Kabanata XXIII: The Day of Tournament

1.3K 47 5
                                    

Zanaya

"You guys should win this battle," paalala ni Mrs. Roque sa amin habang inaayos ang aming sarili sa loob ng van na magdadala sa amin sa train station.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Mabigat ang nakaatang na responsibilidad sa amin ngayon. Nasa kamay mismo naming apat ang kahihinatnan ng akademiyang aming pinapasukan at ang reputasyon ng pamilya Zyfford.

"We will. And we will also bring home the stones," mariing pahayag ni Dave.

I am more determined to fight now. When I was just an ordinary girl living in a not so beautiful world full of greedy people, I didn't care about fighting for something because I could have everything I wanted except for one thing of course and that was my freedom. But after how many months of staying here, I realized that there were things worth fighting for. Justice, fairness, love, friendship, and freedom. These were the things that would keep your hope alive and worth fighting for. No matter how hard the situation was, you must keep going because in the end, something great was waiting for you.

I believed this tournament was worth fighting for. So, I would keep on moving and striving just to achieve our goal. For the sake of all the students who were aspiring to bring the truth, we would fight and win in the end.

Hindi ko namalayang nasa istasyon na pala kami ng tren. Pagbukas ng pinto ay bumungad ang maingay na paligid. Maraming pasahero ang dala-dala ang kanilang gamit patungo kung saan. Maaaring sa trabaho, sa pamilya, o baka marami rin sa kanila ang tumatakas.

"May nakareserba na sa ating upuan sa loob ng tren. Halina na kayo," tawag sa amin ni Mrs. Roque.

Walang imik na sumunod kami sa kanya. Nakipagsiksikan kami sa kumpulan ng mga tao para makarating sa station 6.

"Here we go," narinig kong bulong ni Chris na nasa tabi ko na pala.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa mas matangkad siya. Napatingin din siya sa akin. Walang emosyon ang medyo singkit na mga mata niya kaya naman hindi ko mabasa ang iniisip niya at nararamdaman.

"What are you thinking?" hindi ko mapigilang hindi ito tanungin sa kanya dahil kahapon pa sila mailap sa akin. Para bang may ibang ipinahihiwatig ang mga tinginan nila kahapon.

"Nothing. I was just feeling a bit nervous about this Tournament," he replied then smiled at me.

Pumasok kami sa tren kasunod sina Arya. Hindi gaanong crowded ang tren na ito at ibang-iba ang itsura sa mga tren na nasakyan ko na.

Mayroon itong kulay pulang carpet at ang mga upuan ay gaya nang sa eroplano. Kulay pula rin ang mga ito at mukhang komportable itong upuan.

Pumuwesto ako malapit sa may bintana ngunit kaagad din akong napatayo nang magsalita si Ma'am Roque.

"Agents, follow me. Hindi diyan ang upuan natin."

Sumunod ulit kami hanggang sa marating namin ang dulo. May apat na upuan doon at magkaharap ang dalawa. Sa unahang bahagi ay mayroon na namang apat na upuan. Doon naupo si Mrs. Roque at kami nama'y sa apat na upuan sa likuran.

Pinili kong makatabi si Arya at siyempre ang puwesto ko ay sa tabi ng bintana. Kaharap ko si Dave at si Chris nama'y katapat si Arya.

Walang nagsalita sa amin hanggang sa maramdaman ko na lang na gumalaw ang tren and yeah, we were about to see the beauty of the arena kung saan gaganapin ang tournament.

"Anong sinabi mo sa pinsan mo?" tanong ni Dave na ikinagulat ko. Akala ko kasi wala nang kakausap sa akin ngayon.

"It seems like you're surprised. You didn't expect that question?" tanong niyang muli.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon