Kabanata XXXVII: Diffusing Bombs

1K 38 1
                                    

Kabanata XXXVII: Diffusing Bombs

ARYA

Tatlong oras na siguro kaming nakagapos at nangangalay na rin ako. Sigurado akong ganoon din ang nararamdaman ni Chris na kanina pa tahimik. Kung mamalasin ka nga naman ay itong hindi palasalita pa ang nakasama ko. Baka mapanis ang laway ko nito.

"Nakaisip ka na ba ng paraan kung paano tayo makakaalis dito?" tanong ko sa kanya.

"I'm trying to remove this rope on my hand," sabi niya kaya napalingon ako sa likod niya. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakatali nito.

"Lumuluwag na."

"Good."

Nabalot ulit kami ng katahimikan, not until nakarinig kami ng tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Napatingin ako sa pinto. Hinihintay ang pagbukas nito pero wala.

Maya-maya'y nakita ko ang isang card sa siwang ng pinto at may nagtulak ng card kaya dumiretso ito sa harap ko.

Nagtataka kaming napatitig dito. May nakasulat kasi.

"USE THIS CARD TO OPEN THE DOOR BEHIND YOU-- LRZ"

Ito ang laman ng sulat. Napasulyap ako sa pinto sa may likuran namin. Paano naman mabubuksan ng card ang pinto? Pinaglalaruan lang yata kami ng kung sinong LRZ na yan!

"Sino naman tong LRZ na to?" inis na tanong ko.

"It could be Zanaya," bulong ni Chris na parang may makakarinig sa amin.

"Si Zanaya?" bulong ko pabalik. "Kung si Zanaya ang nagbigay nito, susi ang ibibigay niya para makaalis tayo."

"That's too risky."

"Teka nga, paanong si Zanaya ang nagpadala eh LRZ naman ang nakasulat."

"Tsk. Binaligtad lang niya ang initials niya. ZRL is her initials, kapag binaligtad mo yun, magiging LRZ," paliwanag niya.

Napatangu-tango ako. Ganun pala yun? Bakit hindi ko ito naisip? O talagang hindi lang ako nag-iisip?

Gulat akong napatingin kay Chris nang nagawa niyang pulutin ang card gamit ang kamay niya.

"Wow! Ako rin Chris tanggalin mo---"

"Shhhh!"

Napatahimik na lang ako. Masyado ba akong maingay?

Tinulungan naman niya akong tanggalin ang pagkakatali ko.

"What now?" tanong ko nang makatayo na ako sa pagkakaupo. Pakiramdam ko nga'y nabali ang balakang ko.

Pinagmasdan lang ni Chris ang card na para bang iyon ang pinakaimportanteng bagay sa mundo.

"We will use this to escape," bulong niya at nagtungo sa may pinto sa likod.

"Paano naman niyan mabubuksan ang pinto?"

"Just watch," sabi niya at napangisi sa akin.

He slides the card into the vertical crack between the door and frame. Then insert the card into the gap between the doorknob and door frame and then slide it down next to the doorknob.

Chris tilts the card towards the doorknob. He bends the card back the opposite way. He even wiggles the card back and forth. This  adds more pressure to the latch and then, we heard a click.

"Nagawa mo!"

"Shhhh!" suway niya ulit sa akin.

Nagawa naming makalabas sa room. Todo ingat kami ni Chris na huwag makagawa ng anumang ingay.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon