14

468 30 0
                                    

Tease 14

Kami na ni Ervin. Yep. Hindi ko na masyadong pinatagal. Nang umabot kami ng three months sinagot ko rin siya. I recall it clearly. Sinagot ko siya at exactly 3 months, Third day on that month, and 8 pm. The three things were meant as the three words that means I love you. And eight, just like eight letters on 'I love you'. Medyo corny pero bakit ba? Minsan lang ako mainlove. Of course i wanted it to be romantic and memorable.

"Ang ganda ng ngiti natin ah? " rinig kong sabi ni Ylaina sa tabi ko. She wiggled her eyebrows at me and eyed the frappe i was holding. "Baka lumamig na yan sa kakadaydream mo ah. Aba, besh. Hindi pwede yan. Pano na yung future niyo ni Erbin kung masisisante ka? "

I smirked. "That's okay. Marami namang savings ang boyfriend ko. Mabubuhay pa rin kami. " pagmamalaki ko naman.

Sinimangutan naman niya ko at inirapan. "Buset ka, Ann! Edi ikaw na may love life. "

I giggled and playfully tease her waist. "Sabi ko naman kasi sayo, landiin mo din si Austine para kayo na. Kita mo naman tong nangyari sa buhay ko. Happily-"

"Subukan mong idugtong diyan ang married, matitiris talaga kita, Ann. Huwag kang advance mag-isip. Magjowa palang kayo. "

I laughed. "I was about to say happily inlove, besh. Ikaw talaga. Iniiba mo lang yung usapan eh. So kamusta naman kayo ni Austine ah? Napakagwapo nun. Huwag mo na pakawalan, besh. " pang-uudyok ko sa kaniya.

Natahimik naman ito. Don't tell me... In love na din siya dun kay Austine?!

"Austine is... very much in love with Michelle, " seryoso niyang saad.

"Michelle? Yung fashion designer? " i sighed. "Talo ka nga, besh. Ang ganda pa naman nun tas ang sexy pa. Mahinhin pa daw at kala mo kung perpekto. Sige, wag ka na lang pala dun kay Austine, besh. " pag-iiba ko ng isip.

She snorted. "Wow, besh. Thank you ah? Napi-feel ko yung support mo e. Nakakalakas ka ng loob e. "

Tumawa naman ako. Malabo rin to eh. "E akala ko ba, di mo siya type? Bakit parang gusto mong i-push pa kita dun kay Austine?" I made a huge grin. "Umamin ka nga, besh. " sinundot-sundot ko yung bewang niya. "In love ka na rin 'no? "

She remained but i could see a hint of tint in her cheeks. Bago ko pa siya maasar, sumigaw na si Rose mula sa labas.

"Yung frappe, Annleigh! "

"Yung frappe daw. Alis na nga, Ann," biglang sabi naman niya. Sayang! Hindi ko maaasar.

"Asus! In denial ang bakla," sabi ko na lang bago lumabas ng kwarto.

I plastered a smile on my face while walking towards the bunch of boys waiting for their orders. Damn! Eto talaga yung dahilan kung bakit antagal ko sa loob eh. Sila yung nilandi ko dati. Packing tape! Hindi na ko pwede mag-extra service.

Nakakapanghinayang 'yung perang dapat makukuha ko. Pero kung yung relasyon naman namin ni Ervin ang mapupunta sa alanganin, mas okay na kung wala ng extra service. Goodbye laplap na ko ngayon. Nagbabagong buhay na.

"Hi, Ann! " sabay-sabay nilang sabi. May iilan ding kumindat sa akin sa table na yun.

"Hi, guys! Eto na yung order niyo. May iba pa ba kayong gusto? " i tried to act like my usual self.

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon