Kindly tap on the star button before you proceed. Thank you. Enjoy reading!*
*
*
*Kabanata XLI: Captured
Arya's POV
Nagmamadali kaming umakyat sa hagdan patungong second floor kung saan matatagpuan ang Control Room ng Broadcast Room. Kasama naming dalawa ni Monica ang ilang rescuers para sagipin si Zanaya na nasa loob. Sina Dave naman kasama si Eroll at Chris ay nasa labas at hinahanap na rin si JDC aka Kuya Nico.
Sino nga ba namang mag-aakalang ang kapitapitagang Student Council President ay siya palang mastermind sa lahat ng karahasan sa Zyfford Academy? Walang sinuman ang mag-eexpect na magagawa niya iyon. His life was tainted with black due to his past.
At si Zanaya, masaya akong sa amin pa rin ang loyalty niya, though I am so worried about her current state as of the moment.
Mausok na sa bahaging ito ng building kaya hindi na kami pinayagan ng mga rescuers na lumapit pa. Sa parteng ito kasi mismo nakakabit ang bombang sumabog at sa bahaging ito, inaasahan naming makikita si Zanaya.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at ang mga kamay ko'y pinagpapawisan ng malamig.
"Zanaya will be fine," sabi ni Monica at hinawakan ang nanginginig kong kamay.
Hinintay naming ma-clear ng mga rescuers ang site bago kami lumapit sa kanila. Kitang-kita namin ang sunog na mga computer parts. Nakita rin namin ang ilang sunog na mga flashdrives. Sa sahig ay may isang puting panyo na nabahiran na ng itim na usok kaya madungis na ito.
Yumuko ako para mapulot ito saka inamoy. Kahit na may bahid na ito ng usok, naaamoy ko pa rin ang pabango ni Zanaya.
"K-Kay Zanaya po ito.." I croaked out.
"Kung ganoon, nasaan siya?"
Lumapit ang isang rescuer sa amin. "Miss, wala po kaming nakitang ni isang bakas ni Ms. Lopez. Tanging iyang panyo niya lamang ang palatandaan natin na nandito nga siya kanina bago nangyari ang sunog."
Nilibot namin ni Monica ang silid para matingnan kung nakatakas ba si Zanaya bago mangyari ang pagsabog. Napansin namin ang nakabukas na bintana.
"Kuya, paki-check naman po iyong window."
Kaagad na sinunod ng mga rescuers ang utos ni Monica. Sinimulan nila itong suriin.
Bakas sa aming mga mukha ang pag-aalala. What if may nangyari na sa kanyang masama?
Everyone in the room was hoping that Zanaya managed to escape.
"May nakita po kaming sapatos sa labas," sabi ng isang rescuer na halatang tumakbo pa.
Ipinakita niya ang isang pares ng sneakers na medyo sunog na. I recognized it immediately dahil ito ang suot ni Zanaya na sapatos noong una kaming nagkita sa may forest.
"Sa kanya nga iyan!"
Kumaripas na kami ng takbo ni Monica para makatulong sa pag-trace kay Zanaya. She's just somewhere in the campus barefooted and probably tired of running away.
I just hope JDC didn't saw her. Huwag naman sana.
"We need to calm down Arya," humihingal na wika ni Monica nang marating namin ang lugar kung saan tumakbo paalis si Zan.
Bago pa man ako makapagsalita, nag-ring ang cellphone ni Monica.
"Dave.."
She put in on a speaker mode so that I could hear the conversation too.
BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mistério / SuspenseIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...