5

611 42 0
                                    

Tease 5

My phone rang again and I kept ignoring it. Jusme! Wala ba 'tong balak na patulugin ako? Bahala siya sa buhay niya.

Maaga akong umalis sa trabaho. At sa bilis kong maglakad, siguradong hindi niya na 'ko naabutan. I admit. Im avoiding him. Kung bakit? Wala lang. Ayoko lang sumama sa kaniya. Mahirap na. Artista siya. At ako, sexy at maganda lang. Wala akong panama sa dami ng press nbaaa kukuyog sa 'kin if ever na madawit ako sa lalaking 'yun.

Umikot paharap sa akin ang kapatid ko. Madilim ang mukha niya. Hindi lang dahil sa madilim o walang ilaw kundi dahil mukha talaga siyang galit.

"Ate, sagutin mo na 'yan. Utang na loob. Maaga pa ko bukas! Ang ingay e, " inis niyang sabi at tumalikod muli.

"Hoy, babaita! Wag ka ngang oa diyan. Nakasilent na ho yang cellphone ko! " parang timang e. Nagba-vibrate na lang yung tawag ta's maingay pa rin?

"Eh! Nanginginig yung kama," bubulong-bulong niya at saka padabog na umalis sa tabi ko.

Sino bang nagyayang matulog sa kwarto ko? Baliw din yung babaeng yun eh. Exczschuschzsme! Siya tong mapilit kaninang tumabi eh. Habang tumatanda talaga yun mas lalong umaarte. Kala mo naman ang yaman namin. Jusme! Malaman-laman ko lang talaga na may boyfriend na yun, babalatan ko sila nung jowa niya. Gagamitin ko yung nail cutter.

I sighed and decided to answer the call. "Hello? "

Napalayo ako ng cellphone sa tenga ko nang marinig ko ang malakas na alingawngaw ng tugtugin sa linya. Nasa bar ba siya? Tss. Hindi na nakakagulat.

"Ito po ba si Ann?"

Napakunot ang noo ko nang marinig ang hindi kilalang boses. Baka nakidnap siya. Ta's sa kin manghihingi ng ransom. Ta's wala akong pera. Hindi ko maibibigay yung gusto nila. Ta's machuchugi siya- nyaks! Masyadong wild 'yung imagination ko. Halatang kailangan ng matulog.

"Eto nga. Sino 'to? "

"Waiter po ako. Kanina pa po kasi nagsisisigaw si Sir Ervin. Tawag po ng tawag ng pangalan niyo. Pakipuntahan naman po siya please. Nakakagulo na po siya ng ibang guests."

Napa-face palm ako. Ghad. Pahirap talaga ng buhay. "K," I simply said and rose from bed and took my wallet with me.

Tinext sa akin ng waiter yung address at agad naman akong pumunta dun. Pasalamat siya sa jeep na nasakyan ko, pumasada pa kahit gabi na.

Hinarang ako ng bouncer at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Oo nga pala. Nakapantulog pa kong pumunta dito. As in nakapajama, malaking t-shirt at tsinelas pa ko. Bakit ba? I don't need to dress up just to pick Ervin up. Duh! E-effort-an ko pa siya e sinira niya nga yung tulog ko.

"Bawal dito 'yan, miss. "

Tumaas ang kilay ko. "Paghalos wala ng damit yung tao pinapapasok niyo tas akong nakamalaking damit ayaw niyo? Ano to, gaguhan?! Papapasukin mo ba ko o papapasukin?! Pili, bilis! "

Napakamot naman sa batok ang bouncer. "Sige na nga ho," sabi niya at saka umalis sa harap ko.

Taas noo akong pumasok at hinanap ang ugok. May mga tumingin din sa akin habang naglalakad ako. Tss. Mga judgemental na tao. I believe, kahit nakapantulog ako, mas maganda ko sa kanila. Hmp.

"Hey, babe. "

Napalingon ako at nakita ang isang lalaki na may piercing. May itsyura naman. Kaso wala kong balak manlandi ngayon.

"Not interested, " I simply said and roamed my eyes all over the bar. Mukhang wala siya dito. Hindi kaya...

Napatingin ako sa lalaking kumukulit sa 'kin kanina. I smiled seductively and walk my way towards to his direction.

"Hey, pierce guy," i said trying to put an accent on it.

Ngumisi ito. "I knew you're interested. Just playing hard to get, am I right? "

I giggled and walk closer and made my fingers walk to his arm. "Yeah. Listen. Can you... accompany me to the VIP floor. It's too loud in here. Let's go somewhere.. " i leaned in. "..quiet. "

Napalunok ito at humawak sa bewang ko. "Of course, babe. " he said and winked. "Can't wait to take you in bed."

"What? " I acted like i didn't heard what he said. And i can't wait to cut his balls. Jerk.

He smiled innocently. "Nothing. "

Pagkarating namin sa VIP floor agad namang nahanap ng mata ko si Ervin. Gotcha, Ervin.

"Uhm. Babe? "

"Yes, babe?"

"I need to see my brother. He's wasted," I said and took his arm away from me. "Sorry, i used you. " At bago pa siya maka-gets, umalis na kaagad ako at umupo sa harap ni Ervin.

Hindi niya 'ko napapansin kaya kinuha ko 'yung baso na dapat iinuman niya. "Tama na 'yan. Umuwi ka na. "

He looked at me and smiled. "Ann! " he  beamed while pointing out his finger at me. "Babe," he said and suddenly hugged me very tight.

Hinampas ko naman yung braso niya at saka siya tinulak. "Huwag ka ngang clingy, Alvarez! Mamaya makuhaan pa tayo ng picture, hindi pa handa ang ganda ko para madiskubre ng buong mundo. "

Tumawa naman ito. "You're funny. "

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, hindi ba 'ko maganda? " panghahamon ko pa.

Umiling ito habang nakangisi. Tumayo naman ako at akmang aalis na. But his arms caught me and hug me from behind. "Don't leave. You're not pretty, Ann. You're gorgeous. "

I rolled my eyes. Kumalas ako sa yakap niya at pinaupo siyang muli sa upuan niya. Umupo na rin ako sa upuan ko kanina.

"Ano bang problema? Nagwawala ka daw kanina?"

Para naman itong batang nanlaki ang mga mata at ilang beses na umiling. "Hindi ah! Sino nagsabi sayo? Sinungaling 'yun. "

Napatingin ako sa isang waiter. Kumaway naman ito at itinaas ang basag na baso at itinuro si Ervin. Hindi daw nagwala. Pero nakabasag ng apat na baso?

"San ka nakatingin -"

"Wala! " maagap kong sabi at saka maagap na inikot ang ulo niya paharap sa 'kin.

"Mag-kwento ka na lang kung bakit ka naglasing pero 'wag na 'wag ka ng iinom. Pag-uminom ka ng ni-isang patak, iiwan kita dito. Gets mo? "

Tumango naman ito at nagsimulang bumuka ang bibig upang magkwento. Good luck sa eye bags ko nito. Bad trip!

•DiSe_Artemis•

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon