Kabanata X: A Challenge to Lopez

1.8K 75 40
                                    

Chris

"I am going to teach you another cipher today," pagsisimula ni Ms. Avi.

Heto na naman tayo sa mga nakaka-nose bleed na ciphers. This was definitely a brain-drying activity.

"Who among you is familiar with the Skytale Cipher?" tanong niya sa amin habang nagsusulat siya sa pisara.

Skytale Cipher?

Parang narinig ko na ang cipher na ito. But I am not so familiar about it.

From my peripheral view, I saw Arya raised her hand.

"Yes, Agent 498."

Confident na confident siyang tumayo bago nagsalita, "Skytale Cipher is a transposition type. In this case, the rod allows one to write four letters around in a circle and five letters down the side of it."

"And how can we decrypt that?" follow-up question niya tapos naglakad sa harap.

May balak yata siyang gisahin kami sa tanong.

"To decrypt, all one must do is wrap the leather strip around the rod and read across," another confident answer from her sister.

Obviously alam na niya 'yan.

Matapos sumagot ni Arya ay umupo na siya at bumalik sa usapan nila ni Zanaya. Arya, being a talkative person always break the rule of not talking to your seatmate. Sabagay, malakas ang loob niya dahil kapatid niya naman ang professor namin ngayon.

"Agents, you must remember that you should make a table first, then insert your input. The table is also based on the diameter given," pagpapaliwanag niya habang iniikot ang buong silid.

"For example, ang binigay ng sender na diameter ay 5 x 3 dapat na sundin niyo iyon to get the right answer," dagdag pa niya.

"Sino sa inyo ang makapagbibigay ng plain text tapos i-convert natin siya into a cipher text?"

Bibong-bibo na nagtaas ng kamay sina Eroll at Arya. Mukhang alam na alam nila ang lesson namin ngayon.

"Yes, Eroll."

Nakangiting tumayo si Eroll at tumingin pa siya kay Arya para asarin ito.

"Hey, I was doing just fine before I met you~" pakanta niyang sinagot ang tanong ni Miss Avi na umani ng loud cheers sa mga kaklase namin.

"Woooh!"

"Go, Eroll!!"

Siyempre sinuportahan na rin namin siya ng mga kasama ko kahit na nakahihiya ang eksenang iyon ni Eroll. Pati si Miss Avi ay tawang-tawa sa halimbawang ibinigay ng maingay na kaibigan namin.

"Okay, so we are going to use the phrase 'Hey, I was doing just fine before I met you'. And the diameter that we are going to utilize is 7 x 5."

Gumuhit ng table si Ms. Avi sa white board namin at inilagay ang input galing sa plain text.

H | E | Y | I | W | A | S
D | O | I | N | G | J | U
S | T | F | I | N | E | B
E | F | O | R | E | I | M
E | T | Y | O | U | X | X

Cipher text: HDSEEEOTFTYIFOYINIROWGNEUAJEIXSUBMX

"Ayan. So to decrypt the cipher text, kailangan niyo lang gumawa ng table na kagaya ng ginuhit ko kanina. Then kung kulang naman ang input niyo para ma-fill up ang table, simply put a ' X'."

Napatango naman kaming lahat. Bale gagawa kami ng table depending sa diameter na ibibigay. Got it!

"Class, I want you to create your own cipher text and give it to one of your classmates. In that way, maibibigay niyo sa kanila ang kahit na anong gusto niyong sabihin. I will give you 10 minutes to do it."

Tease Out the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon