Kabanata XXXIII: Her Little Secret

1.1K 54 0
                                    

Kabanata XXXIII: Her Little Secret

ARYA

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang old fashioned lady. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang talampakan para matukoy kung imahinasyon ko lamang ba itong nakikita ko. Ngunit kumpirmado nga. Nasa harap ko ngayon si Ms. Dimalanta.

"Hell! The enemy is here," naibulalas ni Dave kaya napatingin ako sa kanya at pinaningkitan ng mata. Ano bang sinasabi niya? Nagpapatiklo naman siya kaagad eh.

"Ms. Dimalanta! What are you doing here?" magalang na tanong ni Monica.

Mabuti na lang at nandito ang anghel ng grupo dahil kung wala siya, tiyak na magkakagulo na sa loob ng kwarto ni Dave. Baka nga hindi ako magdadalawang isip na igapos 'tong matandang dalaga na ito at ipabugbog kay Zanaya.

"I came to visit Dave," sagot niya.

Napasulyap ako sa relos ko. Pasado alas diyes na ng gabi.

"Pwede naman po kayong bumisita bukas ah. Masyado na pong late," sabi ni Chris.

Napangiti lamang siya at napasulyap sa akin. No way! Kakainin ba ako ng witch na 'to? Iligtas niyo po ako. Hindi pa ako handang mamaalam!

"Alam ko kasing gising pa kayo sa mga oras na ito," sabi niya.

"Pero ma'am, paano kayo nakapasok? Hindi na po oras ng pagbisita," wika ni Eroll na nagtataka.

Tumawa siya nang bahagya. "Pinapasok ako ng kaibigan ko dito."

Ano ba iyan? Bakit naman niya kami maiisipang bisitahin? Hindi naman kami close. At saka, hindi rin siya close kay Dave, 'no.

"I'm fine, tita," sabi ni Dave na ikinabigla naming lahat. Pakiramdam ko nga humiwalay saglit ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko eh. Pero teka, totoo ba ang aking narinig? Hindi pa naman ako bingi, hindi ba?

Tita? Seryoso?!

Hindi naman siguro niya kadugo ang witch. Maaaring iyon lang talaga ang tawag niya sa kanya. Hay, whatever. Nai-stress ang bangs ko at ang maputi kong ngipin.

Ipinaghila siya ni Chris ng mauupuan at kinuha naman ito ni Ms. Dimalanta at itinabi kay Zanaya na nakaupo rin sa isang monobloc chair sa tabi ng kama ni Dave.

Nagkatinginan kaming anim. Hindi malaman ang gagawin. Dapat na ba naming igapos ang matanda?

"Nabalitaan kong, tinangka kang lasunin ng isa sa mga waiters."

"That's right. And that waiter was following orders from someone."

Halatang maingat sa pagsagot si Dave. Hindi siya nagbibigay ng anumang impormasyong kaugnay kay JDC. Sa palagay ko'y wala na rin siyang tiwala sa guro na ito.

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanilang usapan hanggang sa may kumatok ulit. Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng pang-maid na uniporme. Inilapag niya ang bag ng damit sa mesa.

"Ma'am, narito na po ang ni-request niyong mga kasuotan," sabi niya.

Nagpasalamat sa kanya si Zanaya kaya naman kaagad din itong umalis sa room.

Habang nagchi-chismisan sila Dave at Ms. Dimalanta, nagpalit naman na kami ng damit. Kung wala lang 'tong matandang ito eh, aalis na sana kami para makapag-imbestiga.

"Oh, by the way, congratulations on your engagement," bati niya kina Dave at Zanaya.

Parang gusto kong matawa nang dahil sa reaksyon ni Zanaya. Parang gusto niyang masuka. Napangiti na lang ako.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon