17

435 32 1
                                    

Tease 17

Napahagikhik ako nang may lumapit na naman sa aking lalaki. Sobrang ganda ko ba para pilahan ng mga boys? Damn! Eto na siguro yung tinatawag nilang ganda problems. Ang dami ko ng problema sa buhay, dumadagdag pa tong mga to. Hay... Ika nga ni Marian Rivera dun sa movie niya dati, 'mahirap talagang maging maganda'.

"Hi, i can see that you're alone. Want some company? " sabi ng lalaking kaharap ko ngayon.

Ngumisi ako at sininok. "A company? Of course, i want. Basta mataas ang profit ah? Ayoko nung palugi na. " sabi ko at humagikhik pa. Ngunit mukhang hindi niya naintindihan yung joke ko. Tss. Major turn off! "Anyways, I'm not alone. My friends are there and there," I said pointing out to my two friends who's having also some 'company'.

Bentang-benta yung ganda namin dito sa bar. Hindi na kami makapag-usap ng tatlo dahil sa mga lalaking lumalapit.

"Ohh... So, grupo pala kayo ng magaganda," he said and made his voice husky. Tss. Hindi naman ganun ka-sexy anh dating sa 'kin ng boses niya.

"Yeah. And I'm sorry but I'm not in my mood to accept your company. Find someone else," diretso kong sabi at uminom muli ng alak. Sinitsitan ko anh dalawa na lumapit sa 'kin. At ang feelingera ng mga lalaki nila. Pati sila, tumitingin.

"Thanks, besh," sabi ni Mina at pangisi-ngisi naman si Rose habang inaayos yung upo sa tabi ko. Para talagang bata kapag nalalasing.

"Welcome," I said and cheers with their glasses.

"So anong problema mo? Sabihin mo na. Halatang problemado ka rin e."

"Mina talaga," usal ni Rose at biglang nagsalita sa tenga ni Mina. " 'Di ba nga, inagawan ko siya ng linya kanina? May problema talaga siya. "

That was supposed to be whisper pero wala na talaga sa tamang wisyo si Rose. Ang lakas ng boses niya.

Umakto ring bubulong si Mina pabalik kay Rose. Para namang nagningning ang mga mata niya at excited pang makipagbulungan.

"Alam ko! " malakas ding sigaw ni Mina.

"Aray ko! " daing naman ni Rose.

Natawa na lamang ako sa kanila. I cleared my throat. "Someone visited me on my house. She threatened me that I should leave Ervin alone. "

"ANO?!" —Rose.

"Pumayag ka? "—Mina.

"Of course not! Siyempre sa ganda kong to, hindi ako pumayag-"

"Walang connect, besh! " parang batang sigaw ni Rose.

Nalukot ang mukha ko at piningot ang tenga niya. "Wala kang pake! Kunwari may connect! Ano magkukwento pa ba ko!? "

"Wahh!! Oo na, magkwento ka na. Bitawan mo na rin yung tenga ko. "

Binitawan ko naman ito at napabuntong hininga. "She told me that Ervin would dump me anyway-"

"Aba't ang kapal-"

"Rose! " babala ko.

Nagpeace sign ito at humagikhik. "Peace yow! Continue po. "

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon