Tease 8
I saw Ervin kissing a nurse. I felt a pinch but i didn't mind it. Pake ko naman sa buhay niya. Wala namang kwenta yun e.
"Ervin," tawag ko rito.
Agad itong humiwalay sa nurse at gulat na tumingin sa 'kin. Para naman siyang takot na takot na makita ko. Grabe 'tong lalaking 'to. Hindi naman ako paparazzi para katakutan niya.
"Ann, let me explain-"
Kumunot naman ang noo ko. "Para saan? Wag na 'no. Tara na. Hindi na galit yung Nanay mo sa 'yo. "
Mabilis siyang lumapit sa akin na hindi man lang tumitingin dun sa kahalikan niya kanina. Pakboy talaga ang lintek. Buset!
Pumasok kaming muli sa kwarto at kunot noong nakatingin sa amin si Mudra ni Ervin. "Bakit ang tagal niyo? "
Bago pa makapagsalita si Ervin nauna na ko. "Lumandi pa po kasi siya sa isang nurse. Natagalan 'yung churvaness nila," dire-diretsyo kong sabi.
"Ervin Michael Alvarez! " galit na sabi ni Mudra niya.
Humagalpak naman ng tawa si Eric na prente lang nakaupo sa couch. "The best ka talaga, babe! Kaya gustong-gusto kita e. Ang galing mo manlaglag sa Kuya ko," sabi pa niya.
I smirked and wink at him. "I know right? " I said laugh with him. Kinuha ko naman yung bag ko sa gilid niya. He gave me his wicked grin while looking at my lips. Malandi!
"I need to go na, Mudra. Baka hinahanap na ko ng kapatid ko. Tiyaka may trabaho pa kong dapat na pasukan. " lumapit ako sa kaniya at hinagod ang buhok niya. "Don't forget to drink your medicines and our little secret, okay? "
Kahit masungit, nag-thumbs up pa rin ito sa 'kin. Natawa na lang ako sa inasta niya. "Take care, Mudra. Ba-boosshh! " i said before closing the door.
Napahinga ako ng malalim bago umalis. Nakita ko naman ang nurse na kahalikan kanina ni Ervin. Masama ang mga tingin niya sa 'kin. Nagalit yata kasi inistorbo ko sila sa ginagawa nila kanina. Tse! 'La ko pakels sa 'yo!
Nag-ring ang phone ko at agad ko naman yun sinagot. "Yes? Annleigh speaking. "
"I have another job for you."
Napangisi naman ako. "Really? " i said with so much excitement.
"Yep, let's meet."
"Okay. Just I'll text you where our place will be," I said.
Natahimik ng ilang sandali ang linya. "At bakit ikaw ang mamimili ng lugar?"
I giggled. This guy is really demanding. "Because I'm the girl, boy. Be a gentleman and let me choose our dating place okay? " sabi ko at bago pa siya makasagot, binabaan ko na siya.
💛
Nakita ko ang pag-aantay sa 'kin ni Ariel sa table. Seryoso ang mukha niya at parang ang lalim ng iniisip.
"Hey, Ariel! Kamusta? " i greeted him and sat on the chair infront of him.
"We need to talk. "
"Oo nga, 'di ba sinabi mo na yan kanina sa phone? "
Sumama ang tingin nito at natawa na lamang ako at nag-peace sign. "So anong atin ngayon? "
He coughed and showed me a brown envelope. Napangisi naman ako dahil sa excitement. I opened the envelope and saw all the information about Carlos Mendiola. Pure Filipino but full of charisma and very handsome. Wow. He's an exact example of makalaglag panty. But... I know someone who's hotter than him.
"The usual thing we do. We go to the bar. You seduce him and then we'll spread the video of him in all social medias. But there is something odd about this guy. "
"What? " i asked while still looking at the papers.
"He's into BDSM. Those he dated always happen to have bruises and... "
Napatingin ako sa kaniya ng hindi niya natapos ang sinabi niya. "And what? "
"I found out that there is a rumor about him that he rapes women. "
Bumagsak ang panga ko. "You want me to be raped?!"
"Of course not! I'm just telling you this so you could be cautious. "
Napahinga naman ako ng malalim. "Ahh owkie! " nakangiti ko nang sabi. Kinabahan ako dun ah. Kala ko naman, pati yung raping rumor niya kailangan mangyari rin sa 'kin bilang patunay.
"Kailan natin gagawin? "
"Weekend. I'll fetch you from your house. Ikaw nang bahala magpaalam kay Annette ko. "
"Ano? " I said while I'm raising my left eye brow. Napahawak ako sa maliit na kutsilyo at pinaikot ko yung talim sa daliri ko nang hindi ako nasusugatan. "May sinasabi ka ba, Arielito Isagano? "
Napalunok naman siya. "W-wala a-h! "
I smirked and stabbed the table. Nanginig siya ng makita niyang bumaon sa table ang kutsilyo. "Buti naman."
"Waiter! " malakas kong sigaw at mabilis namang lumapit sa 'kin yung waiter.
"Ano po yun, miss? "
"Gusto ko ng beef steak. Yung sa tingin ko palang natutunaw na agad para wala ng ibang isipan na kalokohan tungkol sa kapatid ko. Tiyaka, matapang na wine! Pero gusto ko yung nawawala yung tapang pag-ako na ang kaharap. Yung alam niya na kaagad ang kahihinatnan niya kapag may nagawa siyang mali. " madiin kong sabi habang pinapatay ng tingin si Ariel.
Napalunok naman ito at namutla. Nakita ko rin ang pagkintab ng noo niya hudyat na pinagpapawisan na siya kahit de aircon yung restaurant.
"Ann naman... / O-okay po, M-iss. " sabay na sabi nila ng waiter.
Pati pala waiter natakot sa awra ko. Dapat lang 'no! Kahit may pagka-flirt ako, marunong ako makipag-away. Lalo na kapag kapatid ko ang nadadamay.
•DiSe_Artemis•
BINABASA MO ANG
Tease your Heart ✔
ChickLitDJC Series #2: Annleigh Erica Dizon Teasing with every boys was all she wanted before, but she ended up falling for a playboy. She gave everything, even her most precious body. But her life changed when he chose his career instead of her. She broke...