Prologue

1.3K 41 1
                                    

Lutang ang utak, hindi maayos na mobility, slurred speech, droopy eyes at namamanhid na mga labi. Oo, lasing na naman ako at tinamaan ako ng matindi sa napakaraming alcohol na nasa sistema ko. Walang kwenta kasi tong kasama ko, susugod dito sa apartment ko, bibili ng alak at mauuna naman palang tatamaan. Tiwala lang kasi siya na nandito lang siya sa unit ng apartment ko. 

Bwisit na buhay to, alam niyang broken hearted ako pero pinilit niya na naman akong idaan na lang lahat ng to sa maboteng usapan. Magbibigay ng kung ano-anong love advice kahit wala anamgn katuturan. Hindi naman talaga siya nakakatulong. Nakakapagod nang malasing pero di ko rin naman magawang tanggihan ang kaibigan ko kasi kahit papano nakakalimutan kong nasasaktan ako.

Nakahiga ngayon tong mokong na to sa sofa ng sala.  Bagsak ang katawan at humihilik na. Ako, hilo man ay hindi ko kayang matulog. Dahil na rin siguro sa pinaghalong sakit at lungkot na kahit ilulong ko ang sarili ko sa alak ay hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko.

Di bale na. Mas mabuti nang may alcohol ang utak para mas makapag-isip ako para sa kuwentong kailangan kong isubmit sa editor ko next week. Mas creative daw pag lasing eh.

Halos matumba ako nang makarating ako sa kwarto ko kung saan naglagay ako ng maliit na lamesa at itim na swivel chair para kung sakaling abutin ako ng sipag ay may mapupwestuhan ako para magsulat.

Pagbukas ko ng laptop ay letrato namin ng ex ko ang agad na bumungad na sa pagmumukha ko. Tangina. Di ko pa pala napapalitan ang wallpaper nito. At muli bumalik na naman muli sa akin lahat ng sakit na akala ko kayang pamanhirin ng alak na nainom ko kanina.

Ano bang nagawa ko sa'yo at nagawa mo kong iwan? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Sana man lang maitanong ko sa kaniya yun para naman hindi ako mukhang tanga dito na lumulutang sa ere at nag-iisip kung bakit, at san banda ba ako nagkamali?

Sana naman kahit papano maliwanagan ako kung bakit naging ganito na kami ngayon.

Halos isang buwan na rin mula nung iniwan niya akong luhaan, sugatan, di mapakinabangan. Sana kahit katiting na paliwanag ay masabi naman niya dahil karapatan ko naman iyon.

Sobrang sakit lang. Di ko na kaya to.

Parang may sariling buhay 'tong kamay ko at agad kong inopen ang email account ko. Di ko alam kung anong punto nito, pero sana man lang may kararatnan 'to. Hindi ko na rin naman macontrol ang sarili ko

She blocked me from all of her social media accounts since our break up. She wouldn't even take my calls everytime I try to reach her. She even moved to another place at hindi ko alam kung sa'n yun kaya I'm pretty sure I did everything para lang maisalba ang relasyon namin. But I failed. And this would be the last time na magsasabi ako sa kaniya ng nararamdaman ko. Sure din naman ako na hindi siya nag-oopen ng email account niya unless necessary kaya bahala na.

I set a scheduled message exactly three years from now. I let my mind, my heart, and my fingers to speak for me. Lahat ng hinaing at sakit ibinuhos ko na. Three years kasi baka enough na time na yun para makapag-isip, not long enough para maghintay pa ko sa kaniya, and not even short enough para makita ang sarili kong nagmomove on na sa pain. Sigurado din naman ako na she would always be a part of me, at umaasa pa rin naman ako at alam kong aasa ako na sa huli, ay kami pa rin.


~~


I didn't realize that I will be putting myself in a lot of stress when I decided to open up a coffee shop business. I've been keeping myself busy since that...ugh. That time na gusto kong mapag-isa.

And since I'm a graduate of a business course and nasa lahi na namin ang pagiging negosyante, eh sinubukan ko rin magpatayo ng sarili.

Halos anim na buwan na rin nang tumatakbo ang shop. I was with my friend slash business partner slash manager. She has been helping me and so far, nababawi na rin naman kahit papano ang mga naging kapital namin.

Tama na tong may pinagkakaabalahan. I'm already 28 pero ni hindi pa dumadating si Mr. Right. Don't care much neither if si Ms. Right pa yan as long as hindi ako tatandang mag-isa. Napepressure na'ko ng konti but still, hindi naman ako nagmamadali. Ang sigurado ko lang na pag dumating na ang taong yun, I'll make sure na mamahalin ko siya ng buong buhay ko. Oo, tama naman yun, I've already spent 28 years na minamahal ang sarili ko and I think enough na yun to give some love naman sa iba.


**bzzt...bzzt**


Kararating ko lang ng shop nang nagulat ako sa pagvibrate ng cellphone ko na nasa right pocket ng jeans ko. Gmail notified me for a new email sent by anonymous. Well, hindi ko pa naman nakita talaga kung sino yun, sinabi ko lang na anonymous. Hehe.

Ayoko sanang iopen yun dahil alam niyo na, baka virus ito at mahack ang nasa email contacts ko. Call me old fashioned pero mas busy lang talaga ang gmail account ko kesa facebook at instagram ko.

After my early dinner, dumiretso na lang ako ng maliit na opisina ko at sinalampak ang likod ko sa upuan. Haaay. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Hinilot ko rin ang kanang paa ko dahil sa muntikan kong pagkakatapilok kanina. Buti na lang talaga at hindi ako napuruhan. 

Nang maipatong ko ang paa ko sa maliit na stool na nasa tabi ko ay iniabot ko kaagad ang cellphone ko nakapatong sa lamesa. Pinagmamasdan ko lang ito na akala mo malaking puzzle na kailangan isolve. I'm still deciding if bubuksan ko ba or not. But there's something in me na kailangan ko na tong basahin. Ewan ko ba. Parang panatag naman ang loob ko.

As I clicked the message, I was expecting na may nakasulat na warning or any message telling me that my account has been hacked. Pero laking gulat ko nang iba pala ang content ng message na 'to.

I read and felt every word written sa message na yun. I felt a knife na diretchang tumusok kaagad sa puso ko. The pain, the longing, and the sadness were really there. I felt like the message was not made for the reader but for the sender himself.

Then, I didn't realize na patuloy na pala ang pagbagsak ng luha galing sa mata ko.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon