Kabanata XXX: The Case of Ms. Q (Part 2)

1K 42 6
                                    

Kabanata XXX: The Case of Ms. Q (Part 2)

ZANAYA

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.

Kilala niya ako. Paano nangyari 'yun?

Sa pagkakaalam ko, wala pa akong isang taon dito sa akademya, so, napakaimposibleng kilalang-kilala ako ng tinutukoy niyang boss. Whoever that boss is, I'll make sure that we'll end him.

"Sino ang nag-utos sa'yo?" tanong ni Dave.

Napahalakhak ulit ang lalaki. Para bang nang-iinis. "Soon, you will meet him. Don't be too excited, Dave."

I badly want to wipe off that smirk on his filthy face.

"Ayaw mo pa naman sigurong maghirap diba?" dagdag pa niya.

"What?" Dave snapped at him.

Habang abala sila sa pag-uusap, dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan ng lalaki para mailigtas si Qea na kanina pa nagpupumiglas dahil sa patuloy rin ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang leeg.

"Malaki ang kasalanan ng pamilya mo sa boss namin," the guy revealed.

Napahinto ako saglit. Pinoproseso ang sinabi nito. Ano ang ibig niyang sabihin? This guy is part of the Bermuda, how come that his boss wants revenge against Dave's family? Why do I feel like the group of Bermuda is an affiliate of JDC?

Iisa lang ba ang lider ng Bermuda at ng lider ng JDC?

Bago pa makapagsalita ulit ang lalaki,  kinuha ko na ang pagkakataong ito para pulutin ang kapirasong kahoy na may dalawang pulgada ang kapal saka ko ito buong lakas na ipinalo sa ulo niya.

He was disoriented. Nabitawan niya ang hawak na kutsilyo ganoon din ang hawak niya kay Qea. Tumakbo naman kaagad si Qea patungo sa direksyon nina Dave.

Natuon ang atensyon ko sa lalaking hinihimas ang ulo. Matibay rin ang isang ito ha. Hindi pa ba sapat ang lakas na ibinigay ko para paluin siya?

However, before he could attack me, Chris was able to pin him down on the ground. Naglabas ng panali sa buhok si Arya at ito ang ginamit nila para itali ang mga kamay nito.

Bahagya akong lumuhod para  mapagmasdan siya at makausap nang maayos.

"Sino ang nag-utos sayo para patayin ang mga miyembro ng Ms. Q?"

Nararamdaman kong nahihilo na siya. But I won't back down. I need to know the answer. Kahit pa masaktan siya, because he deserves it after all.

"A-ano bang klaseng mga detective kayo, h-hindi pa ba obvious?" he even managed to mocked at us. How dare him?

"It's Leona, right?" tanong ni Chris.

"HA!"

"Kanina habang kinakausap namin siya, napansin namin ang isang salitang nagpapatunay na siya nga ang salarin," sabi ni Arya.

"Yeah, no one knows about the disappearance of Queenie until this morning, yet she already knows about her disappearance since last night. Isn't it suspicious?" pagpapatuloy naman ni Chris.

It is indeed suspicious. Leona was with Queenie last night, and it can be concluded that her so called boyfriend is none other than this guy in front of me. In fact, hindi pa dapat malalaman ni Leona na nawawala si Queenie last night kung wala nga siyang kinalaman. Nahulog siya sa sarili niyang bitag.

"That.. that's right. No doubt," sagot naman ng lalaki.

Tumayo na ako dahil si Dave naman ang sumunod na nagtanong.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon