11

524 30 0
                                    

Tease 11

Pumutok ang balita. Nakulong daw si Carlos Mendiola. Siyempre tuwang tuwa ako. Buti nga sa hayop na 'yan. Kung hindi lang ilegal 'yung ginawa ko, baka pati ako nagreklamo sa kaniya. Pero ayos na 'yun. At least, nakulong na siya.

"Ann, may naghahanap sayo. Malaki yung ano niya," biglang sabi ni Rose.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Rose, yung bibig mo! " inis kong sabi.

She looked at me innocently. "What? Malaki naman talaga yung katawan niya ah?" Humagikhik pa siya. "Congratulations nga pala," seryosong sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. This time, I could really smile genuinely at them. Hindi na ko masyadong nasasaktan.

Lumabas ako ng kitchen at tumingin sa paligid. Parang wala namang naghahanap sa 'kin e. Si Rose talaga. Baka ginu-good time na naman ako ng babaeng yun.

"Ann. "

Napalingon ako sa paligid at nakita ang nakangising mukha ni Ervin. He walked towards me. Bakit parang gumagwapo siya sa paningin ko. Naka-disguise siya pero lutang na lutang ang gandang lalaki niya.

"Para sa 'yo," sabi niya at pinakita ang bonquet of roses na nasa likuran niya kanina.

Napanganga ako at inabot 'yun. Inamoy ko pa 'yun. Ang bango. Mukhang mahal to a.

"Para san to? " tanong ko. Anong nakain niya at may pabulaklak siya?

"Isn't obvious, Annleigh? I'm courting you," he straightly said.

Napamaang ako at hindi ko alam kung anong irereact. My heart beats fast. Nakakagulat naman kasi. Parang last time lang may nakita akong kahalikan---teka.

"Don't me, Alvarez. Ligaw ka diyan. Parang last time lang may kahalikan kang nurse tas ngayon manliligaw ka? Anong hinithit mo? Sumuko ka na lang, Ervin. Your family and i will still accept you after that okay? Gusto mo bang samahan kitang magparehab-"

Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko dahil bigla na lang siyang mas lumapit pa sa 'kin at hinigit ako sa batok. He crushed his lips to mine. But there's something different about his lips. He kiss tenderly and full of passion. Feeling ko tuloy ang haba ng buhok ko. I feel like a princess who's having her happy ending.

He stopped kissing me. He looked directly to my eyes. "I like you, no-- I'm inlove with you, Ann." He caressed my cheek. "Palagi kang nasa isip ko. Minsan nga naiinis na ko, kasi dapat landian lang ang meron sa 'tin e. You tease me, I tease you. We kiss and make out, and that's it. Pero ayoko na ng ganun. I easily got mad at my brother when he calls you babe. Ako lang dapat kasi yun e. I can't help but to feel jealous every time other guys went near you. Ni ayaw ko ngang tumitingin sila sa 'yo e. And then, about my mom. I felt your care. Gustong gusto ko yung inaalagaan mo ko. You know how to tease but also know how to be matured enough and make me feel loved. Oo, aaminin ko. Playboy talaga 'ko. But lately, hindi na tumatalab sa 'kin yung panlalandi ng ibang babae. Whenever I kissed someone else, I feel like I'm cheating on you. I tried it too in the hospital. The nursed kissed me. I promise, hindi ko talaga siya gusto. Naiinis din ako sayo nung nagkakilala kayo ng malandi kong kapatid kaya sinubukan kong patulan 'yung babae. But I can't feel any excitement while kissing her. Ni wala akong naramdaman. That's when it hits me. I got bad, babe." Dumamping muli ang labi niya sa labi ko, pero mabilis lang. "You got me bad, babe. I'm damn smitten to you. "

"I'm... speechless," nasabi ko na lang.

He chuckled and hold me in my waist while pressing me to his body. "I know. Ang gwapo ko kasi eh. Kinilig ka no? " he said and wiggled his eyebrows.

I pouted and slap his arm. "Ang hangin mo, Alvarez! "

"Pero kinakikiligan mo, Mrs. Alvarez," he said and winked.

I felt my cheeks burned. Oo na, kinilig na 'ko. Bakit ba? Ang gwapo niya naman kasi talaga. Tas ang sweet pa niya. Akalain mong maiinlove pa pala sa 'kin tong mokong na to.

💛

Napangiti ako nang makita ang bulaklak na nasa table. Isa na namang bulaklak galing kay Ervin. He's really sweet and charming.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Ervin.

"Did you receive the flowers? I hope you like it. I love you, babe. Fetch you later. I miss you already. "

Kumunot ang noo ko nang parang nagsasalita ang isip ko.

"Ang sweet naman ni Ervin. Or more on, malandi. "

Napatingin ako sa gilid ko. Nakikibasa rin pala si Ylaina. Bwisit na to! Akala ko nagsasalita yung isip ko habang binabasa yung message ni Ervin.

"Ylaina!! " sigaw ko sa kaniya.

"Aray naman, besh! Bakit ka ba sumisigaw?! Nandito lang ako sa tabi mo no! " inis niyang sabi.

"Eh bakit kasi nakikibasa ka ng message ng may message?"

"Galit ka na niyan? Kinilig ka lang e. "

Namula naman ako sa sinabi niya. Oo na, ako na 'yung kinilig.

"Bakit ka ba nandito? Dun ka nga sa labas," pagtataboy ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya. "Eh ba't ikaw? 'Di ba waitress ka? Bakit nasa loob ka ng kitchen? Don't tell me, iniiwasan mong magbigay ng extre service no? Yiiee... Loyal siya kay Ervin. Hindi na nakikipaglaplapan sa iba. "

Mas lalo akong namula. Pucha! "Yang bibig mo, Ylaina! " naeeskandalo kong sabi.

"Eto naman, padalagang pilipina! Nililigawan ka lang ni Irbin, mahinhin na ang peg. Fyi no! Ikaw kaya yung mas walang filter sa 'tin dati. "

Inirapan ko lang siya. "Edi wow! Dun ka na nga. Iniistorbo mo ko sa pagluluto! "

Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kaniya. "Ano ba, Ylaina! Masakit a! "

She rolled her eyes at me. "Gaga! Luto na yung order mo no! Anong niluluto ka diyan? " sabi pa niya at saka umalis.

Basag trip tong babaeng 'to!

•DiSe_Artemis•

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon