Zanaya
MAGANDA rin ang dulot ng pagiging 3rd rank dahil sa additional allowance na binibigay ng akademiya every month. Kung wala ito ay tiyak na mamamatay ako sa gutom.
Hindi ko lubos akalain na makaka-survive ako ng apatnapu't walong oras sa paaralang ito, at sa loob ng mga oras na iyon, wala pang nangyayaring masama maliban na lamang sa mga apat na nangunguna sa klase na mainit ang mga mata sa ikinikilos ko.
I know, I don't deserve that 3rd rank, but I shouldn't be blamed because of that. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. All I want was to hide from my parents. I know it's a form of cowardice, but still, I need to do it.
"Zanaya, gutom na ako. Pasama naman sa Cafe," pakiusap ni Arya.
Sumunod na lamang ako sa kanya. Hindi ko naman alam kung nasaan ang Cafe na tinutukoy niya. Good thing Arya was here for me. She never got tired of my series of questions and patiently thought me about codes and ciphers. After knowing about my secret, she didn't judge me, instead she was very willing to help.
Pagpasok namin sa Cafe, bumungad agad ang aroma ng tsaa and kape, gayundin ang amoy ng bagong bake na cake. Maraming customers at iilan na lamang ang space na natitira.
"Zanaya, doon na lang pala tayo sa canteen, nandito kasi ang mga E4," bulong ni Arya.
"Sinong E4?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"E4 is short term for Evil 4."
"Sino ang mga iyon?"
"Gosh. You're so oblivious! Sino pa ba edi ang mga nangunguna sa klase," she stated in a matter-of-fact tone as if I should have known that little trivia.
"So? Wala akong nakikitang problema 'dun. If they're here, then so be it. Hindi naman tayo manggugulo, kakain lang tayo," giit ko at nauna nang maglakad patungo sa isang table malapit sa grupo ng mga babae. Sa left side namin ay nakaupo ang mga E4 (according to Arya).
"Seriously, Zanaya? Bakit dito pa?" iritang tanong ni Arya.
"Wala nang ibang space eh, ang tagal mo kasi," katwiran ko naman at napailing na lang siya.
Dumiretso na lang si Arya sa counter para mag-order. Dahil sa naiwan ako, pinagmasdan ko na lamang ang katabi naming grupo ng mga babae na masayang nagkukwentuhan. Bale apat silang lahat. May kanya-kanya silang coffee and tea na iniinom gayundin ng mga cakes. I suddenly remembered my friends at my previous school.
"Lia, try mo itong cake na inorder ko, bet na bet ko yung lasa," dinig kong sabi ng isang babaeng may kahabaan ang buhok sa kasamahan niya.
"Sure," sagot naman ni Lia na may ngiti sa kanyang labi.
Tinikman naman niya ito at mukhang nasarapan naman.
"Oh my gosh! I love it. You should try it, guys," maarteng saad nito.
Sumubo naman ang isang babae at naging kontento sa lasa ng cake.
Anong cake ba iyan? Parang gusto ko ring humingi. Ang tagal naman kasi ni Arya.
"Kelly, ayaw mo ba?" tanong ng babaeng nag-offer kanina ng cake.
Napatingin naman ako sa babaeng Kelly ang pangalan. Kulot ang buhok niya na abot hanggang balikat. May suot siyang black rimmed eye glasses at payat ang pangangatawan.
"Ah, pasensya na, guys, allergic kasi ako sa nuts eh," paliwanag niya sa mga ito.
"No problem, dear."
"Ewww! Ano yang nasa dark mocha drinks mo Kelly. Is that a fly?" puna ni Lia.
"Oo nga. Ano ba namang klaseng cafe 'to," komento ng isang babae.

BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mistero / ThrillerIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...