Kabanata XII: The Abduction of Avi Santos

1.9K 76 43
                                    

Dave


Naging successful ang case of the Lady in the Night at nasa academy na kami ulit.

Reign was in the infirmary for her recovery. Mabuti na lamang at sinunod niya ang planong uminom muna siya ng tubig bago niya harapin ang killer. Though may masama pa ring epekto ito sa kanya. Limang oras din siyang unconscious at panay ang sisi sa akin ni Arya. She even cried like Reign was about to die.

Noong napansin ni Arya ang litrato ni Jaika na naka-cosplay ay malakas na talaga ang kutob kong siya nga ang pumatay sa ate nila. All I have to do was to prove my deduction. So I came up with a plan.

Naglalakad kami ngayon patungong infirmary kasama ang tatlong kaibigan ko.

"I'm sure sobrang exciting ng case niyo kahapon. Akalain mong may pagka-horror ang dating nito," saad ni Eroll.

"Anong exciting 'dun. Zanaya almost died because of Dave's plan. Napakadelikado ng ginawa niyo," pangangaral ni Monica sa amin.

"It's a good experience," komento ni Chris.

I agree.

"Sobrang natakot siguro si manok," natatawang sabi ni Eroll.

"Ang higpit nga ng kapit niya kay Zanaya eh," sagot ni Chris.

"Let's just thank God dahil gising na si Zanaya," wika ni Monica.

Pagkarating namin sa infirmary ay nadatnan namin si Ate Darlene na palabas sa room ni Lopez.

"She's fine now," sabi niya sa amin saka ako tinapik sa balikat at nagtungo na sa exit.

Pumasok kaming apat sa silid at maririnig ang tawanan nilang dalawa ni Arya.

"Oh, nandito na pala ang E4," bulong niya ngunit dinig na dinig naman namin.

Lumapit si Monica kay Reign at niyakap ito.

"I'm glad you're fine."

"We got a perfect score," sabi ni Chris sa kanila.

Nagniningning naman ang mga mata ni Arya pagkarinig 'dun.

"Wow! Talaga? Sabi ko naman kasi pang-best actress ang acting ko kagabi."

"Best actress! Takot na takot ka nga eh," pambabara ni Eroll.

"Hoy, pato! Hindi ikaw ang kausap ko," banat naman niya.

"Guys, be quiet. Can't you see? Zanaya is still recovering," pag-awat ni Monica sa dalawang isip bata.

Maya-maya'y narinig namin ang pagkatok sa pinto.

Pinagbuksan ito ni Eroll at bumungad ang mukha ng Student Council President kasama ang secretary niya na may hawak na basket ng prutas.

"Tamang-tama, kuya Nico, gutom na ako," sabi ni Arya at siya na mismo ang nagbuhat ng basket.

"How are you, Reign?" tanong niya.

"I'm getting better, kuya. Don't worry."

"Don't ever put yourself into danger again. Mananagot ako sa mga magulang mo eh," sabi niya at napakamot pa siya sa ulo. Napatingin naman siya sa akin na para bang binabalaan niya akong huwag ko nang idamay ang pinsan niya sa gulong dala ko.

"Oo na. Hindi ka na dapat pa nag-abala, naistorbo pa kita sa gawain mo."

"Just be careful, Reign," wika niya at hinalikan sa noo ang pinsan niya.

Matapos iyon ay umalis na siya at ng kasama niya.

"Lagot ka, Dave," saad ni Eroll.

I gave him a questioning look.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon