Kabanata XXIX: After the Storm

1.1K 46 2
                                    

Kabanata XXIX: After the Storm

ARYA

"Bilisan mo Arya, magsisimula na ang announcement!" sabi ni Monica na kanina pa atat na atat pumunta sa Gym.

Inilagay ko muna ang lipstick ko sa aking bag bago siya hinarap.

"Maayos na ba ang itsura ko?" tanong ko sa kanya habang inaayos pa ang aking buhok.

"You've asked that question for the ninth time now," inis na tugon niya at napahalukipkip na lang. "You know, Eroll's eyes will always land on you. Believe me. So stop making a fuss about how you look. You're beautiful."

Okay na sana ang mga salitang you're beautiful kung hindi niya binanggit ang pangalan ng Eroll na 'yun.

"Oh, bakit ka nakasimangot?"

"Tsk. Tara na nga!"

Pagkasabi ko 'nun dumiretso ako kaagad sa may pinto at naunang lumabas. Dinig na dinig ko na naman ang kanyang mapang-asar na halakhak.

Pagkarating namin sa loob ng gym, kaagad akong binati ng mga fans ko. Siyempre, iwinagayway ko rin ang aking mga kamay para naman matuwa sila. Sa tingin ko'y nandito na lahat ang mga estudyante at kami na lang ang hinihintay.

"Nasa backstage na sila Zanaya. Ang bagal mo kasi," sambit ni Monica.

Ginawaran ko na lamang siya ng matamis kong ngiti bago nagtungo sa backstage. Ngayong araw mare-recognize ang aming pagkapanalo sa tournament at ang pagkilala sa aming efforts na maibalik ang Zyfford's Stone. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito sapagkat makikita akong muli ng mga fans ko. Ewan ko lang kina Zanaya, parang hindi pa nga sila natutuwa eh.

Lumipas na rin kasi ang isang linggo nang matapos ang tournament. Naghilom na rin ang aming mga sugat, ngunit bakas pa rin ang iniwan nitong galos. Ang pangit kaya sa skin. Kaasar kasi ang Angel na 'yun. Sa ngayon, nasa kulungan na siya. Nawa'y mabulok siya doon.

"Ey! Hindi niyo ako hinintay ah!" bati ko sa mga kasamahan ko.

Ngumiti lamang si Chris sa akin, at si Dave? Naku, tulala na naman. Naging ganyan siya simula noong araw na dumating kami dito. Ang alam ko ay hindi pa sila nag-uusap ni Zanaya.

Well, dahil tsismosa akong kaibigan, alam ko na ang bagay na dapat nilang pag-usapan. Si Dave ay childhood friend ni Zanaya kaya naman labis ang galit ni Zan nang malaman niyang matagal na palang inililihim ni Dave ang tungkol sa alam niya. Ito naman kasing si Zan, hindi pa sinabi agad na may selective amnesia pala siya noon. Ang dami kasing ka-ek-ekan ng dalawang 'yun. Ewan ko ba, masyadong magulo ang buhay nila.

Speaking of Zanaya, kararating lang din niya. Medyo maayos ngayon ang buhok niya dahil nga may mga baklang nag-ayos sa amin para sa announcement na ito.

"Magsisimula na raw," sabi niya at nagtungo malapit sa entrance.

"Ladies ang gentlemen. This day, we shall recognize the heroic deeds of the four representatives of the Sleuth's Tournament and how they have conquered every obstacles that came on their way. Please welcome, Dave Zyfford, Christopher Enriquez, Zanaya Lopez, and Arya Santos!"

Sabay-sabay kaming pumagitna sa stage at ngumiti sa mga kamerang nakatutok sa amin. Parang nagwawala na rin ang mga estudyante dahil sa kanilang loud yells and cheers. Siyempre lalo na ang mga girls.

"Natulog na lang na sana ako kaysa magsayang ng oras dito," sambit ni Zanaya.

Hays. Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaitang ito. Boring pa rin sa kanya ang lahat.

Matapos magsalita ang principal at lahat ng ka-echosan ng akademyang ito, bumababa na kami ng stage at nagtungo sa aming patutunguhan.

Naglakad papuntang dorm si Zanaya. Tototohanin niya yata ang sinabing matutulog na lang siya. Ngunit bago pa siya makalayo, hinabol siya ni Dave.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon