16

443 28 0
                                    

Tease 16

Hapon na nang magising ako. At dahil yun sa tawag mula sa cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ang caller ID. Si Mina pala 'to.

Nakatulugan ko yung pag-iisip tungkol kay Ervin. There are so many what ifs in my life. My ghad. Naiinis din ako sa kaniya. Feeling naman ni Ervin, virgin pa siya. Duh! Bakit ba kasi mas gusto niya yung virgin as a bride? I am thinking too much because i know that i already fell for him. Mahal na mahal ko siya. And I'm scared that if ever we got our wedding and then the honeymoon and he finds out that I'm no longer a virgin, baka i-annul niya agad yung kasal namin.

And yeah, advance ako mag-isip. Why wouldn't i? I'm inlove with him. And when i told him my yes was the time that I'm sure of him. At sigurado na ko kung aabot kami sa kasal.

"Besh? Andiyan ka pa ba?"

Hindi ko namalayan. Napindot ko na pala yung call. "Uhh. Yes? "

"Nandito kami ni Rose sa bar. Punta ka rin dito."

"At bakit naman kayo nasa bar? " Aba't umaasenso sila ah. Dati, sa bahay lang ni Rose o kaya ni Mina yung inuman, ngayon naka-bar na sila.

I heard her laughters. "Manlilibre si Rose. "

Para akong nasamid sa sarili kong laway. "Hindi nga?! May ganun na ngayon? Baka naman may sakit yang si Rose ah. Check mo kaya? Hindi nanlilibre yan, Mina. Nadamay siya sa climate change? "

Hindi ako makapaniwala. Rose loves food so much and that's maker her 'kuripot'. Lagi kasi siyang nagse-save ng pera para sa pagkain niya. Naka-midnight snack pa nga yung baklang yun eh. Hindi pa dun nagtatapos, pino-post niya pa nga yun sa facebook.

"Oo, besh. Kaya punta na. Minsan lang 'to. "

Napaisip ako. That could give me a peace of mind. Makakalimot ako ng saglit kapag uminom muna ko. "Owkie! Text mo sa 'kin yung address. " masaya kong sabi at saka binaba yung cellphone. I'm gonna get wasted tonight. Damn! Ang saya talaga kapag nagkaka-part timers sa cafe. Nawawalan kami ng trabaho pero nababalikan naman namin kapag school days na.

💛

Sinalubong ako ng mukhang lasing ni Rose. Namumula na ang mukha niya medyo wala na wisyo. Pagewang-gewang pa nga siya habang sumasayaw sa bawat madadaanan niyang lalaki sa dance floor.

"Ann!!!" sigaw niya at sumayaw-sayaw habang papunta sa 'kin.

Napailing na lang ako sa sobrang wild niya. Kumuha ako ng drink sa dumating na waiter at kinindatan ito kaya hindi na siya nakaalma nang makuha ko yung drink. He just smirked at me and look at me from head to foot bago umalis.

"Nakita ko yun ah! Akala ko ba, loyal kay Ervin? " pang-aasar ni Rose nang makarating siya sa harap ko.

I rolled my eyes. "That's okay. Siya lang naman ang mahal ko. At isa pa, hindi ko naman inano yung lalaki ah? I just winked, dear. That's too harmless," I said and pull her out of the dance floor. Pati kasi ako nadadamay na eh. May sumasayaw sa gilid namin na mga lalaki.

"Asus! Kahit na! Bad yun kapag may jowa ka na. " parang bata niyang sabi. Lasing na talaga.

"Oo na ho, nay. Asan si Mina? Ba't iniwan mo mag-isa? Baka malasing yun. Baliw ka talaga! " sabi ko sa kaniya habang tumitingin sa paligid.

Tease your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon