Kabanata XXXI: The Invitation

1.2K 48 0
                                    

Kabanata XXXI: The Invitation

ZANAYA

Maririnig ang halakhakan at kwentuhan ng mga estudyante. Halatang nagkakasiyahan silang lahat. Sino nga naman ang hindi masisiyahan? Tapos na ang pagsusulit para sa unang semester.

"Well, this calls for a celebration!" excited na sabi ni Monica.

"Cheers, mga mare!" sabi naman nitong si Arya.

Nandito kaming anim ngayon at kumakain ng pananghalian. Matapos ang case ng Ms. Q, pinagtuunan muna namin ng pansin ang pag-aaral, pero siyempre, todo asikaso pa rin si Dave sa kaso. Thankfully, walang madugong pangyayari sa loob ng isang linggo. Ina-update naman kami ni Dave sa progreso ng kaso ng Bermuda at ni JDC. Kabilang na dito ang hinala naming magkakampi ang dalawang grupo.

Sa loob ng isang linggo, napag-alaman namin na posible ngang may koneksyon si JDC sa rouge group. Lumalabas na iisa ang hangarin nila at iyon ay ang ipatumba ang pamilya Zyfford.

"We have to continue our investigation. I can feel that we're near the end," Dave blubbered with excitement.

"I agree. Now that we're done with the hell week, we can now focus on the case," pagsegunda ni Chris.

Napasimangot naman si Arya at parang nawalan na yata ng gana. "Ano ba naman 'yan, Dave, hindi ka ba nagsasawang makakita ng dugo. Magpahinga naman tayo," reklamo niya.

"Well, if you want to take a rest, then go. I don't have enough time. I can't just watch my family suffer as well as the people around me," sagot naman nitong si Dave na masyadong seryoso sa buhay.

I let out a sigh before intervening in the conversation. "As much as I don't want to agree to Zyfford's opinion, I think we should finish this case now. Masyado nang marami ang nadadamay."

Arya let out an exasperated sigh then agreed instantly. "Fine. Basta kakain muna tayo."

Nagpatuloy kami sa pagkain at kung ano-ano pa ang napag-usapan. As usual, si Eroll ang spokesperson namin. Siya 'yung dada nang dada, at hindi rin naman magpapatalo itong si Arya.

Matapos kumain, nauna na sa headquarters 'yung tatlong lalaki.

"Sumunod na lamang kayo mamaya," sabi ni Chris at tinapik ako sa balikat. Pinagmasdan ko sila hanggang sa makalayo sa canteen.

Sinimulan naman naming tatlo ang pagkain ng ice cream na in-order namin.

Abala ako sa pagkain nang magsalita si Monica. "You know what Zanaya, I think Chris likes you a lot."

Muntik ko nang maibuga ang ice cream na nasa bibig ko. Napakunot ang noo ko kay Monica. Ano bang nonsense ang pinagsasabi ng babaeng ito?

"Don't get me wrong. I know that you are aware that I like Chris too, but every time that he talks about you, I can feel that he admires you so much. The way he talks about you says it all. Chris likes you."

I was speechless. Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ito sa akin. Napaka-out of topic naman ng babaeng ito.

"Ay girl, hindi ka ba nagseselos?" aba nagtanong pa itong si Santos. Tsk.

"Sometimes. Pero bagay naman sila 'diba, Arya? Masaya nga ako dahil napapasaya ni Zanaya si Chris," sagot naman niya.

Napaubo ako para makuha ang atensyon nila. Napatingin sa akin ang dalawa.

"Chris is a good friend. And I think... Hanggang doon na lang muna iyon. As much as possible ayaw ko munang i-entertain ang ganoong bagay, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. I want to focus on the main reason why I am here, and besides I want it to stay that way," I tried to say those words carefully. I don't want them to assume anything. I was so blessed that God gave  me Chris and my friends. Ayokong sirain ang friendship namin.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon