Arya
Before the Acquaintance Party...
Pinagmasdan ko ang paligid mula sa aking kinatatayuan at nilanghap ang sariwang hangin. Nandito kami ngayon sa rooftop ng mall dito sa Zyfford Academy. Naisipan kasi naming dumiretso dito matapos ang huling klase namin para bumili ng masusuot na dress para sa Acquaintance Party bukas ng gabi. At isa pa, kasama namin ngayon si Angel na talaga namang blessing in disguise na siyang makatutulong sa amin ni Zanaya sa pagpili ng masusuot.
"So ano, guys, tara na?" pag-aaya niya.
Napasulyap si Zanaya sa suot niyang relo bago niya kami tinapunan ng tingin.
"It's already 5 o'clock. Let's go."
Alam ko namang napilitan na naman siyang sumama sa amin. Kanina pa siya bagot na bagot at ayaw niya talaga sa mga ganitong lakad. Ngunit kapansin-pansin ang pag-iwas niya kay Angel. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Masyado talaga siyang anti-social. Sinasadya pa niya itong sungitan sa tuwing kakausapin niya ito.
Mabait naman sa amin si Angel kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo ni Zanaya sa kanya.
Narating namin ang bilihan ng mga dresses. Maraming pagpipilian ngunit dapat pa rin naming piliin ang pinakamura dahil sa may scarcity ngayon sa aming pamilya. In short, wala kaming pera. Lalo na si Zanaya.
Kinuha ni Angel ang itim na dress na backless at medyo revealing saka ito ibinigay kay Zanaya.
Tinaasan siya ng kilay ng isa, "I won't wear that."
"Why? This suits you. Believe me," tugon ni Angel at nakangiti pa siya sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha kaya siguro siya nagustuhan ni Dave. Pero malas niya at si Dave pa ang naging fiancee niya. That jerk.
"I think that would suit you better."
Kumunot ang noo ni Angel dahil sa pahayag ni Zanaya.
"Hindi kasi ganito ang taste ni David sa mga damit lalo na kapag susuotin ko. Gusto mo bang magalit siya sa akin?"
Napakamot na lamang ako ng ulo. Ano ba naman kasi itong pinagsasabi ni Zanaya? Bakit ba mainit ang ulo niya sa kasama namin eh tinutulungan niya lang naman kami?
Lumapit si Zanaya sa kanya at hinablot ang dress saka ibinalik ito sa kinalalagyan. "I can choose a dress that would fit me. You don't have to help me."
Ako na mismo ang humingi ng pasensya kay Angel dahil sa inasal ng kaibigan ko. Mabuti na lamang at malawak ang pasensya niya at naiintindihan niya raw.
Nagpatuloy pa kami sa paghahanap hanggang sa isang gown ang nakakuha ng atensyon ko. Simple lang ito ngunit eleganteng tingnan.
"Wow! That was a good choice, Arya. I think you would look gorgeous on that."
Totoo bang isang compliment iyon? Wow naman. Feeling ko tuloy ang ganda ko dahil galing kay Angel iyon.
"Sa tingin mo, magugustuhan ni David itong dress na ito?" tanong niya at ipinakita sa amin ang kulay puting dress. Napakaganda nga nito. Sa tingin ko ay kahit sino mang lalaking makakikita sa kanya ay tiyak na mamamangha sa kanya.
Pansin ko lang na masyado siyang mahilig sa puting damit.
"Bagay na bagay sa iyo iyan kaya sigurado akong magugustuhan ni Dave 'yan," sabi ko sa kanya.
Bumaling siya kaya Zanaya na basta-basta na lang kinuha ang kulay asul na dress nang hindi manlang tiningnan kung bagay ba ito sa kanya.
"Hey, Zanaya. What do you think of this?"

BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Gizem / GerilimIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...