Tease 10
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I woke up seeing a white ceiling with black curtains on each window. Gumalaw ako ng kaunti, ngunit nakaramdam ako ng sakit sa gitna ng mga hita ko.
Napatigil ako at inalala ang nangyari kagabi. Para akong naubusan ng dugo nang maalala ko si Carlos. Damn! He drugged me!
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawi ang kumot. I cried when saw my panties with blood stain. No. Bakit nangyari sa 'kin to?
Napasabunot ako sa aking sarili at dali-daling tumayo at naghanap ng maisusuot. Lutang ako sa bawat hakbang na aking ginagawa. I can't accept this. No... My... Yung iniingatan ko. Eto na nga lang ang meron ako, nawala pa. Why does god let this happen to me?
Umiiyak akong lumabas ng condo at mabilis na tumakbo papalabas ng building na yun. I saw the way everyone looked at me. And i don't know how i survived not to cry in front of them.
Nakasakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. I saw my sister waiting for me. Nakapanjama pa siya at mukhang kagigising lang.
Pagkalabas ko ay agad ko siyang niyakap. Huwag mo kong tularan, Annette. Ang dumi ko ng babae.
"Ate, bakit? "
I sighed and hold my tears before smiling at her. "Wala kasi akong pambayad ng taxi, sis. Bayaran mo naman para sa 'kin o," sabi ko at hindi ko kinaya ang ngiti ko. Umalis kaagad ako sa harap niya at saka pumasok sa bahay.
Nagkulong ako sa kwarto at doon umiyak ng tahimik. Sinubukan akong kausapin ni Annette pero sinasabi ko na lang na kailangan kong mag-isa. Nagjo-joke pa ko na pino-problema ko yung mga lalaki ko at iniisip ko kung anong gagawin ko sa kanila.
Damn! Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako naging careless, edi sana, virgin pa rin ako ngayon. Kainis! Ang tanga-tanga ko.
💛
I went to work at agad akong nilapitan nila Rose. They all hugged me at halos matumba ko sa lakas ng impact.
"Anong trip niyo, mga besh? " natatawa kong sabi.
"Hindi ka na virgin 'no? "
Naubo naman ako bigla at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Ylaina. "What the f*ck, besh!? "
It's Ylaina's turn to jaw drop. Hinila niya ako sa loob ng staff room at pinaupo. Inikutan nila akong tatlo na parang may kaso akong kinakaharap.
"Who's the guy? " —Ylaina.
"Malaki ba? " nanlalaking mga matang sabi ni Rose.
Namula naman ako. "Rose! Yang bibig mo! "
Nagkibit balikat naman siya. "Bakit ba? Tinatanong ko lang nama kung malaki yung katawan niya. Baka kasi pandak eh. "
"Hay naku! Tumigil ka nga, Rose. Kita mo ng problemado tong kaibigan natin, isisingit mo pa yang malaki na yan. " sabi ni Mina bago hampasin sa balikat si Rose. Umaray naman ang isa tas sabay tingin pabalik sa akin ni Mina. "Malaki nga ba? "
Napatakip ako sa mukha. "Ewan ko, okay? " inis kong sabi.
"Hindi mo tiningnan?" parang gulat namang sabi ni Ylaina.
Napahilamos ako ng mukha. "Hindi ko maalala! "
"Sa sobrang sarap, hindi mo na maalala kung gano kalaki... 'yung katawan niya? " sabi ni Rose.
"Akala ko 'yung... Argh! Tumigil nga kayo! " inis kong sabi.
Tumawa lang sila. "Pinapatawa ka lang namin, besh. Chill ka lang. " —Ylaina.
"Guys... " pukaw ko sa kanila habang tawa sila ng tawa.
"Guys.. "
I rolled my eyes. "Mga besh!! "
"Ano ba yun? " sabay nilang sabi.
I sighed and tears started to form again from my eyes. "I was... drugged. "
I finally said it. Nakarinig ako ng kalabog ng mga gamit. I saw how their mouth fell.
"Hindi nga!? " sabay-sabay nilang sabi.
Napa-face palm ako ng wala sa oras. "Mukha bang nagbibiro ako? "
"Pano nangyari yun? Gaga! Baka naman, imagination mo lang 'yan. " —Ylaina.
"Totoo nga! "
"So anong plano mo? " —Mina.
Napaisip ako. Ano nga bang gagawin ko? Kapag nireklamo ko siya sa pulis, maraming mauungkat. Baka malaman pa nila yung klase ng trabaho ko. Pero kung hindi ko naman irereklamo, paano naman yung nawala kong puri? Virginity ko ang pinag-uusapan dito.
I'm hopeless. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"You're crying. "
Napatingin ako kay Rose at kinapa ko naman ang pisngi ko. May luha nga.
"Shutanghina! Napapa-english ka, Rose ah! " sabi naman ni Ylaina.
Binatukan naman siya ni Mina. "Tumigil ka nga muna, Yla. Yung problema muna ni Ann yung isipin natin. "
Ylaina pouted and rub her head. "Sorry naman. Edi ipademanda na lang ni Ann yung lalaki. Tapos ang usapan. "
Umiling ako. "Hindi pwede. "
Kumunot naman ang noo niya. "Bakit naman? Don't tell me, labidabs mo yung nan-rape sayo? "
Nanlaki ang mga mata ko. "Siyempre hindi! Ano ba, Yla!? Kainis ka. "
"Eh bakit nga kasi ayaw mo idemanda? "
"Because I had made something illegal that couldn't be known by the authority. That could put not only the rapist in cell but I too. "
Nalaglag ang mga panga nila.
"Oh my ghad. "—Rose.
"Kagila-gilalas! "—Mina.
"Pakshet! English! Di ko masyadong getz! "—Ylaina.
"Tama ka diyan! "—Rose at Mina.
•DiSe_Artemis•
BINABASA MO ANG
Tease your Heart ✔
ChickLitDJC Series #2: Annleigh Erica Dizon Teasing with every boys was all she wanted before, but she ended up falling for a playboy. She gave everything, even her most precious body. But her life changed when he chose his career instead of her. She broke...