Kabanata XXVII: The Home of the Game Planner (Part 2)
ZANAYA
Kunwaring nagpunta ako sa CR habang si Chris naman ay dumiretso na sa second floor. Naiwan sa party sina Dave at Arya para bantayan ang kilos ng mga bisita.
Beep.
Napatingin ako sa relong suot ko na nakuha ko sa tournament bilang price. Marami pa kaming kagamitan na kanilang ipinamigay na magagamit daw namin bilang mga future detectives. Nag-flash ang hologram ng mensahe ni Chris.
The area is clear.
Matapos akong kunwaring nag-ayos ng buhok, lumabas ako kaagad ng comfort room. I tried to track him down using my watch. Nagpakita naman agad ang lokasyon nito.
North. 23 degrees. 30 meters.
Dumiretso ako sa second floor at bumungad sa akin ang tahimik na corridor. Walang anuman dito. The place is dimly lit but I can manage to see my surroundings.
2 meters. Turn right.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Chris na kinakalikot na naman ang cellphone niya.
"This is the most secured place of the mansion. Maraming nakakabit na security tools dito, but I managed to shut them down," he said then grinned at me.
"Nice. So what's next?"
Bilib na rin ako sa talento ni Chris sa pangha-hack. Pati ba naman ang security tools walang laban sa kanya?
"Let's begin the search."
Magsisimula na sana ako sa paghahanap nang magsalita siya ulit.
"Oh wait! I almost forgot about the tracking device connected to the stone."
"Tracking device?"
"Dave mentioned before to me that there's mini tracking device connected to the stone, however, he can't track it down because of the distance."
Napakamot ako ng ulo, "So paano natin ngayon mahahanap 'yun?"
"Nakalimutan mo na ba? Nakaka-detect ng tracking devices ang relo na suot natin."
Aba malay ko. I thought this is just a simple watch, but look, we have another feature here.
Hindi ko naman maintindihan kung ano ang mga pinagpipindot ni Chris sa relo niya kaya hinayaan ko na lamang siya.
"May tatlumpung tracking devices ngayon ang nandito," sabi niya at ipinakita sa akin ang hologram ng special watch niya.
That's too many. Talagang mahigpit nga ang seguridad dito.
"Bakit kaya hindi mo hanapin ang naiiba sa lahat? I'm sure the tracking device of the stone is different from the others," I suggested.
"That's a brilliant idea!"
I heave a sigh. This would be a long night. Kailangan naming mahanap ngayong gabi ang stone dahil aalis na kami bukas.
Habang abala sa hologram si Chris, nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Puro mga papeles ang nandito. Bakit naman dito itatago ni JDC ang stone? And who would do it? No one can access this place except for hackers like Chris and the authorized personnels. Unless, isa sa mga personnels dito ay kasabwat ng kalaban.
"This is too easy!" Chris exclaimed.
"What did you find out?"
"Look, nasa pinakadulong bahagi ng second floor ang naiibang tracking device."
BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mystery / ThrillerIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...