6

594 45 0
                                    

Tease 6

Bagsak na ngayon si Ervin sa counter table. Hindi dahil sa kalasingan kundi dahil sa suntok ko. Iniinda ko pa nga rin ngayon yung kamao ko eh. Ang tigas ng mukha niya.

Masyado na kasi siyang na-carried away sa kwento niya. Nagkaroon na ng times na galit na galit siya tas biglang may sumingit na lalaki sa usapan kaya sinuntok niya. Nagsuntukan sila at halos masira na yung mukha nung kaaway niya. At ang loko, ayaw pa rin magpapigil. Kaya nawalan na ko ng choice kundi ako na mismo ang sumuntok sa kaniya na ikinahimatay niya.

"Patay po kayo, Ma'am. Nakapanjama pa man din kayo, e mas malakas pa pala kayo sumuntok sa iba e. Baka kasuhan kayo ni Sir pagkagising niya. "

Sinamaan ko ng tingin ang waiter. Eto rin yung tumawag sa 'kin sa cellphone kanina e at mukhang siya ang personal waiter ni Ervin. Ang sosyal.

"Tumahimik ka nga diyan! Kasalanan mo yan e. Bakit mo kasi sinabi dun sa lalaking puro pierce kung saan ako pumunta? Ayan tuloy, nakipagsuntukan. Hindi pa maawat. Kaya ikaw talaga dapat ang sisihin dito! "

"Hindi po a! Kayo naman kasi Miss e. Sineduce mo kasi yung porenger kaya ayun hinanap ka. Tsaka hindi kasi ako sinungaling. "

"Ewan ko sa 'yo! Magtawag ka na nga lang ng taxi at nang makauwi na 'tong lalaking 'to. "

Ngumisi lamang ang waiter at nagsalute saka nagmartsa paalis. Ang kulit din nong waiter na yun. Daming dada e. Dami knows.

I looked at Ervin who is now sleeping soundly. Halata ang itim sa baba ng mata nito. Kulang ba lagi sa tulog ang mga artista? O siguro dahil sa pag-iintindi niya sa pamilya niya?

Hinaplos ko ang buhok nito at naalimpungatan naman ito. Ngumisi ito ng parang bata sa akin. "Babe," he said and kissed my lips before going back to sleep. I was astonished from my chair. Did he just-

"Miss! Tama na po yang panghahalay niyo kay Sir. Tuloy niyo na lang po sa condo niya," sigaw ng waiter na kakapasok lang.

I tsked and gave him a 'f*ck you' sign. Puro talk shit talaga tong lalaking to. Ako pa talaga ang nanghahalay? Yung boss niya kaya ang bigla-bigla na lang nanghahalik.

"Manyak," bulong ko. Bigla naman siyang ngumiti at bumalik muli sa seryosong mukha habang tulog. Alam niya talaga ang nickname niya.

💛

I woke up in a very soft and fluffy bed. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakitang nakasiksik sa akin si Ervin. Mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa leeg ko. Hahayaan ko na sana, kaso biglang tumaas yung kamay niya saka dumapo sa hinaharap ko. Hindi pa siya nakuntento, marahan niya pang pinisil yun.

Nainis ako at saka malakas na hinampas ang kamay niya. Napadaing naman siya. "Aray! Aga-aga, nananakit ka," sabi niya ngunit bagkus na lumayo sa 'kin. Yumakap lang siya ulit sa akin.

"Aga-aga, yung kamay mo rin kasi kung saan-saan dumadapo! " sigaw ko sa kaniya.

I heard his soft chuckle and suddenly lick my neck. "Sorry, can't help it."

Lumayo naman ako sa kaniya. "Yak! Kadiri ka, Alvarez! Hindi ka pa nagto-toothbrush tas mandidila ka bigla. Grr... " sabi ko at pinagpupunas ang laway niya.

Tumayo ako at saka pinagpagan ang suot ko. Nakapanjama pa rin ako kung kaya't komportableng komportable ako. Kaso nga lang... shookt!

Tumingin ako sa paligid at hinanap ang importanteng bagay sa buhay ko. Asan na yun? Nilapag ko lang yun kanina sa bed side table ah? Bakit ngayon wala na?

Yumuko pa ako at tiningnan kung nasa baba pa yun ng kama. Asan na ba kasi 'yun? I heard Ervin's chuckles and i care less. May mas importante akong kailangan asikasuhin.

"Psst! "

"Aray! " daing ko dahil sakit ng untog ko sa kama. Umalis ako sa baba at sinamaan ng tingin si Ervin. "Leche ka! Sinong nagsabing pwede mong kalabitin ang pwet ko?! Manyak! "

He just chuckled. "Says who? Says me, babe. Uhm... Eto ba yung..." inangat niya ang kamay niya at nalaglag ang panga ko nang makita ang hawak niya. "hinahanap mo? "

Damn!

He smirked and examine my brassiere. "Nice cup, babe. "

Mabilis kong hinila sa kamay niya ang bra ko at pumasok sa CR. Maagap ko namang sinuot yung bra ko at saka lumabas.

Ervin is still waiting for me outside with an evil grin plastered on his face. My face turn red from embarrassment.

"Wala kang nakita! " sigaw ko at saka lumabas ng kwarto.

Kumalam ang sikmura ko kaya dumiretsyo ako sa kusina. Ayos! Nakakita ako ng itlog, ham, bacon at hotdog sa loob ng ref. Bad news! Wala namang kanin.

Tumingin ako sa iba pang drawer. Buti na lang at may harina at iba pang sangkap dito. Pancake na lang. Kailangan ko ng carbs eh.

Nagsimula na kong maghalo at niluto ang pancake mixture. Kaso parang nakulangan ako. Binuksan kong muli ang ref at kumuha ng hotdog at bacon. Pinirito ko na rin at saka nag-ayos ng plato, utensils at baso. Okay na!

"Such a lovely scene, babe. "

Napatingin ako dito. "Huh? " Anong maganda sa nakikita niya? Bukod na sa maganda 'ko at maganda ngang makitang nagluluto ako, baka nga maganda talaga. Ang ganda ko e.

Nakangiti itong napailing. "Nothing. You cooked? "

"Ay, hindi. Si Crisel yung nagluto. "

"Crisel? Is that one of my fling? "

Napa-tsk ako. "Babaero. "

"Lalakero, " balik niya sa 'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "And so? "

"And so din na babaero 'ko?"

Natawa na lamang kaming dalawa. Babaero at lalakero. 'Yun nga talaga kami.

Hindi ko namalayan at bigla na lang syang nasa harap ko na. He attacked my lips and kiss aggressively. And I was kissing him back with the same fevor.

•DiSe_Artemis•
Malalandi talaga yung characters ko dito. 😑

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon