33

231 4 0
                                    

Tease 33

Nakalagpas kami nang checkpoint dahil sa ginawa ko. I smudge my lipstick all over him para magmukhang may ginagawa kaming milagro at hindi na sila magtanong-tanong pa. And eventually, it succeeds.

"So, magkapatid pala kayo ni Ariel. Bakit walang nasasabing article tungkol dun? " i opened a topic.

"Laging sikreto ang buhay ko. Perks of being an actor ika nga. "

"So kilala mo rin ba si Annette? She's close with your brother, alam mo ba yun? "

Naramdaman ko ang paninigas niya. "No, i don't know her," sabi niya at hindi ako tinapunan ng tingin.

I smirked. Kinapa ko ang purse ko at inilabas ang baril ko. "I'm not that patient when it's about Annette. " Naguluhan naman ito sa sinabi ko pero bago pa siya makaalma, nasa sentido niya na ang bunganga ng baril ko.

"What the f*ck?"

I chuckled. "Yeah. The f*ck. Tell me what you know kung ayaw mong pumutok to sa utak mo. "

"You can't do that," he said pero may himig na takot akong naririnig sa tono ng pananalita niya.

"Of course, i can. Hindi naman kita kaano-ano kaya bakit ako matatakot? And dear, if i weren't serious, i shouldn't have brought a gun inside a mall where there's security inspection. I risked everything and killing you is not that big of risking. Now, what do you know about your brother Ariel? Anong totoo niyang ginagawa at anong koneksiyon mo sa kapatid kong si Annette? "

Nanlaki ang mga mata niya. "You're her sister... "

I raised an eyebrow. "Yep. So speak up. Baka maubos 'tong pasensya ko. "

"Bago ang lahat, condolence. " I rolled my eyes. "Tapos na 'yun. Late kang mangondolence," I said cutting him off.

"Pero pwede mo bang ibaba mo muna 'tong baril mo? That shits the hell out of me. "

I shrugged. "Ayoko nga. Kanina rin naman tinutukan ka ng baril eh. Masanay ka na lang. "

"You know? " nanlalaki niyang mata na sabi.

I gritted my teeth. "Oo nga! Pwede ba, magcontinue ka na lang. "

"Fine. My brother is a drug dealer. He likes your sister and so he used your busy time a chance to pursue your sister. Naging sila and i happen to met her. We became friends and she keeps on telling me stories about you and her guy. Nalaman kong si Kuya yun. I tried to be happy for Annette and think that maybe he could change my brother. But i was wrong. He kept on having mistresses kahit may Annette na siya. At mas lalo pa siyang nababaliw dahil gumagamit na rin siya ng drugs. Okay na ba? Now put the gun down! "

"Not yet. Pano ko makakasiguro na totoo ang mga sinasabi mo? " paniniyak ko. I once believe Ariel because he's my colleague and i never question him. Kaya ako nagkamali. And I'm not gonna be stupid like before.

"I have numbers and names of his mistresses. Ako ang kadalasang tumutulong sa kaniya tuwing nagsasabaysabay ang mga babae niya kaya ganun. At ang alam ko, may mga tinatago siyang transaction files sa bahay niya. "

"And Annette's death? "

"Hindi ko sigurado pero sa tingin ko siya ang pumatay sa kapatid mo. "

Ibinaba ko ang baril ko at ibinalik sa purse ko. I felt a pressure coming to my side kaya agad kong sinalag yun. At gulat na gulat naman siya nang hindi tumama ang kamao niya sa mukha ko.

"Nice try, Surf," I just said and look at the streets. "Itabi mo na ang kotse. Bababa na 'ko. "

"Hindi ba natin itutuloy yung nangyaru kanina? "

I giggled fakely. "Ang alin? Yung pagbaril ko? Kung gusto mo, pwede naman. " i said acting like i don't know what he's talking about.

"I change my mind. Wag na pala, " he said at saka itinabi ang kotse. Tinanggal ko naman ang seatbelt ko. "You are different. Kaya pala hindi ka ginawang babae ng kapatid ko. He likes his girls submissive and you're too far to tame easily," he said before opening the door for me.

I smiled. "I know, babe," I said and winked before walking away.

Patay ka sa 'kin, Ariel. Makikita mo ang galit ko.

Nagtingin-tingin ako sa paligid ng dati naming bahay. Gaya pa rin ng dati. Marami pa ring lasinggero at mga chismosa.

Lalagpasan ko na sana ang isang bahay sa amin nang may mapansin ako sa bubong nito. Big shot nga pala may-ari ng bahay nito.

Agad akong nag-doorbell at dinaluhan ako ng isang maid. Iba talaga to. Susyal masyado. Hindi naman kami naka-subdivision pero itong bahay lang to talaga ang bukod tanging magarbo ang bahay.

"Anong kailangan nila? " tanong ng babae.

"Can i ask about your CCTV? Kailan pa yan kinabit? " I said at itinuro pa ang CCTV nila. Yayamanin talaga.

"Tatlong taon po yata, bakit po? "

"Pwede ko bang i-check yung last three years records niyan? "

"Sino yan, Minda? " rinig kong sabi ng isang lalaki na kalalabas lang sa bahay.

Tumaas ang kilay ko at napanganga. "Ikaw ang may-ari ng bahay?"

•DiSe_Artemis•

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon