Zanaya
"ZANAYA, bumalik ka rito! Hindi ko pa naaayos ang buhok mo!" sigaw ni Arya at hinabol pa ako nang nasa may pintuan na ako.
Bumaling ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
"There's no need to do that! I'll be fine, Arya."
Nang masabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa blue envelope, naging aligaga siya at wari'y hindi malaman ang gagawin.
"I'm just concerned. I was worried because this might be the last time that I could see you."
Napangiti ako sa tinuran niya. She was a good friend. I'm lucky to have her.
"Don't worry, I'll be back. Wala naman akong ginawang masama, so I don't have to be worried about meeting the Head Master for the first time."
Alam kong tungkol sa Sleuth's Tournament ang pag-uusapan namin ng Head Master. I didn't do anything wrong so definitely I wouldn't get expelled.
Nagtungo ako agad sa opisina ng Head Master matapos kong makipag-usap kay Arya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto, ngunit walang bumukas nito. Paunti-unti ko itong binuksan at medyo nagulat pa ako dahil hindi naman pala ito naka-lock.
Pagpasok ko sa loob, napansin kong sumisigaw sa karangyaan ang opisinang ito. Maraming paintings at miniature sa loob. Kulay pula ang carpet na inaapakan ko ngayon at kapansin-pansin ang mga tropeyong naka-display sa ibabaw ng mga shelves.
Hinanap ng aking mga mata ang headmaster, ngunit hindi ko siya nakita. Sa halip ay isang bagay ang nasagip ng aking mga mata. Ang bagay na matagal ko na ring hindi nasusubukan.
Dahan-dahan ang lakad ko habang papalapit dito. Matagal na rin na panahon simula noong huli kong hawak nito. Nilapitan ko ang grand piano at marahang hinaplos ito. Hindi naman siguro masama kung makikialam ako.
Sinimulan kong tugtugin ang piano recital ko noong walong taong gulang pa ako. Espesyal sa akin ang recital na ito. Tinugtog ko kasi ito sa kaarawan ni Mama at umani ng mga papuri sa mga kakilala at kamag-anak namin. She was so proud of me then. It was the very first time I've seen those sparkles in her eyes and every time, I longed to see those again.
Hindi ko akalaing naaalala ko pa ang bawat chords nito. Bahala na kung marinig ng Head Master. Sadyang na-miss ko lamang ang pagtugtog.
Matapos ko itong tugtugin ay nagulat na lamang ako nang makarinig ako ng pumapalakpak sa may likuran.
Paglingon ko ay isang lalaking nakangiti ang bumungad sa akin.
"Very impressive! Hindi mo pa rin pala nakalilimutan 'yan. Well, as expected sa anak ng isang Petersen at Lopez," sabi niya sa akin.
Pamilyar ang taong ito. Saan ko nga ba siya nakita?
"It has been 11 years!"
Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang sinabi niya.
Pinagmasdan ko pa siya. He wore two piece black American suit. He's definitely taller than me. His hair was buzzed cut. And those eyes na medyo singkit. They were so familiar. Captivating. It was like someone else's eyes.
Nang ngumiti siya ulit ay nahalungkat ko na sa aking memorya kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Kuya Stephen!"
"Yes, dear. Akala ko hindi mo na ako maalala," saad niya at napahalakhak pa.
There were parts of my memory that were familiar of him, there were parts that I struggled to remember, but I'm glad I knew his name. Hindi pa rin siya nagbabago. Pumapalibot pa rin sa kanya ang mapagbirong aura. Kaya hindi nagiging boring ang piano tutorial ko noon. Dahil sa kanya, naging maayos ang bawat lessons ko sa pag-aaral ng pagtugtog ng piano.
![](https://img.wattpad.com/cover/164200280-288-k687652.jpg)
BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mistério / SuspenseIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...