Tease 32
Nakita ko si Ariel sa DJ's Cafe. I was about to approach him but a girl went in and kiss him savagely. Yak ah. Dito pa talaga sila naglap-lapan. Akala ko pa naman dati, si Annette ang gusto niya.
Nagdesisyon akong pumunta muna sa ibang lugar bago bumalik dun sa Cafe. Gusto ko pa naman sanang kamustahin si Mrs. Deandra
I watched movie in cinema. As usual, malamig dun. Ano bang bago? Nakakahiya naman kung mainit 'di ba? Parang ang poor ng sinehan kapag ganun.
Unfortunately, Ervin is one of the cast. Mabait siya sa movie. Hindi mukhang babaero, perfect boyfriend ang character niya. Kalokohan! Ang galing talaga umarte ng lalaking yun.
May paiyak-iyak pa, kala mo naman kinagwapo niya 'yun. Ano, tingin niya cute siya? Excuse me! Suntukin ko 'yang fake niyang ilong e.
Eto namang ka-love team niya, napakapabebe. Bakit ba nasa top list tong movie na to? Hindi naman maganda. Puro iyakan lang. Dapat nagdrama-rama na lang sila sa hapon. Mas yayaman pa sila nun.
At sa wakas, ending na. Magki-kiss na sila and i rolled my eyes when i heard the tilians. Ingay!
Sabay-sabay din silang napa-aww nang hindi pinakita yung paglapat ng mga labi nila. Parang tanga. Nagkiss sila below the umbrella. Pucha. Ang corny.
Lumabas na ko ng sinehan. Alangan namang dun na lang ako buong araw no? Hindi naman ako ganun ka-obsess sa movie para panoodin yun ng paulit-ulit.
Nakita ko na naman si Ariel. Ano ba tong lalaking to? Kanina lang nasa cafe pa. Ngayon naman, nandito na siya sa isang restaurant. At take note! May bagong chix. Ganun na ba siya ka-gwapo kaya andami niya nang girls? Bulag much ba sila?
Ah ewan. O siguro sadyang hindi ko lang talaga napapansin si Ariel kaya siguro hindi ako naga-gwapuhan sa kaniya. Ewan ko ba. Para sa 'kin, ordinaryo lang ang mukha niya.
Aalis na lang sana ako at pupunta sa Cafe kaso biglang may dumating na mukhang snatcher. Opx. Joke lang pala. Yung kapatid niya rin palang sabon yung dumating. Si Surf.
Hinila ni Surf yung braso nung babae pero hindi pumayag yung babae. Nagpumiglas siya at ayun, hindi tumalab ang pagiging artista ni Surf at mas pinili si Ariel. Awts. Wawa naman.
Nagtinginan na lang sila ng masama ni Ariel at parang brother's code na nila. Tumayo na si Ariel at sumunod kay Surf.
Muntik na 'kong matapilok nang pumunta sila sa labasan at unfortunately, nasa labas lang ako. Hindi tuloy ako magkandaugaga sa pagtago. Ang ending, nagpa-picture ako sa statue ni Jollibee na nasa katabi lang ng restaurant. Muntanga lang.
Gusto ko sanang bumawas sa mga chismosa na pinoy. Pero hindi ko napigilan. I followed them but still have distance from them. 'Yung bang tanaw ko pa sila.
Natapos sila sa paglalakad hanggang maabot nila ang parking space. Wow. Bagong place. Minsan lang talaga to nangyayari sa pelikula eh. Hay nako...
"What the f*ck are you doing? " galit na sabi ni Surf.
Ngumisi lang si Ariel sa kaniya. Parang hindi siya yung kilala kong Ariel sa kinikilos niya. "Dating? "
"Stay away from her, Kuya! Wag mo na siyang paglaruan. Kapatid mo 'ko, kaya please lang, makinig ka sa 'kin. "
"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ikaw ba, nakinig sa 'kin nung sinabi kong layuan mo si Annette nun? "
Doon ako naging alarma. Annette is involve. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang recorder. Ebidensya din 'to.
"That's because she's my friend! Nakikita ko na nabubuhay siya sa kasinungalingan mo kaya sinabi ko sa kaniya. Mabait siya at ayokong masira ang buhay niya nang dahil lang sa 'yo. "
Kumunot ang noo ko. Friend?
Tumawa nang malakas si Ariel. "Bakit, hindi rin ba nasira ang buhay niya ngayon? Wala na nga siyang buhay ngayon e! "
"That's because you killed her! Galit na galit ako sa 'yo pero hindi ko magawang isumbong ka kasi kapatid kita. Pwede kang mapahawak sa pinaggagawa mo. Itigil mo na kasi to! Stay away from her, or any of your girls. Stay with one girl, pwede? One at a time lang. Wag mo sila pagsabay-sabayin! At wag ka na ulit papatay pa. Ikaw ang unang nagloko kaya wag kang magalit sa kanila dahil lang sa nakahanap sila ng iba-"
A gunshot was fired. Gulat na gulat naman ako pero nai-stay ko pa rin ang posture ko. Hindi ako pwede mag-ingay. Kahit gustong-gusto ko nang patayin si Ariel. Pinagkatiwalaan ko siya e. Ginago niya lang pala ko. Tangna niya!
"Tumahimik ka na! Ako ang kuya dito, kaya wag kang pabibo! Ano naman kung pinatay ko siya? Wag kang mangealam kung ayaw mong ikaw ang mamatay. "
"Pero magkapatid tayo! Ano ba, tol-"
"Sinabi nang wag mo kong inisin e! " itinapat niya ang bunganga ng baril sa noo ni Surf. "Uulitin ko. Wag na wag mo na ulit akong pakikialaman. " he said before going inside a gray car at saka sumibat.
Nakarinig naman ako ng wangwang. At gaya ni Ariel kanina, agad na pumasok ng kotse si Surf at bago pa niya maisara yung pinto, pumasok na rin ako. I can't just let my witness away, right?
"What the-"
Mabilis akong lumipat sa passenger seat. "Just drive," I said and put my seatbelts on.
Kaso bago kami makaalis sa parking, nasa labas na ang mga pulis at mukhang nag-iimbestiga na. Iba rin ang mga tingin ng nagbabantay sa gate. Talagang ini-inspection ang bawat kotse.
"Sh*t! Baka madawit ako neto," bulong ni Surf pero umabot sa pandinig ko.
Mabilis akong nag-isip ng palusot. May naisip naman ako kaso medyo nakakakilabot. Tinanggal ko ang seatbelt ko at saka umupo sa kandungan ni Surf.
"Lipat dun," I said at mukhang wala pa yata siyang balak na gumalaw. "Bilisan mo na nga lang! " sigaw ko at saka naman siya dali-daling lumipat. Itinabi ko ang kotse muna.
"Why did you stop? " gulat na sabi niya.
Hinawakan ko ang batok nito at saka hinalikan. One mission for me. Let my lipstick to smudge on his face and collar.
My ghad! Kataas ng balahibo!
•DiSe_Artemis•
BINABASA MO ANG
Tease your Heart ✔
ChickLitDJC Series #2: Annleigh Erica Dizon Teasing with every boys was all she wanted before, but she ended up falling for a playboy. She gave everything, even her most precious body. But her life changed when he chose his career instead of her. She broke...