Hello! Ako pala si Lakambakod, protector of crops and healer of diseases.
And oo na. Tama si Tala.
Kasi binigyan din ako ni Bathala ng kapangyarihan tulungan yung mga lalaki na kailangan ng... uhm... lakas at golden seeds para mabuntis ang asawa nila.
Because bawal na nga kaming makialam masyado sa mga nagaganap sa mundo ng mga tao, madalas inaasar ko na lang itong si Tala.
Nakakatawa kasi siya. Sobrang bitter.
Kinurot ako sa tenga kasi tumawa na naman ako nung nag comment siya dun sa isang lalaking nagwish na sagutin siya nung babaeng gusto niya. "Apat na nga yung girlfriend mo eh! Nakakahiya ka naman. Dapat dito tamaan ng kidlat eh. Nasaan na ba si Ribung Linti?"
I pulled her back bago makaabala sa iba. "Psst. Wag ka nga. Wag mo na lang kasi pansinin."
She rolled her eyes. "Bakit ka ba nandito?"
"Naiinip na kasi ako... baba kaya ulit tayo sa lupa? Nakakamiss din yung mga adventures natin."
Kahit bawal, Tala and I were the ones who became pasaway and often headed down to Earth. Of the many deities kasi, it is us who are often called for by humans even to this day and through those interactions our interest is often piqued. This is also why we have taken to speaking as human do the most.
It annoys Apolaki when he does not understand us but he is too busy to get mad for very long.
Mayari often teases and pinches me. "Ilang libong taon ang palilipasin mo? Gusto mo bang tamaan na lang ni Lakan ng pana si Tala upang mahalin ka na niya?"
Ah yun. Yun pala. Mahal ko si Tala.
Akala ko kasi alam na niya especially after we shared a kiss in one of our outings to Earth about a thousand years ago. I had to get back earlier than her because there was a tribe that needed help with their crops.
When I was done, wala pa din si Tala. I went to where she was and ayun na-in love pala sa isang tao.
Ops teka teka. Wag niyong pag isipan ng masama si Tala. Naguluhan kasi siya noon. I didn't tell her why I left kasi nagmadali ako para tumulong, so nalito siya. Akala niya ayaw ko sa nangyari.
Habang nag-iisip siya, ayun nakilala niya yung lalaki at nagustuhan naman niya.
Problema nga lang, nung nalaman nung kasintahan niya kung sino siya talaga, ipinagsabi niya sa lahat at napagbintangan si Tala na masamang elemento.
Tinali na siya at balak na nilang sunugin. But Tala, being the fighter she is, stared at the man she loved who was in charge of lighting the flame. "Wag kang lalapit sa akin. Wala kang karapatan."
Then, she set herself on fire and vanished.
She was the goddess of the stars — did they actually think they could burn her with anything on Earth?!
Bumalik siya na ganyan. Bitter. So, kapag nagwish kayo at nakita niyong nagtwinkle yung mga bituin, hindi ibig sabihin na natupad ang wish niyo... that's Tala rolling her eyes.
Tama si Mayari. Masyadong matagal na yung panahon. Pero ano bang dapat kong gawin para magbago yung tingin sa akin ni Tala?
—
Short update! Will have another one later 😊