Kabanata XX: Dancing with the Thrill

1.6K 55 2
                                    

Dave

I was walking around the Headquarters looking for everyone. They're probably hiding and trying to get even because I kept my knowledge of Sean's identity from them.

Nasaan na ba sila?

Napadpad ako sa lounge area. Nakapagtataka lang na madilim ngayon dito. Dati-rati naman ay ito ang parteng pinakamaliwanag sa aming headquarters.

"Hey! Magpakita na kayo. I know you were there. Sorry for lying, okay?"

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag. Maya-maya'y maririnig ang halakhak ng isang lalaki. There was a hint of familiarity, pero hindi naman iyon si Chris o si Eroll.

Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ang lalaking kaharap ko ngayon. Tanging ang sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw ko sa gabi.

Nasilayan ko ang isang black leather shoes na papalapit sa akin ngunit hindi ko makita ang mukha ng nagmamay-ari nito.

"Marunong ka palang humingi ng tawad. Eh ang kapamilya mo kaya?"

Pamilyar ang boses na iyon, ngunit hindi ko matukoy kung kanino.

"Dave... Please help me."

Boses iyon ng babae at alam kong kilala ko ito dahilan kung bakit biglang mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.

Naaninag ko ang mukha ni Reign.  Umaagos ang luha sa kanyang mukha at may mga pasa pa ito. Hawak siya sa leeg ng lalaki at nakatutok sa kanya ang isang patalim na may bahid pa ng dugo. Ngunit hindi ko pa rin makita ang mukha ng lalaki.

"Bitiwan mo siya, ngayon din," kalmado kong saad kahit na nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa mga senaryong naglalaro ngayon sa isip ko. Mga senaryong maaaring mangyari sa oras na igalaw niya ang patalim na nakatutok ngayon kay Reign.

"Oh? Why should I? Nahuli mo na ang isa sa kaalyado ko, so it's time to get even. I will also kill your precious friend," sabi niya at mas lalong idiniin ang hawak niyang patalim sa leeg ni Reign. Dahil dito napasigaw siya sa sakit.

It was quite frustrating na hindi ko makita ang kausap ko. Alam kong si JDC ang kaharap ko the moment na binanggit niya ang salitang 'kaalyado'.

"Ano ba ang gusto mo? Please just let her go," my voice sounded desperate as I watched Reign's blood oozing out from her neck.

Mas lalo lang siyang natawa. "You're willing to do anything for her, huh? Bakit? Does she care for you? Ni hindi ka nga niya maalala."

Naguguluhang napatingin ako sa kaharap kong hindi ko naman nakikita. Ano bang pinagsasabi niya?

"Oh, Dave. Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?"

Nagpupumiglas pa rin si Reign kahit na hinang-hina na siya. "A-anong dapat mong sabihin, D-Dave?" her voice was shaking from fear.

I was about to answer her question, but something caught my eye. Binitawan ng lalaki ang hawak niyang patalim saka niya inilabas ang isang baril at muling itinutok ito kay Reign.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nanlamig ang aking mga kamay at damang-dama ko ang butil ng pawis sa aking noo.

No. This was not happening.

"Ooops. That's too late because you'll never know about that, my dear," sabi niya at hinaplos ang buhok ni Reign.

Para akong nabingi nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong lounge. Tatlong sunod-sunod na putok na baril.

Binitawan niya ang katawan ni Reign. Nasilayan ko ang paglaho ng mga leather shoes na iyon. Umalis siya na parang walang nangyari.

And for the second time in my life, I have watched how someone important to me died.

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon