Yuan
Ano bang susunod sa crush? Hindi ko alam eh.
JOKE!
Pinagpatuloy ko naman yung pagyayaya sa kanya na mag-date. I have to admit that at first, my interest was due to my lola's curiosity about her. Kaya parang gusto ko maintindihan bakit ba gustong-gusto siya ni Inay.
Pero habang tumatagal, narerealize ko na ang dami niyang traits that I like.
One, ang sarap kausap. We could talk about anything. It started with discussions about the movies we just saw and then would go off in different directions from there.
Two, she loves Inay. Missy told me that she only had one lolo alive when she was born and he passed on when she was quite young so she barely knows what it's like to have a close grandparent.
"But from most accounts, I think having a lolo or lola around is so wonderful," she observed.
"It is. Share na lang tayo kay Inay. I'm sure gusto niya yun," I said.
Missy chuckled. "Thank you. Buti na lang gusto ako ng lola mo."
"Oo. Super gusto. Pakasal na kaya kayo?"
She rolled her eyes again.
"Yang mata mo, ikot ka ng ikot. Nakikita mo na ba utak mo sa dalas mong gawin yan?"
She laughed out loud at that. "Oh my god. You're hilarious."
We shared a laugh.
Basta ganun. Madalas tawanan lang. Funny din siya humirit eh... I can't think of a particular moment now pero basta there are times hiritan lang kami ng hiritan.
"Pikon ka ba?" I asked one time.
"Oo."
"Ay patay."
"Bakit?!"
"Wala. Marami kasing naaasar sa akin dahil ang lakas kong mamikon."
"Ay lagot na nga. Mabilis talaga ako mapikon eh."
"O paano? It was nice knowing you na lang?"
Her face registered shock and I doubled over laughing. "Nakakairita."
"O, ito na. Serious question, kung liligawan kita, anong dapat kong gawin?"
"Ligaw agad?" She asked, incredulous at the idea.
"Bakit? Dapat ba tayo na yung next step?"
"Hindi ah!"
"Yun naman pala! So? Ano na?! Para masimulan ko na!"
Missy frowned then asked back. "Teka, manliligaw ka talaga? Sure ka ba na gusto mo ako o dahil lang yan ako yung gusto ng lola mo?"
"Good question! Buti na lang pinag-isipan ko na yan. At ang sagot ay... it's both. Crush na nga kita di ba? At umabot na sa point na gusto na kitang ligawan. Pero totoo din na malaking factor yung gusto ka ng lola ko. Kasi naman, hindi ako naniniwala dun sa mga you and me against the world na kwento."
"Bakit naman?"
"Kasi gulo yun eh. At saka, important sa akin ang family ko. Ayoko na maulit yung pinili ko yung babae over them. Rational naman kausap yung mga magulang ko, si Inay... kaya kung ayaw nila sa tao, I'm sure may dahilan sila bakit."
Missy pondered for a bit. "Okay, fine. Ligaw pa lang naman. Ang condition is papaalam ka sa Daddy ko at mga Kuya ko... lahat ng pinsan kong lalaki."
"Ha?! Lahat?!"
"Oo."
I gulped. "Sige. Teka, wala namang parang initiation 'to? Or kailangan ko din magprepare?"
"Errrr wala naman. Yata. May isa kasi akong pinsan na maraming kalokohan eh. The last time may nanligaw, pinahawakan niya ng butiki."
"Ah! Kung butiki lang, kaya yan."
When I told Inay that night that I intended to pursue Missy, she jumped up with joy. Literally. Natakot ako na baka masaktan. "Inay! Dahan dahan naman po!"
"Hay nako. Kaya ko ang sarili ko. Kailan tayo pupunta? Magdala tayo ng lechon. Mamimitas na ako ngayon."
"Inay, gabi na po."
"Ay oo. At hindi mo pa sinabi kailan tayo pupunta. Ano pa ang dadalhin natin?"
I chuckled. "Si Inay naman. Akala mo naman mamamanhikan na tayo."
"HINDI PA BA?!"
"Inay!"
"Joke lang, apo." She grinned, mischievously. "Pero isasama mo talaga ako?"
"Opo naman. Kayo pa ba?" I hugged her. "Hinding hindi ko palalampasin na makita kong makuha niyo ang matamis na oo ni Missy."
FYI - masakit pa din mambatok si Inay.