Arya
NATAPOS ang weekend namin nang walang anumang kaguluhang naganap. Hindi na nanggulo si JDC matapos ang nangyari kay Ate kaya naman nakatulog kami nang mahimbing ni Zanaya kahit papaano. Wala kaming inalalang problema at naging matiwasay ang mga nagdaang araw.
Ang JDC na iyon ay isang peste. Excuse me for the term, pero sobrang nanggagalaiti lang talaga ako sa kanya. Kahit na hindi ko pa nakita ang hitsura niya ay malakas ang kutob kong mukha siyang palakang kabkab na kumakalabukab. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang iyan, basta isa siyang malaking peste sa pwet! Ang sarap niyang buhusan ng muriatic acid at ibaon sa hukay. Iniisip ko pa lamang siya ay kumukulo na ang aking dugo. Nanggigigil ako at kumakalam ang sikmura. Oh wait... nagugutom na pala ako.
Nasaan na ba ang parang kabute kong kasama? Kanina ko pa siya hinihintay. Ang sabi ng isang kaklase ko ay nasa comfort room daw siya, pero lumipas na ang ilang milyong segundo ay wala pa rin siya. Sumusulpot pa naman kung saan-saan ang babaitang iyon.
"Sinong hinihintay mo?" may isang maligno ang nagtanong sa akin. Paglingon ko ay si pato pala.
"Wala ka na 'dun," pagsusungit ko sa kanya.
"Nagtatanong lang. Ang sungit mo talaga."
Ang tagal naman kasi ni Zanaya. Ginugulo tuloy ako ni Eroll.
"Will you please shut up! I'm thinking," tignan lang natin kung guguluhin mo pa ako matapos kitang kausapin sa English.
"Thinking?! May isip ka pala?" sarkastikong saad niya.
Naiinis na talaga ako sa antipatikong lalaking 'to. Ihulog ko 'to sa bangin eh.
Mabuti na lamang at dumating na si Zanaya dahil kung hindi ay baka nahulog na nga ang lalaking kaharap ko ngayon sa bangin. Ewan ko lang kung saan ako makakatagpo ng bangin sa paaralang ito.
Anyway, hinablot ko na ang kamay ni Zanaya at kinaladkad siya. Joke. Baka katusan ako ng babaeng 'to kapag ginawa ko ang bagay na iyon.
Nagpunta kaming dalawa sa canteen. Hindi na kami nagpupunta sa café dahil baka may mangyari na naman. Mukhang hinahabol na kasi kami ng kamalasan simula noong pumasok kami sa akademiyang ito.
As usual, maraming tao sa lugar kung saan may pagkain. Hindi yata maubos-ubos ang customer dito.
Pumila kami sa counter para bumili ng makakain. Pagkabili ay sinimulan kong ilibot ang aking mga mata para makahanap ng pwesto. Pero full na ang bawat table. Ang malas naman yata.
"Doon na lang tayo kina Monica," sabi ng katabi ko.
Well, no choice. We have to dine in with the evils.
Oha! English 'yon.
Ang sabi nga nila kapag nakisama ka sa matatalino, tatalino ka rin. At dahil may kasama akong inglesera, napapa-english na rin ako.
Nagtungo kami sa table ng E4 at naupo sa bakanteng upuan. Siyempre sa upuan kami uupo, alangan namang sa sahig.
Mabuti na lamang at medyo magkakasundo na kami ng apat. Lalong lalo na sina Zanaya at Dave. Kaswal na sila kung mag-usap at hindi na nakaka-nose bleed ang usapan nila.
"I was getting worried about JDC's next move. He or She might do something that would endanger us," wika ni Chris na halatang malalim ang iniisip kanina pa.
Ako nga rin. Hindi namin kilala ang aming kinakalaban at hindi namin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin.
Napabuntong hininga si Monica. "Mukhang ang pamilya ng Zyfford ang pinupuntirya niya."
BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Misteri / ThrillerIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...