Kabanata XXIV: Teamwork is Real (Part II)

1.1K 45 1
                                    

Dave

With clothes of green
And bark of a dog,
Search me for the goods,
I sleep like a log.

"So ito pala ang sinasagutan niyo?" tanong ni Arya.

Ipinaliwanag naman sa kanila lahat ni Reign ang ginagawa namin at ang mga nangyari sa amin kanina.

"I guess we're too slow," komento ni Chris. Ramdam ko ang kaba sa kanila kahit na hindi nila ipakita. They make act tough on the outside, but I felt their worries. They're all taking these seriously. I should do my best to win. A lot was at stake now, we couldn't let JDC takeover now.

"That's why we need to hurry, or else we will not make it to the next level," sabi ko sa kanila.

"The riddle is easy. Ano ba ang isang bagay na maaaring ikonekta sa mga description na nasa papel?" Chris wondered as his eyes darted around.

Bark, green, log, and search for goods. Ito ang mga description na nasa riddle. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at alam kong ganoon din ang mga kasamahan ko.

"Maghanap tayo ng puno," sabi ni Arya.

Nagsimula na kami sa aming paghahanap. Hindi naman pwedeng maghiwa-hiwalay kami dahil tiyak na maliligaw lamang kami sa maze na ito.

"May puno ba dito? Puro naman vines ang nakikita ko."

"I think I saw a tree a while ago," saad ni Chris.

"Alam ko na!" Arya exclaimed.

Natuon ang aming atensyon sa kanya.

"May nakita akong puno kaninang papunta kami dito," sabi niya.

"Yeah. That's what I'm saying," wika ni Chris.

Arya began to lead the way. We turned to the Eastward direction and turned again. I'm feeling dizzy with all of these. Napasulyap ako sa aking relo.

One hour and 46 minutes.

I cursed under my breath. "We're running out of time."

"Nandoon! Bilisan niyo!"

Patakbo na kaming nagtungo sa kinaroroonan ng isang puno ng balete. Hindi gaanong matayog kaya kitang-kita ang kabuuan nito.

Sinuri namin ito ngunit wala kaming mahanap na papel.

"Baka hindi ito ang punong hinahanap natin."

Sabagay, malawak ang maze na kinaroroonan namin. Pakiramdam ko nga nasa kalahati pa lang kami.

"Wait, I think this is the one," Reign said then grabbed one of the leaves. She showed it to us.

"What's with that piece of leaf?" tanong ko. Nagagawa pa niyang magbiro sa ganitong situwasyon.

"Shut up, Zyfford. Just watch," she snapped.

Binuklat niya na parang libro ang dahon. Dalawang dahon pala ito, pinagdikit nga lang kaya hindi halata. Inside the two leaves was a folded paper. Kinuha niya ito at binuklat sa aming harapan. She read it aloud, and yeah, another riddle, but a little different?

gack to thg drawing boart

"This doesn't make sense," komento ni Chris. I agreed with that. Was this even a riddle?

"I think there are some errors with the spelling," saad ni Lopez.

"Hoy, Lopez, hindi naman yata ito 'yung clue. Hindi kapanipaniwala ang nakasulat diyan oh," komento ko habang binubusisi pa rin ang papel.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon