Zanaya
"Thanks for informing us about this, Mayacar. We will let you know about the progress of the case. For now, kailangan mo na munang bumalik sa clubroom niyo," sabi ni Eroll.
Mayacar seemed to hesitate before she responded, "Can I add my consultation with you to my feature article?"
"No," kaagad na kumontra si Dave.
Palagi na lang siyang against sa mga bagay na hindi naman dapat niya pinapakialaman.
"Wow! Maganda 'yan. Paniguradong sisikat tayo," Arya said enthusiastically.
"I don't care about fame. We don't need those kind of things."
"Wala namang mawawala kung sakaling pumayag tayo," Chris countered.
"Right. Basta ba legit lahat ang isusulat niya," pang-suporta ko sa argument ni Chris.
Sa huli ay lumabas nang nakangiti si Mayacar dahil sa pinayagan namin siyang isama sa feature article niya ang case na iso-solve namin.
"We need to get the files from the office of the Detectives," saad ni Dave.
"Kami na lang ni Arya ang mag-iimbita sa EIC dito for some questions," pagvo-volunteer ko.
Sumang-ayon naman ang tatlo, kaya nagkanya-kanya na kami ng pupuntahan.
"May mga kaso na pala ng pagpatay dito kahit noong wala pa tayo," wika ni Arya.
"Oo nga. Hindi ko inakalang maraming gahaman sa kapangyarihan at mga killer sa paaralang ito."
Napaka-unusual ng akademiyang ito. There's always a case to solve. Maraming tao ang nagkakasala dahil sa mga makamundong pagnanasa nila. I have this feeling na napadpad silang lahat dito.
Naging tahimik na kami ng kasama ko hanggang sa marating na namin ang harap ng Editorial Staffs Office. Ako na ang kumatok para makapasok kami. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng isang lalaking nakasalamin.
"You must be from the Detective Section. The EIC is expecting you."
Sinabi na siguro sa kanya ni Mayacar ang tungkol sa sadya namin.
"I'm Terrence by the way, a photojournalist and from the police section," pagpapakilala ng lalaki sa sarili niya.
"Just call me Zanaya," sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
Nang mapansin kong hindi umiimik si Arya, ako na mismo ang nagpakilala sa kanya.
"She's Arya, a Student Detective too."
Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad patungo sa opisina ng EIC nang magsalita si Arya.
"Pamilyar ang pagmumukha mo. Nagkita na tayo."
It was not a question, it was a statement. Halatang sure na sure si Arya sa sinasabi niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi pa sila nagkikita dahil wala naman akong kaalam-alam.
"Hindi ba't ikaw ang nagbigay sa akin ng letter from JDC?"
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. She was not supposed to blurt that out out, was she?
Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?
"Jey-di? What? I think you're mistaken, Arya. Ngayon pa lang tayo nagkita."
Hindi makapaniwalang napatingin si Arya sa lalaki. Napakunot naman ng noo ang lalaking kaharap namin. Arya seemed to insist that they have met already, but Terrence just looked at her with pure confusion. If what Arya just said was true, then this guy definitely knew how to act.
BINABASA MO ANG
Tease Out the Truth
Mystère / ThrillerIt was just supposed to be a typical year for Zanaya Reign not until she got herself entangled in the series of unfortunate events in a very unusual Academy for detectives. Mysteries are bound to happen, different emotions will linger and rise, and...