Arya
"Hand me some stones!"
Mabilis pa sa alas-kwatro na iniabot ni Chris ang mga pinulot niyang bato kay Zanaya matapos niyang marinig ang utos nito.
Walang pag-aalinlangang ibinato niya ito sa mga kalalakihang kasuntukan ngayon ni Dave.
Kitang-kita namin mula sa aming kinaroroonan ni Zanaya kung paano pinahirapan ng mga taga-Reinwarts si Dave. Nagtamo siya ng mga sugat na alam ko namang masakit talaga. Sampung minuto na lamang ang oras na natitira sa amin para makarating sa susunod na level kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Zanaya na tulungan sa labanan si Dave.
Napatumba niya kaagad ang isa matapos niyang matamaan ito sa ulo. Hindi naman niya ito ikamamatay. Mahihilo lamang siguro.
"Dave umakyat ka na!" sigaw ko sa kanya nang magsimula na ang countdown.
Nine minutes.
"Ano ba, Zyfford! Umakyat ka na, ako na ang bahala sa kanila," sabi pa ni Zanaya na halata ang pagkainis sa tono ng boses nito.
Mabuti na lamang at nakinig din sa wakas si Dave at hindi na nagsayang ng oras para umakyat sa pader. Patuloy naman sa pagbato si Zanaya at todo iwas ang mga lalaki.
Nang tuluyan nang makaakyat si Dave ay saka lamang tumigil si Zanaya at bumaba kami sa kabilang banda upang samahan si Chris na nasa baba na.
Kumaripas kami ng takbo pagkatapos patungo sa mga cells na naghihintay sa amin. May malaking screen kung saan naka-display doon ang mga nalalabing oras namin sa level na ito.
Six minutes.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nadapa pa si Dave kaya naman napatigil na naman kami. Napalingon ako sa aming likuran at nandoon na pala ang mga taga-Reinwarts, humahabol sa amin.
"Go! Mauna na kayo, dali!" sigaw sa amin ni Zanaya.
Kahit na gusto pa naming tumulong ay wala na kaming nagawa ni Chris kundi ang ipagpatuloy ang pagtakbo patungong glass cells.
"Clumsy!" narinig ko pang sigaw ni Zanaya at nakita ang pagtulong niya kay Dave na tumayo. Napanatag na ang aking kalooban nang makitang sumusunod na sila sa amin.
Saktong apat na minuto na lamang ang natitira nang nakapasok na kami sa wakas sa mga glass cells namin. Himalang nakahabol pa ang grupo ng Reinwarts. Nakaiinis mang isipin ngunit makakasagupa pa namin sila sa susunod na level.
Pumalibot muli sa glass cell ang berdeng linya at nag-iba ang kapaligiran. Nasa Arena ulit kami. Sinalubong kami ng masigabong palakpakan ng mga taong nanonood.
Mula sa sampung grupong sumabak sa tournament, anim na lamang ang natitira. At sa aking pagkadismaya, mukhang kami lang ni Chris ang nahulog sa patibong nilang putik. Kasing puti pa rin ng papel ang kanilang mga tshirts samantalang kami nama'y mistulang kulay tsokolate na. Kasalanan ito ng mga lalaking mukhang yokai na taga Reinwarts. Sila ang mga nakasagupa namin ni Chris kaninang nagsimula ang unang pagsubok. At kanina lamang ay nakabangga na naman namin sila na siyang dahilan kung bakit nagtamo ng galos si Dave.
Pinalabas kaming lahat mula sa cell at inatasang magpahinga sa loob ng isang oras sa aming mga tents. Sana nga lang ay may ipapalit ako sa damit ko.
Pagkarating sa loob ng tent ay agad na sumalubong sa amin ang amoy ng bagong baked na tinapay. Pakiramdam ko isang linggo akong hindi kumain. Nagutom ako kaagad.
Kaagad naming nilantakan ang pagkaing nakahain sa lamesa. Tila hindi na rin ininda ni Dave ang mga galos niya dahil sa salu-salong nagaganap.
Maya-maya'y dumating si ma'am Roque na may dalang mga t-shirts at kasunod niya ang isang nurse.

BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mystery / ThrillerIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...