako makapapasok dito gayong hindi ko naman dala ang mga  requirements. Ano nga ba ang mga kailangan?

Napatingin ako sa kasama ko. Nakangiti na naman ito. Hindi yata nangangawit ang muscles sa pisngi at panga niya. O baka nga gusto lang niyang i-display ang mga ngipin niya.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon